Chapter 3 - One Night

1512 Words
(Mia's POV) Pinapasok ako ng foreigner sa bahay niya at dinala niya ako sa isang guest room sa 2nd floor. Doon daw ako matutulog ng gabing iyon. Lumabas din kaagad siya pero muli siyang bumalik makalipas lang ang ilang minuto. "Here. You can borrow my clothes so that you can sleep comfortably. You can also wash your swimwear so that you can use it again tomorrow when you leave." Seryoso niyang sabi sabay lapag ng isang pares ng plain grey tshirt at short. Siyempre wala iyong kasamang underwear dahil hindi naman siya babae at mukhang wala namang ibang nakatira sa bahay niya bukod sa kanya. Napaisip tuloy ako kung hindi ba siya nabo-bored doon mag-isa? Sabi pa niya kanina ay personal sanctuary niya ang bahay este ang islang iyon. Kahit sa sala niya ay wala akong nakitang TV. Wala rin akong nakitang telepono kahit sa loob ng magarang kuwarto. Kung ganoon ay paano kaya siya nakikipagcommunicate sa mga tao sa labas ng isla niya? Paano ang personal na mga pangangailangan niya like pagkain? Paano ang gamot niya kung magkasakit siya bigla? Nagpapadeliver na lang ba siya? Paano? Through cellphone? May signal kaya roon? "Thank you, Mister... By the way, ako nga pala si Mia." Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya para pormal na makipagkilala pero tinalikuran lang niya ako. Hmp, suplado! Akala ko ay tuluy-tuloy na siyang lalabas sa pinto pero nang naroon na siya ay tumigil siya sa paghakbang at lumingon sa akin. "Do you know how to cook? Ikaw na ang magluto ng dinner bilang kapalit sa pagpapatuloy ko rito sa'yo ngayong gabi." Seryoso ulit niyang sabi. Aba't.... "Ok, Sir... Bababa na lang po ako pagkapalit ko ng damit." Tumango lang siya sa akin bago tuluyang lumabas. Hays. At least, may matutuluyan ako kahit suplado ang taong kasama ko. Mabilisan akong naligo. Nilabhan ko na rin ng mabilisan ang rashguard, short at mga underwear ko at nang matapos ay isinuot ko na ang ipinahiram niyang damit sa akin. Buti na lang at cotton short ang ipinahiram niya sa akin kasi wala akong suot na underwear. Medyo na-conscious lang ako sa dibdib ko dahil medyo bakat ang mga n*****s ko. Pero hindi naman siguro niya iyon mapapansin dahil masyado siyang seryoso at suplado. Para siyang may sariling mundo. Gaya ng utos sa akin ng foreigner na masyadong seryoso ay nagluto ako ng dinner namin. Buti na lang at may mga stock pala siya ng lulutin sa malaking freezer niya. Sinimplehan ko lang ang niluto ko, tutal ay mukhang pamilyar o sanay naman na siya sa kulturang Pilipino para piliing tumira roon. Nagluto ako ng adobong baboy, nilagang buto-buto at nagprepare na rin ako ng vegetable salad. Sana naman ay magustuhan niya ang mga 'yan dahil confident din ako sa cooking skills ko. Nauna na siyang kumain at habang kumakain siya ay pinagmamasdan ko siya ng palihim. Mukhang gustong-gusto niya ang mga niluto ko dahil magana siyang kumain. Hindi niya ako pinuri pero halatang nasarapan siya sa mga niluto ko dahil naka tatlong batch siya ng kanin. "I guess you haven't eaten dinner. Ikaw na ang bahalang magligpit ng mga yan. I don't want to hear loud noise inside my house, so it's better if you go to bed after you're done here." Suplado niyang sabi bago tumayo at dire-diretsong lumabas sa dining area. Hays... Ang suplado nga niya. Bagay pala siyang tumira sa lugar na iyon dahil loner ang personality niya. Gaya ng utos ng loner na foreigner na iyon ay nagligpit at naglinis ako sa kusina pagkakain ko. Bumalik rin agad ako sa room na tutulugan ko. Pero sa kalagitnaan ng gabi, habang malalim na ang tulog ko ay nagising na lang ako dahil nakarinig ako ng tunog na parang... umiiyak? At dahil sa curiosity ko ay bumangon ako sa kama at lumabas sa kuwarto. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng iyak na iyon hanggang sa makita ko ang supladong foreigner na umiinom at umiiyak sa patio... Hindi ko alam kung ano ang maiisip at mararamdaman ko sa nakita ko. Kanina ay parang napaka-strong niyang tao. Pero ngayon, para siyang isang bata na nangangailangan ng kalinga. Before I realize it, humakbang na ang mga paa ko palapit sa kanya. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay natigilan siya at napatingala sa akin. Hindi ako nagsalita, bagkus ay inagaw ko na lang ang shot glass na hawak niya at sinalinan iyon ng alak. Ininom ko rin iyon agad habang nakamaang na napatitig lang siya sa akin. Walang pagdadalawang-isip na umupo ako sa isang bakanteng upuan sa tapat niya at muli kong sinalinan ang shotglass na agad ko ring tinungga. Maybe, I also need to drink all my problems away. Nakakapagod din naman kasing palaging tumakbo at magtago sa mga taong iniiwasan ko. "Somehow, I feel your pain even if I don't know your problem. Alam mo kasi, napapagod na rin akong harapin ang mga tao at mga problema ko. It's nice to be alone sometime. Pasensiya ka na lang din dahil dito ako napadpad. But as I've said, I'll only stay here for one night kaya sana naman ay hayaan mo na akong samahan kang uminom." Saad ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin kundi kinuha lang niya ang empty shotglass na nasa kamay ko pa at siya naman ang nagsalin ulit ng alak. Nilagok din agad niya ang laman ng shotglass. Nang ilapag niya sa mesa ang shotglass ay kinuha ko naman iyon at ako naman ang nagsalin ng alak at ininom iyon hanggang sa nagsalitan na kami ng pag-inom. "How old are you?" Pagtagal-tagal ay tanong niya sa akin. Halata kong medyo lasing na siya habang ako naman ay medyo tipsy na rin. "I'm 20 years old. Ikaw?" Tanong ko din bago tumungga muli ng alak. Pero natawa na lang ako pagkatapos dahil naalala kong bukod sa mysterious ang dating niya ay talagang may pagkasecretive siya. Ni hindi nga pala niya sinabi sa akin kanina ang pangalan niya. "I'm 40 years old. You're just half my age." Anito at bahagyang napangiti. Napatitig ako sa kanya at namangha ako sa pagngiti niya maging sa pagsagot niya! Marunong pa naman pala siyang ngumiti... At in fairness, mas lalo siyang gumuwapo. Napangiti na lang din ako sa kanya at nagpatuloy pa ang tahimik naming pag-iinuman. Pero habang tumatagal at habang lalo akong nalalasing ay lalo siyang gumagwapo sa aking paningin. Hindi ko rin alam kung bakit naging kaakit-akit siya sa akin. Parang bawat galaw niya ay pansin ko pagfe-flex ng muscles niya na bumabakat sa tshirt niya. Bawat lunok niya ay napapatitig ako sa adams apple niya at kasabay niyon ay ang panunuyo ng lalamunan ko. Napapatitig din ako sa namumungay niyang mga mata na tila lalo pang gumanda at nagkaroon bigla ng kinang habang nalalasing siya. "You're staring." Pansin niya sa akin. Dahil siguro sa sistema ng alak ay natawa ako. "Am I?" Namumungay din ang mga matang balik-tanong ko sa kanya na ikinatawa din niya. Alam kong nalalasing na ako, kaya bago pa ako lalong malasing ay tumayo na ako. Iyon nga lang ay nabuwal ako at muntik nang sumalampak sa sahig kundi lang siya maagap na nakaalalay sa akin. "Looks like you're as drunk as I am." Natatawa niyang puna sa akin. Natawa na lang ulit ako sa sinabi niya at pinilit tumayo ng tuwid. "I think it's better if I go back to sleep now." Wika ko sa kanya. "Yeah... Me too..." Nagsimula na akong humakbang pabalik sa kuwarto ko at ganoon din siya. Pero maya't maya akong gumigewang habang naglalakad at ganoon din siya, kaya ang nangyari ay inalalayan na lang namin ang isa't-isa. Yumakap ang braso niya sa baywang ko at umakbay naman ako sa kanya. Nakakailang hakbang na kami nang muli kaming gumewang at this time ay tuluyan na kaming bumagsak. Sinubukan niya akong hilahin pero siya ang nahila ko. Buti na lang at naprotektahan niya ang ulo ko sa pagtama sa sahig at siya naman ay napakubabaw sa akin. Nagkatitigan kami at dahil siguro sa kalasingan ay natawa na lang kami ng malakas sa isa't-isa. Pero hindi ko rin napigilang mapatitig lalo sa kanya at maipahayag ang obserbasyon ko sa kanya. "Your blue eyes are beautiful..." mahina kong saad sa kanya na halos pabulong na. Napatitig din siya sa akin at napatitig siya sa mga labi ko. "Your lips are tempting... they're naturally red." "Hmmn... You're tempted to kiss me?" Namumungay ang mga matang tudyo ko sa kanya. "Yeah... maybe... And I can feel your soft breasts." Napatitig ako sa kanya at bumigat nang bumigat ang paghinga ko. Sinubukan kong ilayo sa kanya ang paningin ko pero bigo ako dahil tila minamagnet ng mga mata niya ang mga mata ko. Napansin ko ang pagbaba lalo ng mukha niya sa mukha ko. Naalarma ang utak ko at binalaan akong itulak siya! Pero hanggang sa tuluyan nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko ay wala akong nagawa para pigilin siya. Napapikit pa nga ako ng mariin at ninamnam ang sarap ng hagod ng mga labi niya sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD