(Mia's POV) Dumaan ang lampas isang linggo na tahimik at walang problema ang pagtigil ko kina Agatha. Nakampante rin ako na hindi nga ako matutunton doon ni Brendon. "Tita, bibili lang po ako ng kwek-kwek sa labas." Paalam ko kay Tita Emma nang mapansin ko isang hapon ang lalaking nagtitinda ng kwek-kwek sa gilid ng kalsada. "Sige, Mia." Saad niya pero nasa tindero naman nakatanaw ang mga mata niya. "Gusto niyo rin po ba? Mayroon din pong tindang fishballs at kikiam si Manong. Tsaka mayroon din po palang betamax at chicken skin." "Sige lang, anak... Ikaw na lang." Sagot niya na saglit lang akong sinulyapan at muling tinanaw si Manong tindero. Lumabas na ako ng bahay at ng gate nila bitbit ang isang daang piso. Nilapitan ko rin kaagad si Manong tindero at agad ipinainit ang dalawang p

