Chapter 33 - Worried Brian

1554 Words

(Mia's POV) Nang makapasok na kami ni Ate Mabeth sa condo, hindi nagtagal ay dumating si Brian. Kita sa hitsura niya ang pagmamadali, pag-aalala at galit niya. Napalingon ako kay Ate Mabeth na natanaw ko sa bandang kusina at kaagad siyang napayuko sa akin. Mukhang nagsumbong siya kay Brian ng tungkol sa di sinasadyang pagkikita namin ni Brendon kanina. Hindi ko naman siya masisisi o puwedeng pagalitan dahil si Brian naman talaga ang amo niya. Ginagawa lang niya ang trabaho niya at iyon ay ang siguraduhing ligtas ako palagi, malayo sa peligro o panganib lalo na ang baby sa tiyan ko. "Are you okay? Hindi ka ba niya sinaktan?" tanong agad sa akin ni Brian. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at ininspeksiyon niya ang mukha ko pababa sa paa ko. Pagkatapos at inilapat naman niya ang mga p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD