(Mia's POV) Gaya ng plano ko ay naglagay na ako ng tamang distansiya sa amin ni Brian sa sumunod na pagbisita niya sa condo. I struggle so hard to stand by my word and avoid him, kaya inisip ko na lang na para naman sa mga anak ko ang ginagawa ko. Iniisip ko na lang na kapag hindi ko iniwasan si Brian ay tuluyan na siyang mawawala sa amin. At kung sakaling mawala pa rin siya sa amin sa kabila ng lahat ay at least sinubukan kong gawin ang dapat kahit sobrang hirap. I started by avoiding having an eye contact with him. Iniwasan kong tingnan siya. At kapag nakikipaglaro naman siya kay Junior ay gumagawa ako ng dahilan para lumayo muna sa kanila. I pretended sleepy, hungry, o kung anu-ano na lang. At nang pansin kong inaantok na si Junior ay kunwari ay nagki-crave ako ng kung anong pagkain

