Tahimik na nakaupo sa likurang panig ng function room si Nazaron. He was still wearing his corporate suit. Galing opisina ay dumerecho na siya sa gawad parangal para sa mga bagong binhi ng sining. He would never miss it for the world. Bumuntong-hininga siya at pinanood na isa-isang tinawag ang sampung kabilang sa top 10 emerging artists. He was excited and happy for his wife. Kaya kahit galing sa trabaho at namumungay na ang mga mata niya sa pagod ay dumalo pa rin siya. Kahit na walang kaalam-alam si Anemone na naroroon siya para ipakita ang tahimik niyang pagsuporta rito. Kuntento na siyang panoorin ito. Maraming tao sa loob ng function room. Lalo na at napakalawak na silid iyon. Works of invited artists were on display. Maayos na nakalagay sa mga wooden stand at mataktikang inayos sa

