Napangiwi si Salem habang paika-ikang naglalakad pauwi kasabay si Noah na bitbit-bitbit ang kanilang gamit. Narinig niya ang marahan nitong pagtawa kaya tiningnan niya ito ng masama. “Kasalanan mo ‘to.” Pinandilatan niya ito ng mata. Ang sakit ng gitna niya. Napahawak si Noah sa bibig para pigilan ang pagtawa bago ito pumunta sa harap niya. “Sorry. Hindi na mauulit iyon.” “Ano’ng sorry? Mauulit pa iyon, okay? Masakit lang talaga sa una pero pareho naman nitong ginusto ‘to. ‘Tsaka okay lang ako, medyo humahapdi lang.” Ang halay niya! Talagang may next session pa ang s*x nila? “Bibilhan kita ng gamot mamaya. Inumin mo,” aniya ni Noah. Wala silang ginamit na condom habang nagse-s*x. Hindi naman siya takot na may magbunga sa ginawa nila, pero hindi pa ito ang oras. Alam n’yang hindi niya

