Agad pinuntahan nina Nadia at Kristel si Salem nang makita itong umiiyak pagbukas nila ng pinto sa kanilang tutulugan. “What happened?” Nadia asked while caressing her best friend’s back. Nakayuko lang ito ngunit umaagos ang kuha na s’yang pumapatak sa bed sheet nito. “S-sa tingin ko hindi naging m-maganda ang pag-uusap namin ni... Noah,” humihikbing saad ni Salem at pinunasan ang mukha ng kamay. Ang pula ng mata nito at ilong. Nang lumabas si Noah na tila nasa bad moob ay agad silang nagkatinginan nina Luis. Sinundan agad ng binata si Noah at sila naman ay pumanhik sa taas. “Hindi kasi inaasahan iyon ni Noah, Salem. Kahit naman siguro ako ay magtatampo at malulungkot kung aalis ka, paano pa kaya kung ang nobyo mo pa? Nag-aalala lang iyon si Noah. You know, marami kasing hindi nagwo-wo

