Natigilan si Salem maging ang mga kasamahan nito. Wala naman masama sa tanong ni Carmela ngunit bakit sa paraan ng pananalita nito ay ayaw n’yang makita si Salem. Maging si Noah na walang ka-ekspresyon ekspresyon ang mukha ay nagsalubong ang kilay. Sumingit na si Josephine. “Ano ka ba! Syempre sinama na namin si Salem dahil gusto ka lang niya bisitahin. Iba talaga ang mood kapag may lagnat.” Tumawa ito ng mapakla. Doon lang natauhan si Carmela sa sinabi niya at napayuko. “Pasensya na. Masama kasi ang pakiramdam ko sana huwag mo iyong pansinin, Salem. Salamat sa pagbisita,” nakangiti nitong turan. Pilit na ngumiti si Salem. “Okay lang. Magpagaling ka, okay? Nagdala kami ng prutas para sa’yo.” Nilapag ni Salem ang dala na kinuha niya kay Noah sa gilid ng kama ni Carmela. Nag-focus ang

