“Sir, wedding ring po ba iyang suot n’yo?” hindi napigilang pangungusisa ni Minerva. Kaninang umaga palang nang may pinapirmahan ito sa kanya ay nakita na niya ang kuryosidad sa mga mata nito. Ilang beses niya rin itong nahuling nakasulyap sa kamay niya. Tipid siyang ngumiti. He stopped typing on the keyboard to check the documents she handed over to him. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang panghahaba ng leeg ni Minerva na pilit sinisipat ang singsing niya. Tinapos niyang pirmahan ang mga dokumento at ibinalik sa sekretarya. Pagkatapos ay tinitigan niya ang singsing at muling ngumiti. “Wedding ring? Hmmm. What do you think?” “Siyempre imposible po, Sir. Wala naman po kayong asawa, eh.” Nagkibit-balikat lang siya. Namilog ang mga mata ng sekretarya niya. “M-may asawa na

