(Mia's POV) Kinabukasan ay si kuya Luke naman ang bumisita sa amin. Siya na lang lagi ang bumibisita sa amin dahil malapit na palang manganak si ate Shari. At ayon kay kuya Luke ay medyo hirap ngayon sa pagbubuntis si ate Shari. Medyo nakokonsensiya tuloy ako dahil nakadagdag pa ako sa mga iniisip ni kuya Luke. Lalo at naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Brian. Kung malalaman iyon ni kuya Luke ay siguradong hindi niya iyon magugustuhan. Bakit ba naman kasi napakarupok ko pagdating kay Brian? Nagiging submissive ako lagi sa kanya, malayong-malayo sa personality ko bago ko siya nakilala. Dati ay napaka-strong ko at independent. Pero ngayon ay parang naging sunod-sunuran na lang ako sa kanya. Hindi naman iyon masamang bagay kasi siya naman ang lalaki, at dapat ay magpasakop ako sa

