Mabilis ang bawat kilos ni Noel. May pagmamadali niyang hinukay ang may bandang paanan ng kinalilibingan ni Licienna. Gutom na ulit siya! Kailangang malagyan niya ulit ng LAMAN ang kanyang tiyan! At anong ngisi niya nang makita na nga niya ang binti ni Licienna. Pinunas-punas niya ang mga natitira pang buhangin. Gano'n na lang niya iyon kakainin dahil matigas at alam niyang 'di basta-basta iyon maihihiwalay sa katawan ni Licienna. Buti na lang at naka-dress si Licienna kaya madali lang niyang nalislis ang damit nito hanggang hita. Tapos ay nagsimula na nga siyang lapain ang malamig ng hita ni Licienna. Tumutunog pa bawat kagat niya sa balat ng hita at tumatalsik ang dugong maitim. Sarap na sarap siya. Ngayon ay medyo nasanay na ang kanyang panlasa. Nginunguya na niya ngayon ang kahit pa