Cypher's POV:
"Hoy, tangina mo naman! Napakaswapang mo!" sigaw ni Cepherus nang hablutin ko ang churros niya.
"Tang ina mo rin, nakaka-apat ka na kaya! Magbigay ka naman sa gwapo mong kuya!" sigaw ko at kinain ang inagaw ko sa kaniya.
Dalawang araw na kaming ganito simula noong insidenteng nangyari sa arena. Nagkaroon na kami ng kaniya-kaniyang bahay na matutuluyan, sponsored syempre nila. Natakot si River at Oceana na magtransform na naman kami kaya sinuhulan nila kami ng pagkain.
Kasalanan din naman nila dahil hindi nila naturuan ng tamang asal ang kanilang anak. Nagalit pa nila ang dalawang mataas na demonyo ng Lower World, wala na silang magagawa.
Si Trina naman na demonyita nilang anak ay nakabalik na. Balak ko lang sana ipalatigo ang batang iyon pero si Imaculate na ang nagdesisyon. Kokontra ba ako? She's the boss. Isa pa, dapat lamang iyon sa kaniya. Masyado siyang bastos ang bibig.
Nawalan ng abilidad si Trina at isa na lang siya ngayong normal na sirena. Ganoon pa rin naman ang kaniyang itsura, wala nga lang abilidad. Kaya masama kaming ginagalit, nakakatakot. Lalo na kung maraming involve sa pagpaparusa. Sobra pa sa pagkitil ng buhay minsan.
Matapos kong kumain at agawan ang bunso kong kapatid na ubod ng damot ay pumunta na ako sa kwarto namin ni Imaculate. Namimiss ko na siya, gusto ko na ulit siyang makausap.
Pagpasok ko ay wala siya sa kama. Nanlaki naman ang mata ko at tumakbo palabas. s**t! s**t!
"Nakita niyo ba si Imaculate?" kinakabahan kong tanong.
"Natutulog ah!" sigaw ni Cepherus.
"Wala kaya ro'n! Magtatanong ba ako kung nasa loob?" sigaw ko rin.
"Ang aga-aga, naghihiyawan na naman kayo," putol sa amin ng isang boses.
Pagtalikod ko ay nakatayo si Imaculate sa may pinto at nagpupunas ng bimpo sa mukha. Gising na pala siya at nasa banyo lang, akala ko naman umalis siya. Teka, gising na siya!
Lumapit ako kay Imaculate at kinuha ang bimpong hawak niya. Ako naman na ang nagpunas sa kaniyang basang mukha. Damn, namiss ko ang maganda kong nobya.
Napakaganda talaga niya. Nagbago rin ang kulay ng kaniyang buhok, naging kulay silver-gray ito. Asul pa rin ang kulay ng kaniyang mata ngunit lalo itong tumingkad.
Napabuntong hininga naman ako at niyakap siya. Hindi ko lubos akalaing hiniwalayan ko pa siya dati. Napakagago ko talaga.
Ginawa ko iyon dahil binantaan ako ni Asmodeus at iyon daw ang makakatulong kay Imaculate. Hindi ko naman kinaya, at saka bakit naman ba ako makikinig sa matandang single na iyon? Kulang lang iyon sa kalinga at aruga.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Imaculate.
"Maayos naman, nagulat lang ako dahil iba na ang kulay ng buhok ko. Akala ko tumanda na ako eh," sabi niya at napangiti.
"Oo kaya, nagkaroon ka na nga ng wrinkles eh. Naging gray pa ang buhok mo. Hala ka, tumatanda ka na," asar ko sa kaniya.
Kalimitan ko siyang inaasar para matago ang kilig ko sa pasimple niyang pagngiti. Damn, bakit ba kasi patay na patay ako sa babaeng ito? Hindi ko lubos akalaing simula sanggol pa lamang siya ay crush ko na siya.
Naalala ko tuloy noong binansagan ako ni Satanas na infant hunter. Iyon lagi ang asar nila sa akin hanggang nagsawa na sila. Naalala ko rin noong mainit ang ulo sa akin ni Cepherus dahil may gusto siya kay Anysia. Nawala naman iyon dahil hindi raw sila talo lalo na ngayong may asawa na iyong babae. May shota rin naman na siya, si Hillary
"Nakakainis ka! Lagi mo akong inaasar ha, kakagatin kita r'yan," nakangusong bulong ni Imaculate.
"Ang wild mo na ha, ikaw talaga. Ako ang kakagat sa iyo eh," asar ko ulit kaya kinurot niya ako sa tagiliran.
Nagpunta kami sa kusina at hinainan ko siya ng cookies at fresh milk. Ako na ang nagprisintang ipagluto siya ng churros. Nakita kasi namin ito sa commercial at mukhang masarap, hindi nga kami nagkakamali. Libre naman namin itong nakuha dahil na rin kay River at Oceana.
Nagprito ako ng bente piraso at pagkatapos ay kinain namin ito ni Imaculate. Vanilla dip ang kinuha ko dahil may chocolate filling na ito sa loob. Nakakasawa kung puro chocolate na lang.
Tuwang-tuwa naman si Imaculate dahil masarap daw ito. Ngayon lang daw siya nakakain nito sa tanang buhaw niya. Natutuwa naman ako dahil ako ang unang nagpatikim nito sa kaniya.
"Bakit naman? Hindi ka ba pumupunta sa mga mall?" tanong ko.
"Nakapunta naman na ako, tumatakas kami ni Fau. Kaso ayon nga, pinagbabawalan kasi ako ni nanay. Namimiss ko na tuloy ang panenermon niya sa akin, hays," malungkot na sabi ni Imaculate.
Naka-isip naman ako ng plano. Kung dalhin ko kaya muna siya sa mall dito at ipasyal? Oo nga, bukas na lang ulit namin iaanunsyong tuloy na ang Siren Games. Makapagdate at bonding man lang kami ni Imaculate.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo," sabi ko kay Imaculate.
"Saan naman?" takang tanong niya.
"Sa mall, magsasaya tayo. Bilis na at baka magbago ang isip ko," nakangising sabi ko at kumindat.
Naligo na kami pero syempre, magkahiwalay. Nauna pa akong magbihis sa kaniya kaya nakaabang na ako rito sa kama. Ang mga babae talaga ay napakatagal maligo.
Simpleng board shorts, printed t-shirt at sneakers lang ang suot ko. Gagamitin namin ang underwater car na ibinigay ng mga Licanus. Mayroon kasing mall dito Siren Empire na nagbebenta ng mga gamit na ginagamit ng normal na mga nilalang. Mabuti na nga lang ay may ganoon.
"Ayos lang ba?" tanong ni Imaculate at umikot sa harap ko.
Nakasuot siya ng isang pink floral dress na fitted at may spaghetti strap. Vans naman ang suot niya sa paa kaya natawa ako, hindi talaga siya mahilig magsuot ng sandals. Napakaganda pa rin naman niya, lalo na kung ako ang titingin.
"Oo naman, wala kang dalang bag?" tanong ko.
"Wala, wala naman akong ilalagay eh," sabi niya kaya natawa na lang kaming dalawa.
Ang saya ko talaga kapag siya ang kasama. Hay, Imaculate ko. Ang sarap sabihing akin siya. Hindi na ako makapaghintay na ikasal kami.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng kwarto. Napasipol naman ang mga kasamahan namin nang makita nila kami ni Imaculate.
"Oh Imaculate, bakit may kasama kang muchacha?" tanong ni Cepherus.
"Gago ka talaga. Kapatid ba talaga kita? Ulan ka lang yata dati na nahulog sa putik at nahulma," tanong ko sa kaniya.
"Hindi 'no, sa itlog ka kaya lumabas. Ikaw ang inampon," biro ni Cepherus kaya napailing na lang ako.
Nagpaalam na kami sa kanila at tuwang-tuwa si Hillary at Megan. Sa sobrang pagkatuwa nila ay susunod daw sila kasama ang buong barkada.
"Takasan na kaya natin sila? Sa ibang mall na tayo pumunta. Gusto kasi kitang masolo," bulong ko kay Imaculate pagkapasok namin dito sa underwater car.
"Hayaan mo sila, gusto lang din naman nilang mag-enjoy 'no," sabi niya kaya tumango naman ako.
Nagmaneho na ako papunta sa mall. Ilang minuto lang naman ang layo nito kaya nakarating agad kami. Idagdag pang mabilis itong underwater car. Pumarada na ako at pinagbuksan si Imaculate ng pinto.
"Ang gentleman naman po," asar niya.
"Syempre, pogi ako eh. Ayos ba?" biro ko kaya tumawa naman siya.
Naglakad na kami papasok sa loob. Dahil kakakain lang namin ay sa antique shop kami unang pumunta.
"Teka, wala nga pala tayong pambayad," nanlalaking matang sabi ni Imaculate.
"Kapag isa ka sa Seven Deadly Sins o may mataas na katungkulan, universal ang bangko mo. Sabihin mo lang ang bank number ibabawas na nila ro'n ang binili," sagot ko at kumindat.
Kumuha naman ako ng isang pearl necklace na may pendant na kabibe. Itinapat ko naman ito sa leeg ni Imaculate. Bagay na bagay sa kaniya.
"Ano iyan?" tanong niya.
"Isa itong kwintas na kapag sinuot mo, pwede ka ulit magkaroon ng buntot. Pwede itong gamitin hanggang pitong beses," sabi ko at kumuha rin ng para sa akin.
Ibinalik ni Imaculate ang kinuha kong kulay pula at kumuha siya ng isa pang kulay asul. Terno raw dapat kami, hindi na lang ako tumanggi dahil ang cute niya.
Nagbayad na ako at may bitbit na kaming dalawa. Sunod naman kaming pumasok sa book shop dito, niyaya ako ni Imaculate. Titingin daw siya ng mga libro. Nerd talaga ang isang ito.
Pinanood ko lang siyang tumingin-tingin hanggang sa makapili siya ng dalawang libro. Isang romance novel tungkol sa dalawang sirena na naging magkasintahan tapos isa pang libro tungkol sa lahi ng sirens.
Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami. Pagkalabas namin ay nakasalubong na namin si Hillary at Megan. Nasa likod naman nila ang mga kulugo. Ano ba iyan, ang bilis nilang makarating. Bitin pa ang date namin ni Imaculate.
"May binili na rin kami, galing din kami sa antique shop! Hali ka, bili tayong damit!" yaya ni Hillary kay Imaculate.
Tumingin naman sa akin si Imaculate kaya tinanguhan ko siya. Kinuha ko ang hawak niyang pinamili at hinila na siya nung dalawang babae.
"Ano tayo? Sinama nung tatlo para gawing assistant?" tanong ni Xavier.
"Hayaan niyo na sila," sabi ko at sumunod sa tatlong babae.
Nakabuntot lang kaming lima sa kanilang tatlo. Binibili rin naman nila kami ng mga nakikita nilang damit na maganda. May squad shirt pa nga kaming lahat, ipinagawa ni Megan.
Isa itong kulay pulang shirt na may pangalan namin sa likod. Ang nasa unahan naman ay logo ng squad na mayroong sungay. Nagtalo pa nga si Hillary, Megan at Imaculate sa disenyo bago naiprint.
Pagkatapos nilang mamili ay pumasok kami sa isang kainan. Nireserba na pala ito kanina nila Cassian para wala nang pipila pa.
Magkatabi kami ni Imaculate at pabilog ang inuupuan naming couch. Umorder naman kami at kung ano-ano ang pinagbibili nila.
Tuwang-tuwa naman si Imaculate sa inorder kong sweet orbs. Isa itong rainbow sac na bilog at may liquid chocolate sa loob. Kapag sinubo mo ito ay matutunaw ang sac at sasabog ang chocolate sa iyong bibig.
Matapos naming kumain ay nagkaniya-kaniya na kami. Niyaya ko naman si Imaculate sa isang parte rito sa mall na alam kong matutuwa siya. Napangiti naman ako sa aking naiisip.
"Ang cucute naman ng mga batang sirena na iyan," sabi niya habang nakatingin sa nakaharang na salamin sa amin mula sa mga batang sirena.
Ito ay isang nursery center para sa mga batang sirena. Naisip kong dito siya dalhin dahil mahilig siya sa mga bata.
"Kita mo ba silang lahat?" tanong ko.
"Oo naman," sagot ni Imaculate.
"Ganiyan karami ang magiging anak natin- baby naman!" sigaw ko matapos niya akong hampasin.
"Seryoso kasi," nakanguso niyang sabi.
Napatitig na lang ako sa mga bata at mapait na napangiti. Kapag hindi kami nagtagumpay sa aming laban, libo-libong mga bata sa iba't ibang lahi ang mawawalan ng magulang, tirahan, at kinabukasan.
"Kita mo silang lahat? Iyan ang mga batang ililigtas natin mula sa mga masasamang anghel. Mula sa iba't ibang lahi, mapa mortal man o imortal," sabi ko.
"Oo, kaya dapat tayong magtagumpay. Hindi ko rin naman hahayaang mawalan sila ng kinabukasan. Hindi kaya ng konsensya ko," nakangiti niyang sabi.
Niyapos ko naman sila Imaculate ng mahigpit. Maya-maya ay may naramdaman kaming pag-uga kaya naghiwalay kami ng yakap.
"Ano iyon?" tanong ni Imaculate.
"Hindi ko alam- s**t!" sigaw ko.
Muling gumalaw ang lupa kaya hinila ko ang kamay ni Imaculate palabas. Tumaas na ang protective barrier ng nursery kaya panatag na akong walang mangyayari sa kanila.
Nakasalubong naman namin sila Tres. Nagtanong naman kami kung ano ang nangyayari.
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ni Imaculate.
"Iyong bulkan, puputok na raw!" sigaw ni Tres na unang tumakbo sa amin.
Shit, bakit ngayon pa? Napakamalas naman talaga oh!
"Takbo mga sirena! Delikado na rito!" nagsisi-sigaw pang sabi ni Tres habang tumatakbo.