“Saan kayo nanggaling at hindi namin kayo nakita?” tanong ni Nadia pagbalik sa cottage nito. Kinuha nito ang pizza at nagbungkal sa mga pagkain nila kaninang tanghali. Sarap na sarap siya sa luto ni Luis lalo na sa liempo. It really tastes so good! “Lumangoy kami pailalim,” Salem lied. “Ng matagal?” “No. Doon kami napunta hindi niyo siguro kami nakita dahil malalaki ang bato roon.” Turo ni Salem sa mabatong bahagi ng dagat na hindi malalim. Tumingin naman ang tatlo na tila kumbinsido. Kumuha si Salem ng tuwalya sa taas, sumundo rin ang dalawang babae na naghugas muna at naiwan sa baba si Noah at Luis. “Lumangoy pala pailalim, ah? Mukhang iba ang linangoy mo,” makahulugang sambit ni Luis at ngumisi sa kaibigan. Kung ang dalawang babae mapapaniwala agad siya hindi. “Ano bang sinasabi m

