Kabanata 20

1305 Words

“Wow! Ba’t parang iba yata ang aura mo ngayon?” Lumapit si Juan dito at inamoy ito. “Aba, ang bango mo rin, ah? May date?” panunukso nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Naligo kasi ako kaya mabango,” sagot ni Noah. Wala naman s’yang pupuntahan kung hindi ang magtrabaho. Nakasuot siya ng asul na long sleeve na damit at itim na pants at bota. Magtatanim ulit sila ngayon ng palay. “Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi pala ako naligo gano’n?” Tumawa si Noah at napailing. “Ikaw ang nagsabi n’yan hindi ako.” Pagkarating na pagkarating nila sa hacienda ay hinanap ng mata ni Noah si Salem ngunit hindi niya ito mahagilap. Dalawang araw na ang nakalilipas simula noong may bagyo. Naging ka-chat niya sa message box si Salem at gabi-gabi silang nag-uusap. Ayaw pa nga nito matulog kung hindi niya pa pilitin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD