Chapter 2 - Mysterious Handsome Man

1102 Words
(Mia's POV) "Who are you and what are you doing here inside my property?" Napasinghap ako at kaagad na napalingon sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon hanggang sa nakita ko ang papalapit na lalaki. Matangkad, maputi, mamula-mula ang skin niya lalo na ang mga pisngi niya at napakatangos ng ilong niya. Medyo maninipis rin ang mapupulang mga labi niya at ang mga mata niya... Gosh... Blue eyes. Foreigner ba siya? "I'm asking you, young lady... Why are you inside my property?" Muli niyang tanong kaya napakurap-kurap na ako at kaagad na hinamig ang sarili ko. "Ahmm... I was just hunting for wild pig when I suddenly saw this place... Out of curiosity, I came here to see the place clearly..." Pagpapalusot ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. Kung sasabihin ko ang totoo ay baka siya pa ang maging dahilan na mahanap ako ni Brendon. Napataas naman ang isang kilay niya na halatang hindi siya kumbinsido sa palusot ko. "You don't look like you're hunting for a wild pig. You're not wearing a hunting gear... You don't have any weapon with you and you are in bare foot." Shit! Gaga ka, Mia! Gagawa ka na lang ng palusot ay iyong imposible pa! Mukhang matalino pa naman ang foreigner na iyon. Tsk. Eh sa nataranta ako kaya iyon ang naisip kong isagot sa kanya. Ngayon, wala na akong choice kundi magsabi ng totoo sa kanya. "Ahm... I'm sorry, Mister... If I lied. The truth is, someone is chasing me so I ran from him and my speed boat brought me in this island." Paliwanag ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot sa akin na tila tinatantiya niya kung nagsasabi na ba ako ng totoo sa kanya. "Can I please stay here just for the night?" Pakiusap ko pa maya-maya. Kinapalan ko na lang ang mukha ko tutal ay nahuli naman niya ako sa bakuran niya. Tsaka isang gabi lang naman. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin ng ilang segundo. Masyado siyang seryoso na tila hindi bebenta sa kanya kahit na anong klaseng joke. Pero ayos lang dahil hindi rin naman ako mahilig magbiro. Hindi pa rin siya sumagot pagkalipas ng lampas isang minuto kaya pakiramdam ko ay ayaw niya akong patuluyin sa bahay niya. Wala na akong magagawa kundi magpalipas na lang ng gabi sa kagubatan. Mabuti nang habang hindi pa nagdidilim ang paligid ay makahanap na ako ng ligtas na matutulugan. "Okay... I'll just get out of your private property." Tumalikod na ako sa kanya at akmang hahakbang na pabalik sa nakabukas na gate niya nang bigla naman siyang nagsalita. "This entire island... is my private property." Aniya na parang ikina-freeze ng katawan ko. Ang paa ko ay nanatili sa hangin ng dalawang segundo hanggang sa makabawi na ako mula sa pagkagulat at agad akong humarap sa kanya. Parang sinasabi niya na hindi rin ako puwedeng manatili sa labas ng bakuran niya as long as nasa isla niya! "What? B-But... B-But... I cannot leave this island yet. The man and his men who are chasing me might still be somewhere near this island and waiting for me to show up." saad ko sa kanya. Parang nairita siya sa sinabi ko at kaagad na napaiwas ng tingin. "That's not my problem anymore." Suplado niyang sagot sa akin. Hmp! Napaka-heartless naman ng foreigner na ito! "But, Mister... My speedboat ran out of gas so I just left it floating somewhere in the shore. For sure the waves already brought it to the sea by now." Parang lalo pa siyang nairita sa sinabi ko kaya tinitigan ulit niya ako na kunot na kunot ang noo. "Why did you do that? You should have anticipated that it would ran out of gas and went to other island instead that has a lot of tourists. Not in this place. This island is my personal sanctuary. Besides, didn't you think that there might really be wild animals living in this island?" Paninita niya sa akin. Puro kasi kakahuyan ang islang iyon at bukod-tanging maaliwalas at malinis sa kinatitirikan ng mansiyon niya na halos nasa gitna na yata ng maliit na islang iyon. Parang gustong kong mapaismid sa sinabi niya pero dahil kailangan ko ng tulong niya ngayon ay pinalampas ko na lang ang mga sinabi niya. Ka-lalaki niyang tao, nagger siya. Tss. "Nagmamadali nga kasi akong makatakas." Naiinis kong bulong sa sarili ko pero narinig pala niya ako dahil lumapit pala siya ng ilang hakbang sa akin. "I heard you." Aniya. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim at piniling makiusap ulit sa kanya. Narinig niya ako pero hindi niya naintindihan ang sinabi ko. "Look, Sir... I just need a place to stay for tonight. Can you please have mercy on me and let me sleep here tonight? A chair outside your house will be fine with me. And I promise you won't see me anymore before the sun rises tomorrow." Napatitig ulit siya sa akin pero wala na akong pakialam kung desperado na ako sa paningin niya. Desperado naman kasi talaga ako na makatakas kay Brendon! Kapag pinayagan ako ng foreigner na ito na manatili sa bahay niya kahit isang gabi lang ay ayos na sa akin. Gagawa na lang ako ng paraan bukas para makaalis sa islang iyon. Marunong naman akong lumangoy at may isa pang isla di kalayuan sa islang iyon. Siguro ay lalangoy na lang ako papunta doon at saka ko na ulit poproblemahin kung paano ako makakaalis doon. Buti na lang at mahilig ako sa adventure at mahilig akong maglakwatsa, at ngayon ay mukhang magagamit ko talaga ang skills ko sa pagiging lakwatsera ko. Buti na lang ay pinag-aralan ko at unti-unti ko ring napractice ang basic survival skills gaya ng pagtira sa isang bundok noong minsang mag-hiking ako. Kaya tiwala akong kahit saan ako mapadpad ay makaka-survive ako basta wag lang iyong lugar na maraming mababangis na hayop. "Fine. You can stay at my house. Isang gabi lang." Aniya at mabilis nang tumalikod sa akin. "What?" Hindi ako nagulat sa sinabi niya. Ang ikinagulat ko ay nagtatagalog pala siya?! s**t. Pinahirapan niya pa akong mag-english kanina eh nakakapagtagalog naman pala siya. Tss. Sabagay, dapat pala ay nagtanong man lang ako sa kanya. "Ayaw mo ba? Kung ayaw mo ay okay lang." Aniya na napatigil sa paghakbang sabay lingon sa akin. As expected ay mali ang interpretation niya sa tanong ko. Nagulat lang ako, hindi ako nabingi, noh! Pero hindi ko na iyon nilinaw sa kanya dahil baka magbago pa ang isip niya at bigla niya akong paalisin sa isla niya kaya dali-dali na akong sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD