Chapter 25 MANGKUKULAM “Bakit hindi ka masaya?“ Inulit ni Lori ang tanong niya kay Ivan kung bakit hindi ito masaya sa natanggap niyang balita. Nag-apply kasi siya sa isang restaurant na sa gabi nag bubukas. “Gustuhin ko man na maging masaya at suportahan ka, pero bakit? Bakit kinakailangan mo pang mag part-time? May trabaho ka naman dito sa Hacienda. Hindi ka naman naghihirap at ginugutom. Paano ang pag-aaral mo—” “Kailangan ko maka-ipon. Gusto ko bilhan ang Inay ko ng sarili niyang bahay at lupa—” “Bakit!“ pasigaw na tanong ni Ivan.. Kalmado siyang lalaki ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya napigilan ang sarili. Napakunot-noo na lang si Lori dahil sa inaakto ni Ivan. “Anong bakit? Masama ba mangarap na mabilhan ng sariling bahay ang magulang? Buong buhay namin ng Inay ko

