bc

Why Can't You See Me?

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
friends to lovers
drama
sweet
serious
rejected
secrets
self discover
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Adaleigh Dianella Dizon and Dave Justine Ramirez are childhood best friends but when they grow up, they become enemies. Their long-standing friendship was affected because of their parents. Therefore, she didn't want to go back to his life, she forced herself to forget about him but fate is playing with her.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Adaleigh!” nagulat naman ako ng bigla akong tawagin ni Sir George. “Yes, sir?” gusto ko sanang gayahin ang accent ni Peppa kaso 'wag nalang. Terror pa naman 'to. Pero dahil nga dakila akong pasaway. “What do you need, sir?” ginaya ko na ang accent ni Peppa. Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya sinamaan ako nang tingin ni Sir George. Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki sa kaniya. “Quite! Ms. Dizon, come to my office! Now!” sigaw niya kaya dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya. Nang makarating kami sa office n‘yang mukhang gubat, dahil sa sobrang kalat nito. Magugulantang ka nalang na office pa pala 'to. Baka nandito rin si Tarzan. “Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa,” hindi na raw magpapatumpik-tumpik pa pero pa-thrill masyado. “Sir! Kanina ka pa naghahanap diyan.”tinaliman ako nito nang tingin pero hindi ako nagpatinag. “Iniwan ka na nga hinanap-hanap mo pa,“ nanlaki naman ang mga mata ko nang umamba itong may ibabato sa akin. “Joke lang po!” “Ito! Nahanap ko na, oh! Tignan mo,” At padarag pa nya itong binigay sa akin, attitude ka yarn? -THE 5 HANDSOME- •Dave •Jace •Josh •Dawin •Kevin Anong gagawin ko sa mga 'to? Sa pagkakatanda ko rin ay bully 'tong mga 'to at 5 handsome? Kadiri lang. Napataas ako ng kilay. “Sir, ano itey?” kumunot ang noo niya. “Aalagaan mo silang lima, mag sisimula ka bukas.” hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Nanlaki ang mata ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, desisyon ka po? At aalagaan?! May sakit ba itong mga 'to? “Sir naman, hindi pa nga ako pumapayag ah! Bukas agad?!” pagrereklamo ko pero hinagisan niya lang ako ng paper ball buti nalang na kaiwas agad ako. “Bantayan mo sila, alam kong ikaw lang ang magpapatino sa kanilang lima...” sasagot na sana ako nang bigla na naman ako nitong batuhin. “Sa ayaw at sa gusto mo, babantayan mo sila and that is your punishment.” napalunok nalang ako dahil parang bubuga na siya ng apoy sa maganda kong feslak. “Sabi ko nga, sir..” tss. Punishment ko raw. PUNISHMENT!! “Hay nako! Kahit ayaw kitang payagan, pero sige! Pero bakit ba kailangan mong tumira ro'n?! Tapos puro lalaki pa kasama mo! Baka naman kauwi mo rito buntis ka na, ah!” Nagra-rap na naman po siya. “Ma naman! Ganyan pala tingin mo sa akin, nakakasakit ka naman po ng damdamin—aray!” Nagda-drama pa ako tapos bigla ba naman akong batukan. “Mag-iingat ka ro'n, bunso.” malambing na sabi ni Ate kaya ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. “I-reto mo naman ako sa kanila, oh.” mahina kong pinalo si ate sa braso kaya natawa kaming pareho. Ang tanda na ng ate ko, ang harot pa rin. “Ate! Ang harot mo talaga! O sya kailangan ko na pong umalis,” Kinuha ko na 'yong bag kong may lamang mga damit ko at lumabas na kaming tatlo sa kwarto ko. “Nand'yan na pala yung sundo mo, Ada.” turo ni mama sa susundo sa akin, parang hindi ako handa dahil ayaw kong iwan dito sina ate at mama, pero para rin naman sa kanila ito, eh. “Kailangan mo ba talagang tumira ro’n? Pwedi mo naman silang bantayan pero bakit—?” agad kong nang pinutol ang sasabihin ni Mama. Sa puntong 'to seryoso na siya kaya kailangan ko na ring magseryoso. “Ma, sayang po ang kikitain ko kapag hindi ko po iyon ta-tanggapin, saka tulong ko na rin po 'yon sa inyo. ‘Wag kayong mag-alala sa akin, I can handle myself. I know how to fight naman po, eh, kung may gagawin silang kalokohan.” pag-aasure ko kaya napatango-tango nalang silang dalawa. Niyakap na muna nila ako sa huling pagkakataon at umalis na ako. Kasi 50k sa isang buwan ang suweldo ko nang sinabi ni sir George, pero no’ng una talaga hindi ako payag dahil nga paano na ang ate at mama ko pero dahil desisyon si sir, kahit hindi pa ako pumapayag. Siya na ang nagdesisyon para sa akin. “Nandito na tayo!” Napatingin ako sa labas ng sasakyan at napatingala. Wow! Ang laki ng mansyon! Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Ang ganda talaga. “Pumasok ka na, Miss Leigh.” nakangiting sabi nung nag a-assist sa akin, leh? Weg ke nge ngemete, kenekeleg eke. Ay, ang harot! Tumango naman ako at ngumiti pabalik, maharot kasi ako, eh. Binuksan niya 'yong gate at pinauna ako, kaya ako naman ay nauna na nga. Lalo akong na mangha dahil ang ganda no'ng garden! Super! Ang dami ring sasakyan, pero iba ang nararamdaman ko sa lugar na 'to. Ang bigat sa feeling pero isiniwalang bahala ko na lang iyon. Kaya pala mabigat sa feeling, dahil kapasok namin sa loob na halos ikina-gulantang ng buong pagkatao ko dahil... dahil ang... ang kalat! Talaga ngang pamangkin nga sila ni sir George. Ang ganda ng labas ng mansion tapos kapasok mo mukhang dinaanan ng bagyo ang loob. Napatingin ako sa mga lalaking nagbabatuhan ng pagkain. Ang ga-gwapo ang du-dugyot naman. Ala rin. “Boys! Magsitigil nga kayo! Mahiya kayo sa bago niyong kasama!” sigaw nung lalaking nag a-assist sa akin. Bago nilang kasama? Ano 'to presinto? Makapagsalita naman 'to parang nasa kulungan kami, ah. Napatigil naman sila sa ginagawa kaya napadungaw ako ng ulo para na rin makita nila ang cute kong face, nasa likod kasi ako nung guy dahil kakatingin ko sa paligid, eh, nahuli tuloy ako. “IKAW?!” nagulat ako ng bigla akong tinuro ‘nong maputi, magulo ang buhok at topless, may six pack abs din siya. Napaturo naman ako sa sarili ko, “Ako?!” gulat na sabi ko. Ano problema nito? Bigla bigla sumisigaw. “Anong pangalan mo, binibini?” napatingin naman ako dun sa gwapo ring lalaki, hele? Penepelebeten eke ng mge leleke, ehe. Ang harot! Adaleigh! Ano ba?! “Ako si Adaleigh Dizon...” pagpapakilala ko. “Ang mag babantay sa... inyo. Napabuntong hininga nalang ako. Ang lalaki na nila, kailangan pa talagang bantayan. Ano sila? Mga baby damulag? “Oh! Ako nga pala si Jace.” pagpapakilala niya naman at naglahad ng kamay kaya tinanggap ko naman iyon. “Ako naman si Dawin, miss,” at lahat na nga sila nag pakilala except dun kay Dave, oh, well I don't need na rin naman dahil kilala ko na rin naman na siya. “Sige, Miss Leigh. I need to go,” nakangiting pamamaalam nung guy sa akin kaya ngumiti rin ako at tumango. “Sige, thank you po.” Kinikilig na sabi ko dahil ngumiti na naman siya. Dinala na ako ni Dave sa magiging kwarto ko. “Dito ang magiging kwarto mo, Leigh.” napangiwi ako ng tawagin ako ni Dave sa second nickname ko, kasi parang may galit. Napalibot naman ako sa paligid, wow! Maganda din ang kwarto may king size bed pa. Kung tutuusin guestroom lang naman ‘to, pero okay na ‘to, ang ganda lang talaga. “Oww...key, sige pwede ka nang lumabas.” nakangiting sabi ko pero inirapan niya lang ako at tumalikod kaya nag make face ako pero napatigil din nang humarap siya ulit. “Ano? Lumabas ka na,” pagtataboy ko pa rito. “Bahay mo?” masungit na tanong niya kaya inirapan ko siya. Duh? May sinabi ba akong bahay ko 'to? “May sinabi ba 'ko?” sagot na tanong din. Inismiran nya lang ako at tuluyan na siyang lumabas. “Bakla yata 'yon eh.” bulong ko sa sarili. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong kwarto, bago ko nilagay ang mga damit ko sa walk-in closet— wait! Guestroom lang naman ito ah! Ang sosyal talaga. Katapos kong ayusin ang gamit ko tinignan ko naman ang banyo na parang kasing laki lang ng kwarto ko sa bahay namin, kayo na kasi mayaman. Tinawagan ko muna sina mama para updated naman sila kung ano nang nangyayari dito, ‘yon din naman ang habilin niya eh. “Ma, nandito na po ako.” sabi ko agad ng masagot na nya ang tawag. Hindi naman kami mahirap at hindi naman kami mayaman, sad‘yang may kaya lang. Saka, student working naman ako eh. “Kumusta ka d‘yan? Anong nangyari? May nangyari ba?” napangiwi nalang ako ng mag hysterical na naman ulit siya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang may marinig akong kalabog sa baba kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga. “Ma, later nalang po.” pinatay ko na iyon at agad na akong bumaba. Nakita ko silang lima na nagbabangayan ulit kaya napataas ako ng kilay. “Ano ‘yong ingay na narinig ko?” takang tanong ko. “Nabasag kasi ‘yong— aray!” Kinurot kasi ni Dawin si Jace, kaya napahalukipkip na ako. “Ano yung nabasag?” tanong ko sa kanila at napatingin naman ako sa buong living room. “Mag linis nga kayo d‘yan.” utos ko sa kanila kaya nagreklamo agad silang na nagreklamo. Ang arte ng mga ‘to. Papatinuin ko kayo, mga bwisit kayo. Ang ganda ganda ng mansyon ang dugyot naman ng loob. “Bakit hindi ikaw ang maglinis, tutal ikaw din naman nakaisip.” inis na sabi naman ni Dave, alam niyo iniisip ko talaga kung may galit 'to sa mundo eh. Halos magkadikit na ang kilay niya. “Bakit hindi kayo maglinis, tutal kayo naman nagkalat. Kalalaki n‘yong tao, hindi kayo marunong maglinis.” Kahit saan ka tumingin may mga sapot ng gagamba, haunted mansion yata ‘to, eh. Agad naman akong kinilabutan ng maisip ko iyon, agad akong nag sign of the cross. “Maglinis na kayo d'yan!” pahabol na sigaw ko bago ulit pumunta sa kwarto para kausapin na sina mama. Wala naman nangyari sa buong araw ko kahapon— pero ngayon grabe! Grabe talaga! Buong araw lang naman masakit ang ulo ko dahil sa stress sa campus at sa mga mokong na ‘yon. Nabasag lang naman nila ang vase ng mommy ni Dave. Hindi ko expect na pupunta ang mommy ni Dave ngayon dito, kaya kauwi ko ayun, napagalitan din ako nang biglaan dahil mga punyeta'ng lalaki… sakin ba naman daw isisi ang pagkakabasag ng vase na ‘yon. Nakikita ko sila sa gilid ng mata kong nagbubulungan habang nagwawalis ako. Oo, ako 'yong nagwawalis! AKO! Mga pashnea! Sino bang matutuwa rito?! Kauwi mo galing school pagod ka, tapos ako pa paglilinisin sa buong mansion. Tangina. Kung sana same lang 'to nang laki ng bahay namin, hindi ako magrereklamo eh, pero hindi! Nang matapos na ako mag-linis sa lahat lahat ay agad akong napaupo sa couch dito sa sala, dala na rin nang panlalambot. Umakyat na ako pero pesti ang pagbahing nakisabay pa. Kaya bumaba na muna ulit ako para uminom ng tubig at gamot. “Sana naman may gamot dito.” bulong ko sa sarili. Nung nasa kusina na ako ay uminom na nga muna ako, sumasama na talaga 'yong pakiramdam ko. Impyerno pa yata itong naging trabaho ko. Katapos, ay naghanap na ako ng gamot, nang biglang pumasok si manang Lidia. “Hija, gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?” takang tanong ni manang Lidia. Sasagot na sana ako ng bigla na naman akong bumahing. “Manang…” napapatalikod ako kapag napapabahing pero wala naman. “Manang meron po bang gamot dito?” tanong ko habang tinatakpan ang ilong ko dahil paniguradong namumula na 'to, para akong naiiyak. “Huh? Meron naman.” lalo pa itong nagtaka pero kinuha na lang niya 'yong gamot sa isang drawer. Nang makainom na ako ng gamot ay nagpaalam na ako kay Manang na aakyat na. “Ada, okay kalang ba?” nag-a-alalang tanong niya kaya nag-thumbs up ako habang tumatango-tango. “Oo naman po, malakas po yata ‘to.” pagbibiro ko at umakyat na ako sa taas. Nag half bath na rin muna ako pero yung mabilis lang dahil talagang nangangalambot na ako. Katapos ko agad na akong humiga sa kama, dala na rin siguro ng pagod ay agad akong tinangay ng antok. Paputol-putol ang tulog ko at hindi ako natutuwa ro‘n. Napatingin ako sa orasan at napabuntong hininga, half after four o'clock pa lang ng umaga pero hindi na ako makatulog kaya ang ginawa ko na lang ay nanood na lang ng YouTube sa cellphone ko. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako at naramdaman ko na lang na may tumatapik sa pisngi ko. Tinabig ko naman ‘yon sapagkat antok na antok pa ko, parang pumikit lang ako ng ilang minuto at hindi ko naman naramdamang nakatulog ako. “Ada,” sabay tapik ulit sa pisngi ko kaya inis kong minulat ang aking mga mata. Agad naman akong napaupo mula sa pagkakahiga nang makita ko ang bestfriend kong nakatayo sa gilid ng kama. “What are you doing here?” takang tanong ko habang nag-i-stretch. “Wow. Good morning, ah.” “Aya, ano ba? Inaantok pa ‘ko. Ang aga mo namang mambulabog,” naiinis na sabi ko. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at nagtalukbong. Hinila naman niya ‘yon kaya inis akong napabangon at tinignan siya nang masama. “Anong ang aga? Tignan mo nga ‘yong oras, Ada,” halos maduling naman ako sa sobrang lapit ng cellphone niya sa ‘kin. Tinabig ko ‘yon dahil wala akong maintindihan sa sobrang lapit. “‘Wag mo nga masyadong ilapit!” hinawakan ko ‘yong palapulsuhan niya para makita ko nang maayos ‘yong oras. “One na?!” gulat na sabi ko. “Nope. It's already two in the afternoon,” pamimilosopo pa niya kaya muntikan ko na siyang batuhin ng unan. Napakapilosopo talaga. Anong oras ba ako nakatulog? Hindi ko naman naramdaman na ang haba ng tulog ko. Parang pumikit lang ako tapos ang magaling kong bestfriend ginising ako. “Walang pasok?” I asked. “Wala,” tipid na sagot niya. Obvious naman. Hindi naman siguro pupunta ‘yang si Aya dito kung walang pasok. Hindi naman ‘yan mahilig magcutting. Unlike… her guy bestfriend. Travis. Hindi rin naman ako mahilig magcutting, kapag ginawa ko ‘yon wala akong uuwiang bahay. “Ada, maligo ka na. Ang bantot mo na,” Ay, gago. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. Seryoso pa ang mukha niya nang sinabi niya ‘yon. Wala kang makikita sa maamong mukha niyang nagbibiro siya. Kumuha ako ng unan at binato ‘yon sa kaniya. “Ada!” tinignan niya naman ako nang masama. Padabog tuloy akong bumaba sa kama at pumunta sa walk-in closet. “Bilisan mong maligo, Ada! Para kang pinaglihi sa pagong.” dagdag pa niya bago ako pumasok sa banyo. Ang demanding ng gaga. “Kanina ka pa reklamo nang reklamo d'yan, Aya,” naririnding sabi ko nang makababa na kami. Sinusuklay ko pa ang basa kong buhok dahil hinila na niya agad ako palabas ng kwarto no'ng matapos na akong maligo. “You're so tagal sa banyo, I thought nilamon ka na ng inidoro,” ano bang nakain nito ngayon at ganito ang ugali nitong si Aya? Napakasama ng ugali. “Kapag hindi ka tumigil sa kakagan'yan mo, masasampal na kita.” sabay turo ko sa kaniya no'ng suklay na hawak ko. Ngumisi lang naman siya. Muntikan na akong mapamura no'ng biglang may sumigaw galing sa kusina kaya agad kaming pumunta do'n ni Ayla. “What the… hell?” hindi makapaniwalang sabi ni Aya. “You don't even know how to cook, Jace!” sabi ni Dave. “Wow, ah. Nakakahiya naman sa'yo na lamon lang ang alam,” bawi naman ni Jace. “Tawagin n'yo na lang kasi si Adaleigh para siya na lang ang magluto ng tanghalian natin.” singit ni Dawin at tumingin sa malaking wall clock. “Lagpas alas-dose na, oh.” “Bakit ako? Hindi naman ako marunong magluto,” singit ko. Pinulot ko 'yong plastic na nasa sahig at nilagay do'n ang mga kalat. Ang kalat ng kusina! Grabe! “Ano ba 'yan? Gumagawa ba kayo ng experiment?” nakangiwing sabi ni Aya habang tinitignan ang kalat sa kusina. “Umalis nga kayong tatlo d'yan at ako na ang magluluto.” pumunta siya sa tapat ng refrigerator at kinuha sa may sabitan 'yong apron. Sinuot niya naman 'yon. Lumabas na sina Dawin at pumunta sa living room pero nando'n pa rin si Dave kaya napatingin kami ni Aya sa kaniya. “I want to help,” nagkatinginan kami ni Aya sa sinabi niya at nagkibit balikat na lang. “Tulungan mo na lang si Adaleigh sa paglilinis.” natigilan kaming pareho ni Dave dahil sa sinabi ni Aya. Gusto ko tuloy tawanan si Aya kasi, si Dave? Maglilinis? Haha, patawa. “Hindi naman 'yan maglilinis—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinablot niya sa akin 'yong floor mop. Habang pinapanood kong magfloor mop si Dave, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Aya na para bang natutuwa siya sa nangyayari. “Pakitang tao ang gago,” bulong ko at pumunta na lang sa lababo para 'yon na lang ang linisin ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa kasi nautusan siya ni Aya. Eh, parang kahapon lang ako ang itinuro ng talimpandas na ako raw ang nakabasag no'ng vase ng mommy niya at iniwan ko raw ang mga kalat do'n sa living room. Mga mahilig gumawa ng kwento! Hmp. “Look, the sink is already scintillating,” Doon lang ako natigilan at napatingin kina Aya na nakatingin na pala sa akin. Agad ko silang inismiran at pinagpatuloy ang paglilinis. “Kanina mo pa 'yan nililinis, tapos na si Dave, oh. Ikaw nandiyan pa rin, nililinis ang sink.” natatawang sabi ni Aya. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang malinis na nga. Ang bilis naman yata?! “Ang sungit,” bulong ni Aya na narinig ko naman. Pasimple akong sumulyap sa kanilang dalawa. Natatawa si Aya habang si Dave naman ay nakatingin sa kaniya, napapailing. Binitawan ko ang basahan at maayos kong iniligay 'yon sa lalagyanan nito. Kailangan ko nang umalis dito sa kusina, nagmumukha lang akong 3rd wheel sa kanilang dalawa. Siguro kung hindi ko lang sila kilala, mapagkakamalan ko silang magkasintahan. Bagay, eh. Sobra.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.9K
bc

Babysitting The Hockey Star's Niece for Christmas

read
1.8K
bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
530.3K
bc

The Prince's Rejected Mate

read
554.0K
bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
355.6K
bc

The Last Royal Luna

read
106.9K
bc

My Stepbrothers Forced Me to Call Them Daddies

read
21.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook