(Mia's POV) Matapos ang pag-uusap namin ni Brian tungkol sa pag-alis ko sa mansiyon niya ay bumili pala siya kaagad ng condo sa Taguig City at ipinangalan niya iyon sa akin. Ilang araw lang din ang nakalipas ay bumiyahe na kami papunta roon. Inihatid pa ako ni Brian at ni Lola Nessy papunta roon at gaya ng sinabi ni Brian ay kasama ko nga si Ate Mabeth na siyang magiging kasambahay ko roon. Gusto ko sanang si Lola Nessy na lang, pero mapapagod ng husto si Lola sa lahat ng magiging gawain sa condo ko. "This is a three-bedroom condo unit. One room for you and one room for our baby. The other one which is the smallest room will be for the housemaid." Panimula ni Brian habang pumapasok na kami condo unit na nasa ika 50 palapag ng condominium building na iyon. Nasa pinakamataas na floor na

