Gabi-gabing binibisita ni Noah si Salem lalo na kapag hindi sila nagkikita. Minsan pa ay inihahatid niya ito dito sa lugar nila. Sinasamahan niya itong maglakad hanggang makarating at makapasok ito ng bahay. Hindi naman pala magkalayo ang bahay nila nga ilang street lang ang lalakarin. Siguro’y aabutin ng pitong minuto bago makapunta dito. Nasa plano rin kasi iyon ni Noah na maging malapit kay Salem kung sakaling may mangyari ay maabutan niya agad ito. Nagtataka nga sina Nadia at Kristel kung bakit hindi ito nagsasawang makita ng dalawa ang isa’t-isa. They guess gano’n ata ‘pag mahal na mahal ang isa’t-isa. Naka-cling ngayon sa braso ng binata ang dalaga habang inihahatid niya ito sa kanilang bahay. Kung mapapansing mabuti makikitang mapula ang labi ng dalawa lalo na si Noah. Paniguradong

