(Mia's POV) Makalipas pa ang ilang araw, maliligo na sana ako nang umagang iyon nang makita kong may dugo sa panty ko. Dinatnan na ako. Pero napakunot-noo ako nang maisip na parang hindi pa naman schedule ng monthly period ko. O baka nagkakamali lang ako? Napatitig ako sa dugo na nasa panty ko at nagtaka ako dahil kumpara sa karaniwang kulay ng regla ko kapag unang araw akong dinadatnan ay kakaiba ang kulay ng dugong nasa panty ko ngayon. Lagi kasi ay dark red talaga ang kulay ng regla ko kapag unang araw nito, na minsan ay parang papunta na nga sa kulay itim. Pero ngayon, pula ang kulay ng dugo na nasa panty ko. Pula talaga at hindi dark red. Hindi rin ito mabaho kumpara sa mga nakalipas na unang araw ng regla ko. Nakakapagtaka. Pero ikinibit-balikat ko na lang iyon at nagpatuloy na

