Chapter 24 MAHAROT “Naging kayo ba ni Max? May nangyari ba sa inyo? Mahal ka ba niya? Nanligaw ba siya? Mahal ka niya 'di ba? Bakit hindi mo 'ko sagutin?" Sunod-sunod na tanong ni Ivan na kina-irita ni Lori. “Seryoso ka ba? Saka tayo ba talaga—“ “Damn it, Lori! Ikaw ang seryoso ka ba?“ sabat ni Ivan at halata sa tono niya ang inis. “Mga bata pa kasi tayo no'n baka lang kasi—“ “So, all these years ako lang pala ang nag aakala na may relasyon tayo. Ganoon ba? kaya ba balewala lang sa'yo ’yung sumpaan natin na maghihintayan tayo? Kaya si Max ang...” Hinablot ni Ivan ang kamay ni Lori ngunit maagap na binawi ng dalaga ang kamay nito. “Come on, just answer me for goodness sake! Mahal mo si Max? Mahal ka niya?“ “Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ’yung pinsan mo? Tinalikura

