(Mia's POV)
"Mia!"
Isang malakas na pagtawag sa pangalan ko ang nagpalingon sa akin.
Kakababa ko lang sa motorboat na nirentahan ko at nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Brendon, ang lalaking itinakda sa akin ng mga magulang ko para pakasalan ko! At palapit na siya sa akin ngayon!
Oh my God! Paano niya ako dito nasundan?!
Ngumisi pa siya sa akin at kumaway, at nang magsimula nang bumilis ang paglalakad niya para salubungin ako ay kaagad akong muling sumakay sa motorboat, pinaandar ulit ito at pinaikot!
He's here to get me ang bring me home nang sa gayon ay matuloy na ang pagpaplano tungkol sa kasal namin!
But I won't let that happen!
Tumakas na nga ako at pumunta dito sa islang ito para magtago pero nasundan niya pa rin ako! Arghh!
"Mia! Mia! Come back here!" Sigaw ni Brendon.
Pero hindi ko na siya nilingon pa at lalo ko pang binilisan ang motor boat!
Kailangan kong makaalis sa beach na iyon at matakasan si Brendon! Kasi, kung maisasama niya ako ngayon pauwi ay siguradong maitatakda na rin ang kasal namin sa lalong madaling panahon. At kapag nangyari iyon ay mahirap na iyong mapigilan.
I don't know if Brendon really loves me or if he only wants to marry me for the sake of their company. Business partners kasi ang parents namin at napagkasunduan nila na ipakasal kami ni Brendon. At ngayong 20 years old na ako ay saka lang iyon sinabi sa akin ng Daddy ko! While Brendon knew about it a long time ago.
He was my friend. He was good to me. Pero nagbago bigla ang tingin ko sa kanya nang malaman kong alam niya ang tungkol sa arranged marriage namin at sinadya niya iyong itago sa akin. I now wonder kung totoo ba talaga ang kabaitan at care na ipinakita niya sa akin noon, or it was all just a part of their plan. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya at nagtampo rin ako sa aking pamilya.
They are dictating my life! Sino ang matutuwa roon? I can make my own decisions and I'm capable to live on my own kaya bakit ako susunod sa gusto nila para lang sa kapakanan ng letcheng negosyo nila? At wala pa sa isip ko ang magkaroon ng sariling pamilya! I am still enjoying my life, exploring and travelling to different places being single.
Binilisan ko pa ang pagpapaandar ng motorboat na sinasakyan ko dahil sigurado akong susundan ako ni Brendon. I won't let him catch me. I won't even let him get near me again! He broke my trust by betraying me, and I would never trust him again.
Sayang. Best friend ko pa naman sana siya. Pero noon iyon at hindi na ngayon.
Ilang minuto pa ang nakalipas na patuloy ko lang pinatakbo ang motorboat sa walang kasiguraduhang direksiyon dahil sa kagustuhang makatakas kay Brendon. I don't even have my phone or anything with me except that motorboat I just rented. Pero wala na akong choice kundi lumayo sa islang iyon dahil naroroon na si Brendon. At siguradong hindi siya aalis hangga't hindi ako bumabalik sa islang iyon and he will surely keep lurking the nearest islands just to find me again. Posible ring na-confiscate na niya ang mga personal kong gamit na naiwan sa beach na pinanggalingan ko. Damn him.
After a while ay napansin ko na lang na papaubos na pala ang gas ng motorboat kaya napamura na lang ako sa isip ko. Wala na akong choice kundi itigil ang motorboat at bumaba ako sa isla kung saan ako dinala niyon. Kaagad ko ring pinaandar ulit ang motorboat paalis sa pangpang at hahayaan na lang iyong umandar hanggang sa maubos ang gas niyon para kung sakaling makita iyon o masundan ni Brendon ay hindi niya agad mahuhulaan kung nasaan na ako ngayon.
Nilakad ko at pinasok ang medyo matarik na kakahuyan. At makalipas ang humigit-kumulang 30 minutes na paglalakad ay nakatanaw ako ng isang napakalaking bahay... Hindi, isang mansiyon sa gitna ng kagubatan!
Sa kabila ng pagod at munting takot ay nakaramdam ako ng pag-asa! Mukhang hindi naman pala ako sa kakahuyan magpapalipas ng gabi. Makikiusap na lang ako sa may-ari ng bahay na iyon na makikitulog muna ako sa mansiyon niya kahit isang gabi.
Nakaramdam ako ng dagdag na lakas at dali-dali akong lumapit sa mansiyon na isa sigurong rest house ng may-ari niyon.
Malaki rin ang posibilidad na walang nakatira roon at may bumibisi-bisita lang para maglinis dahil sino naman ang taong titira sa isang bahay na malaki nga pero nasa gitna naman ng kagubatan?
Kapag nagkataong walang tao roon ay puwede pa akong manatili roon kahit dalawang araw o lampas pa, at saka ko na lang poproblemahin kung paano ako makakaalis sa islang iyon.
Hindi naman ako ang klase ng babae na ang tanging alam ay magpaganda, at kaya kong mabuhay mag-isa kahit sa gitna ng kakahuyan pa. Marunong akong gumawa ng apoy gamit lang ang tuyong kahoy. Kaya ko ring gumawa ng masisilungan ko dahil minsan ko na iyong nagawa nang minsang nagcamping ako sa isang bundok at naligaw ako pabalik sa tent ko.
Napangiti ako ng malapad nang makapa kong hindi naman pala naka-lock ang gate. Kapag sinusuwerte ka nga naman, oh!
Pumasok ako sa gate at luminga-linga sa paligid.
May mangilan-ngilang malalaking halaman gaya ng imported na uri ng palmera at pine trees. Pero pansin ko sa mga carpet grass na medyo matataas na ito, na mukhang ilang linggo na ring hindi nati-trim. Maging ang ilang mga halaman ay mukhang ilang linggo na ring hindi naaalagaan at marami na ring nagkalat na tuyong dahon sa bakuran.
Lihim akong napangiti dahil mukhang tama nga ang hinala ko na walang nakatira sa bahay na iyon. At once a month o baka mas matagal pa bumibisita roon ang care taker ng naturang bahay na iyon.
Lalapit na sana ako sa main door para subukang buksan iyon nang may naramdaman akong mga yabag sa isang panig ng bakuran. Kasunod niyon ay nakarinig ako ng istrikto at seryosong boses ng isang lalaki.
"Who are you and what are you doing here inside my property?"