Makaraan ang tatlong araw. Naghahanda ngayon ang buong tao sa hacienda dahil bukas na ang kaarawan ni Donya Isabel. Marami ang imbitado at lahat ng ito ay mga mamamayan sa bayan. Hindi na inimbitahan ni Donya Isabel ang mga kakilala niya dahil nasa Maynila ito at gusto n’yang i-celebrate ang kaarawan kasama ang lahat ng trabahador sa hacienda bilang pasasalamat niya rin. Pumarada ang isang van at lumabas ang kambal kasama si Salem. Pumunta kasi sila ng mall para bumili ng pang-dekorasyon. Ang ibang trabahante naman ay tumutulong sa paglagay ng mesa at bubong dahil gagawing venue ang labas. Hinanap agad ni Salem ang nobya at nakita itong tinatayo ang isang kahoy para maging gabay sa gagawing bubong. Siguro ay naramdaman ni Noah na may nakatitig sa kanya kaya tiningnan niya kung sino ito

