(Mia's POV) Papalapit na nang papalapit ang araw ng pag-alis ko sa bahay ni Brian at habang lalong lumalapit ang araw na iyon ay unti-unti akong nakakaramdam ng lungkot na hindi ko maintindihan. Ang isiping hindi ko na ulit makikita si Brian at hindi na mauulit kahit kailan ang maiinit na sandali namin dito sa islang ito oras na umalis ako ay nagdudulot ng kakaibang kahungkagan sa puso ko. Ngayon lang ako na-attach sa isang lalaki ng ganito. Oo, naging malapit kami ni Brendon noon sa mahabang panahon pero never akong nakaramdam ng intimacy sa kanya, na kabaliktaran sa nararamdaman ko kay Brian kahit maisip ko lang siya. Tuluyan na nga yata akong naadik sa maiinit naming gawain dito sa bahay niya. And some part of me ay gustong lalo siyang makilala. But how? Ramdam ko pa rin hanggang ng

