Lumipas ang tatlong araw at palagi ngang palihim na nagkikita sina Noah at Salem syempre ay dahil na rin sa tulong nina Kristel at Nadia. Halata sa mukha ni Salem na masaya ito kumpara sa nagdaang buwan. Maging ang mga magulang nito ay nagtataka kung bakit. Tapusan na ng klase at as usual, naghihintay si Noah sa labas. Mukhang napahaba ang oras ng class ni Salem at six fifteen na ng gabi ito lumabas. “Bye! Sa susunod na lang tayo ulit jam!” Kristel and Nadia bid their goodbye. Hindi naman nila dapat samahan everyday sina Salem at Noah. Gusto rin naman nila bigyan ito ng alone time. Tumu-third wheel sila palagi, eh. Nakakahiya rin kay Noah. “Okay!” Tumalikod si Salem at agad hinanap si Noah ngunit hindi niya ito makita. Wala din ito sa usual spot nito kung saan ito naghihintay. Nasaan n

