Unang Kabanata: "PANAGINIP"
Tila napakadilim nang paligid at nakakakilabot tignan ang mga punong patay nitong lugar kung nasaan ako.
Isang lalaki ang nakatayo sa gitna ng puno ang naaninag ko, matingkad ang berde nitong buhok, ngunit nakaposas ang dalawang kamay at binti nito.
Nakatingin ito sa akin at tila galit na galit ang kaniyang mga mata. Isang tinig ang narinig ko.
"Vin...."
panay ang lingon ko sa paligid ngunit wala akong nakita.
"Vin...."
palakas nang palakas ang tinig
"VIN!!!!"
Namulat ko ang aking mga mata sa malakas na sigaw na aking narinig.
Panaginip lang pala.
"Vin! ano ba gumising kana riyan, hinahanap kana nila!"
Sigaw pa nung kumakatok sa aking pintoan
"Oo na oo na gising na! manahimik kana riyan at akoy naririndi sa iyong tinig!" may halong inis na sagot ko at binuksan ang pinto habang kinakamot ang ulo ko.
"Maligo kana at tayo'y aalis na, napakabagal mo naman!" sabi nang kaibigan
At dahil hindi nga siya makapag antay ay naligo na ako at kumain nang agahan at matapos makapag paalam sa aking mga magulang ay umalis agad kami.
"Hindi ako makapag antay na makita ang mga bulaklak na mamumukadkad" Halatang galak na galak siya sa aming gagawin
"Oo nga pala, maligayang kaarawan Vin!" sabi niya sabay lagay nang bulaklak sa aking ulo.
"Maraming salamat Lea" nakangiting sambit ko
Pagdating namin sa taniman nang bulaklak ay nakita ko agad ang mga taong nais makasaksi nang pamumukadkad nang mga bulaklak.
"Vin! Maligayang kaarawan" sabi nang lalaki sabay halik sa aking pisngi
"Maraming salamat Dev" nakangiting sambit ko sabay harap sa kanya
"Asus! nilalanggam ako sa inyo, tara na nga" ani Lea
"Tara" nakangiting panyaya sa akin ni Dev at hinawakan ang kamay ko
Agad kaming nagtungo sa aming paroroonan at agad akong pumwesto sa harapan
"MALIGAYANG KAARAWAN PRINSIPE VIN!" sabay sabay na bati nang mga nandun at lumuhod
"Nako magsitayo kayong lahat, hindi niyo na kailangan lumuhod" Nakangiting sambit ko
Agad din naman silang nagsitayo. Tumango ako at yun ang hudyat na magsisimula na ako
Sinimulan ko na ang ritual at pumikit, dinama ko ang mga bulaklak at nang makonekta ako sa kanila ay agad kong kinumpas ang aking kamay at sabay sabayng napasinghap ang mga tao roon at namangha nang mag-umpisang mamukadkad ang mga bulaklak at amoy na amoy ang mahalimuyak na bango nang mga ito.
Nangyayari ito tuwing ikalawang araw sa ikalimang buwang nang taon at siya ring aking kaarawan.
Ako nga pala si Vin at ako ang prinsipe nang aming munting kaharian, munti kasi hindi ito kasing laki anng ibang kaharian.
Ang aming hari ay si Varus at ang kaniyang reyna na si Linaya na aking mga magulang.
May isa akong nakakatandang kapatid na si Saprina, pero hindi kami magkasundo kasi tila galit siya sa akin sa di ko malamang dahilan.
"Talagang napakahusay talaga nang aking Anak" agad akong napalingon sa nagsalita
"Ama!" nakangiting sambit ko at sabay yumakap sa kanya
"Maligayang bati Anak, parang kaylan lang ang liit liit mo pa" sabay pisil sa aking mga pisngi
"Ama naman hindi na ako bata" Pagrereklamo ko
"O siya mauuna na ako at akoy tutulong na sa paghahanda para sa kasiyahan mamaya" pagpapa alam niya at mahigpit ulit akong niyakap
Isa lang ang masasabi ko, napakaswerte ko at siya ang aking naging ama.
________________________________________
Habang abala ang lahat sa paghahanda ay naisipan kong magmuni-muni muna sa aming hardin.
"Tsk. Pabida talaga" narinig kong sambit nang babae
"Huy ikaw Vin wag kang masiyadong magmagaling! akala mo naman kung sinong magaling eh parang isang pitik lang tumba kana" Pagtataray niya sa akin
"Ate" sambit ko dito
Palagi nalang ganito ang eksena pag nakakasalubong kami. Di kami magkasundo dahil ayaw niya sa akin.
"Wag mo akong tawaging ate kasi di kita kadugo!" Sigaw niya
Tuwing sinasabi niya to ay nasasaktan ako kasi parang di ako pamilya sa kanya.
"Ikaw ilagay mo sa kukute mo na kahit kaylan ay di kita tatanggapin na kapatid!" sigaw niya sabay sampal sa akin
napatulo nalang ang luha ko, di dahil sa sampal kundi dahil kahit kapatid ko siya ay kaya niya akong saktan at pagsalitaan nang ganun.
"Nakakainis!" sabay alis niya
Lumaki akong takot makipag away kaya hinayaan ko nalang siyang saktan ako lagi. Takot din akong magsumbong at baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Kapatid ko parin siya at ayaw kong magalit si Ama sa kanya.
"Vin! nariyan ka lang pala" tawag sa akin ni Lea kaya agad akong tumayo at inayos ang aking sarili
"Tara na sa iyong silid at tayoy maghahanda na para sa kasiyahan mamaya!" dagdag niyang sabi
"Oo susunod ako sa iyo"
"Maganda ata itong pula ang suotin mo" sabi ni Lea
"Mas babagay sa kanya itong asul mas matingkad ang kulay" saad naman ni Dev
Naiingayan na ako sa pagtatalo nila kaya kusa na akong pumunta sa lagayan nang damit at pumili nang aking susuotin.
Agad kong sinuot ang aking napili at humarap sa kanila.
Di naman ako nabigo kasi tila manghang mangha sila sa aking kasuotan.
"O siya kayo naman ang mag ayos at malapit nang magsimula ang kasiyahan" saad ko kaya agad din silang lumabas nang aking silid.
Tinali ko ang aking mahabang buhok at humarap sa salamin.
"Sana ay maging masaya ang araw na to" malungkot kong sabi
________________________________________
"MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGDALO NGAYON SA IKALABING WALONG TAONG KAARAWAN NANG AKING NAG-IISANG ANAK NA LALAKI, SANA AY MASIYAHAN KAYO SA AMING INIHANDANG SELEBRASYON!" Nakangiting saad ni ama sa mga panauhin
"Ang ganda mo naman" saad ni Aaron sabay amoy sa leeg ko
Si Aaron ay ang kasintahan ni ate Saprina. Anak siya nang aming Elder at nakatakdang maging heneral nang aming hukbong pandigma.
Agad ko naman siyang tinulak dahil hindi ako komportable sa ginawa niya
Naramdaman ko namang may humigit sa akin, paglingon ko si Dev pala at dinala ako sa likod.
"Hindi ko gusto ang nilalabas na awra nang lalaking iyon" saad ni Dev
"Hayaan mo na, hindi lang ako komportable sa ginawa niya, pero wala naman siyang ginawang masama" Tinitigan naman ako nang matagal ni Dev na parang nanunukat
Saka siya huminga nang malalim at dinala ako sa bulwagan.
Habang nagsasaya nag lahat ay may biglang humigit sa akin at dinala ako sa may harden at bigla akong hinalikan.
Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi agad ako nakabawi at nagising nalang ako sa katotohanan nang biglang lumamig ang paligid at biglang may sumigaw.
"LAPASTANGAN KA!" Boses ni ate at dun ko lang napagtanto na si Aaron ang humalik sa akin.
"WALA KA TALAGANG MAGANDANG NAIDULOT PURO KA KAHIHIYAN!" Sigaw niya ulit at ramdam ko ang sobrang bigat na presensya ni ate at tila galit na galit
"A-Ate"