Imaculate's POV:
"Grabe, kinabahan na ako. Akala ko naman talaga sasabog na. Bwiset naman kasi si Tres eh! Parang gago!" sabi ko kay Megan.
"Ako rin first time ko iyon. Biruin mo iyon, lindol pa lang pala! Ito kasing si Tres daig pang magpanick ang bata! Nagsisigaw pang parang baliw!" sigaw ni Megan kay Three.
"Hoy Megan, manahimik ka r'yan. Akala ko naman talaga sasabog na! Iyon ang narinig ko kaya sa mga sinisigaw nila!" pagdepensa naman ni Three.
Nagbangayan pa sila at nakisali na si Hillary. Natuon naman ang atensyon ko kay Cypher na papalapit sa akin habang may dalang dalawang baso ng gatas. Napangiti na lamang ako. Ang sweet talaga ni Cypher.
"Salamat ha, naalala mo pa talaga," sabi ko at kinuha iyong isa.
Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko. Nakapaikot kami rito sa sahig ng living room habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mas gusto namin sa lapag para hindi kami siksikan.
Mabilis kaming umalis kanina sa mall dahil sa takot. Nang makauwi kami ay saka namin nalaman na hindi naman pala puputok, malapit pa lang. Ayos na rin iyon para handa kami sa mga posibilidad. Baka mamaya ay nagjojogging kami sa labas bigla kaming maulanan ng abo.
"Kumusta? Maayos lang ba ang pakiramdam mo?" bulong sa akin ni Cypher.
"Oo naman, bakit? Ano bang itsura ko?" kunot noong tanong ko.
Mukha ba akong may sakit? Sabagay, putlain kasi ako. Pero maayos naman ang pakiramdam ko, wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Baka naman pumanget na ako o hindi kaya ay nagmukhang matanda na talaga? Bigla tuloy akong naconcious sa sarili ko.
"Wala, nag-aalala lang ako. Kakagaling mo lang kasi sa matagal na pagtulog tapos dinala kita sa mall. Nagkagulo pa, I'm sorry. Dapat ay nagpahinga ka na lang," malungkot niyang sabi at sumimsim sa hawak niyang baso na may gatas.
"Ano ka ba, ayos lang naman ako. Saka wala kang kasalanan, huwag ka nang mag-alala. Kinikilig ako sa 'yo eh, hali ka nga rito. Ayos lang din naman iyon kasi nag-enjoy tayong dalawa," sabi ko at hinila si Cypher.
Busy naman silang lahat kaya makakapagharutan kami. Niyakap naman ako pabalik ni Cypher at hinalikan sa leeg. Hay, ang sarap tuloy niyang pang-gigilan.
"Sigurado ka ba? Bukas na ulit ipagpapatuloy ang Siren Games. Pwede naman nating iadjust ulit kung–"
"Shh, maayos na ang pakiramdam ko. Huwag ka nang mag-alala okay? Saka masyado nang matagal tayong na nanatili rito. Kailangan din nating umusad," sabi ko at hinalikan siya sa labi.
Masaya naman kaming nagkwentuhang dalawa hanggang sa nagkantahan kaming magkakaibigan. Unti-unti naman akong napapikit nang dapuan na ako ng antok.
-
"Imaculate, gising na. Kailangan na nating kumain at mag-asikaso," yugyog sa akin ni Cypher.
Unti-unti naman akong nagmulat at sumalubong sa akin ang napakagwapong mukha ng boyfriend ko. Kung ganito ba naman ang bubungad sa akin tuwing umaga, excited lagi akong gumising.
"Sige boss, anong pagkain?" tanong ko at tumayo sa kama.
Napansin kong nasa kama na pala ako. Naalala ko namang nasa baba ako nakatulog kagabi. Siguro ay binuhat na ako ni Cypher.
"Hindi ko alam. Amoy bawang kaya baka nagluto sila ng sinangag," sagot niya.
Sabay kaming nagtoothbrush at naghilamos ng mukha. Paglabas namin ay nagluto nga sila, may mga pagkain namang mukhang binili sa fast food ang nakahain sa mesa.
"Kain na kayo, ipinadala nila King River ang chicken. Nagluto na lang kami ng sinangag para ayos," sabi ni Megan at umupo.
Umupo na rin kami ni Cypher at nagsimulang kumain. Chicken teriyaki, honey-glazed chicken at chicken nuggets ang laman ng mga paper bags. Hayahay naman kaming kumain at nabusog kaming lahat. Baka sipsip nila ito sa amin.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Sa labas naligo si Cypher na banyo dahil napakatagal ko raw. Kahit hindi naman maligo ng isang linggo ang isang iyon mabango pa rin at fresh. Samantalang ako ay baka hindi na makilala sa sobrang dugyot. Hay, bakit ang daya?
Pagkalabas ko ay agad akong nagbihis at nagpunta sa make-up table. Napatitig naman ako sa aking mukha at hinaplos ito.
Mas naging maputla ang aking balat, lalong pumula ang aking labi at nadepina ang facial features ko. Silvery-gray din ang kulay ng aking buhok, bumagay naman sa mga mata kong lalong tumingkad ang pagkakulay asul.
Hindi naman ako nagmukhang matanda, pakiramdam ko nga ay gumanda pa ako. Naging mas mature na ang aking mukha.
Masasabi ko namang ayos na rin ang itsura ko. Bakit ba kasi masyadong mababa ang kompyansa ko sa sarili? Hindi naman ako mamahalin ni Cypher kung panget ako, hindi ba? Pero mahal naman ako ni Cypher kahit noong dugyot pa ako eh, ewan ko ba.
Basta maganda ako, iyon ang sabi ni nanay. Gusto kong mabuo ang self-confidence ko sa aking sarili dahil alam kong balang araw, haharap sa maraming nilalang. Naeexcite tuloy ako maging isa sa Seven Deadly Sins, pagbubutihin ko pa. Desidido akong mapabilang sa kanila.
Napagdesisyunan kong huwag na galawin ang aking mukha. Ito ulit ang suot namin katulad ng kahapon, mabuti na lang. Mas maayos kasi kaming nakakagalaw kaysa ro'n sa buntot.
Paglabas ko ay nakaabang na si Cypher sa akin. Niyakap naman niya ako at hinalikan sa labi. Ang sweet talaga mg boyfriend ko.
"Good morning nga pala, nakalimutan kong bumati kanina," sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi.
"Good morning din, ayos lang sus. Bakit ba ang gwapo-gwapo mo?" tanong ko sa kaniya at pinanggigilan ang kaniya pisngi.
"Ay grabe, katam es naman nare!" hiyaw ni Three.
"Ay subra! Pumapalakpak ang bilat!" hiyaw rin ni Cepherus.
Napanganga naman ako at nabilaukan si Cassian sa pag-inom. Binatukan naman ni Hillary si Cepherus. Ang bastos!
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng bilat ha!?" sigaw sa kaniya ni Hillary.
"Oo naman, kamay ang ibig sabihin no'n 'no! Pumapalakpak ang kamay!" pagtatanggol naman ni Cepherus sa sarili niya.
Napailing na lang kami ni Cypher at sabay pang napabuntong hininga. Nauna na kami sa underwater car naming dalawa. Apat ang mayroon kami, pares-pares sa isang kotse.
Nagmaneho na si Cypher papunta sa Siren Academy. Nang makarating na kami ay ipinasok niya ang sasakyan hanggang sa pinto ng arena.
Uminom muna kami ng gamot upang makahinga bago lumabas. Pagpasok namin sa arena ay naghihiyawan na ulit ang mga sirena. Mag-uumpisa na ang laro.
"Magandang araw mga kalahok! Dahil sa nangyaring aberya, naadjust ang ating palaro. Ang natitirang stage na lang ay dalawa dahil tinanggal na ang ika-limang pagsubok!" sigaw nung host kaya naghiyawan ang mga tao.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa mga kalahok. Lahat naman sila ay mukhang takot na sa amin. Sino ba naman kasi ang hindi? Napakagat labi na lang ako nang maalala ko ang ginawa ko noon.
Pakiramdam ko naman ay wala akong pinagsisisihan. Nararapat naman iyon para kay Trina, binastos niya kaya ang Lucifer ko!
Muli nang nagsalita ang host kaya natigil na ako sa pagmomonologue. Nakinig na ulit ako, mukhang importante ang mga sasabihin niya.
"Ang ating ikatlong stage ay ang Third Wave: Duo! Ang bawat team ay bubunot sa kahon ng kanilang makakapareha. Ang bawat mabubunot nila ay ang kagrupo nilang makakasama sa buong wave natin ngayon!" sigaw nung host.
"Sana tayo ang magkapartner," bulong sa akin ni Cypher.
Kinilig naman ako kaya binelatan ko siya. May lumapit naman sa aming tagabantay na may dalang kahon. Sana nga partner kami.
Kaming tatlo nila Megan at si Cepherus ang bubunot. Inaasar pa nga kaming all girls nila Three kaya lukot na ang mukha ni Cepherus.
Sabay-sabay kaming bumunot kaya nag-agawan pa ang aming kamay sa loob ng kahon dahil sa pagbunot. Pagtingin ko sa aking nabunot ay si Megan ito, sayang akala ko si Cypher na.
Nagyabang na naman ang magkapatid na Ghoul dahil sila ang magkakampi. Masyado raw mabilis matatapos ang makakalaban nila, sila pa raw ang pinagsama.
Pumwesto na kami ayon sa magkakapareha. Ayon naman sa host ay may makakalaban kaming duo rin sa kabilang team at kailangan naming manalo. 20 points sa kada mananalong pares sa amin kaya kailangan naming galingan.
Ang unang pares na maglalaban, kapag sinuswerte nga naman ang kalaban pa nila ay si Cepherus at Cypher. Nagpasikat pa ang dalawa, pagtayo nila sa bleachers ay nasa demon form na si Cypher habang si Cepherus ay nasa angel form na niya.
Napabuntong hininga na lang kami sa magkapatid. Noon sigurong nagpasabog ang langit ng kayabangan, ininom pa nila. Si Cypher naman ay lumulon yata ng apoy.
Kumaway pa si Cepherus sa mga sirena kaya lalo ang mga itong naghiyawan. Sasabog naman na si Hillary sa inis dahil kay Cepherus.
"Malas naman ng mga taga-Bermudez," bulong ni Cassian na nasa likod ko.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kapag pinagsama ang dalawang iyan, isang tira lang ay patay sila," sagot niya.
Kaya pala napakayabang nila, may ibabat-bat naman pala. Nakita naman naming halos mangatog na ang kalaban nung dalawa habang naglalakad papasok sa stage.
Nang hipan ang kabibe hudyat na umpisa na ang laro ay agad na nagharap ang magkapatid. Nagtapatan sila ng kamay at may lumabas doong malaking bola ng enerhiya.
Ipinatama nila ito sa kanilang kalaban kaya sinubukan ng mga taga-Bermudez umiwas pero hinabol sila nito. Nang matamaan sila ay bumagsak sila sa sahig. Makalipas naman ang halos limang segundo ay bigla silang bumulusok pataas at kritikal na bumagsak.
"Ayan ang combo nung dalawa, mahina pa lang ang gamit nila kaya mabubuhay pa sila. Mga isang buwan ang kalaban nilang iyan sa ospital," bulong ulit ni Cassian.
"Ang lakas naman nila," puri ni Megan sa dalawa.
May ilang team pa ang sumunod at halos nakalaban na ang lahat sa amin. Ang hindi lang nanalo ay si Three at si Cassian dahil nag-away ang dalawa sa arena. Imbis na kalaban ang atakihin nila ay silang dalawa ang naghabulan.
Kami ang huling bola ni Megan kaya tumayo na kami. Napamura na lang ako dahil ang makakalaban namin ni Megan ay iyong si Pilosa at iyong lalaking kalahating lobo at sirena.
"f**k Megan, baka maging bampira tayo nito o lobo," bulong ko kay Megan.
"Hindi 'no, sila ang kagatin natin para magkapakpak din sila," biro ni Megan kaya nagtawanan pa kaming dalawa.
Nang makapwesto na kami ay biglang nag-iba ang anyo ni Pilosa at nung half-lobo niyang kasama. Biglang mukhang nasaniban si Pilosa habang iyong katabi niya ay nagkaroon ng mahabang kuko at tenga ng parang isang lobo.
"Owshit," sabay na mura namin ni Megan.
Sumugod sila sa amin kaya lumipad kaming dalawa ni Megan. Sabay pa kami kaya nalaman ko naman agad ang technique niya.
Naririnig niya nga pala ang bawat paggalaw ko kaya nagkakasabay kami. Pwede naman itong magamit laban sa kanila. Ang ganda ng abilidad ni Megan.
Kailangan na namin itong tapusin hanggang maaga pa. Inilabas ko ang aking scythe at naglabas din si Megan ng armas. Umikot kami at lumipad hanggang taas at bumulusok pababa.
Hiniwa namin ang tyan ng dalawa kaya bumagsak sila mula sa mataas na pagtalon. Ginamit ko naman ang illusion of time at muling pinalambot ang lupa. Pinatanda ko ang edad nito para maging marupok at madaling masira.
Bumagsak ang dalawa at halos 7 feet din ang kanilang inilubog. Ibinalik ko naman sa dating posisyon ang mga bato kaya nagsara ulit ito.
"Ilabas niyo kami rito! Madaya kayo Imaculate at Megan! Harapin niyo kaming dalawa!" inis na sigaw ni Pilosa mula sa ilalim.
"Mabulok ka r'yang impakta ka!" sigaw ni Megan.
Nadagdagan muli kami ng 20 points kaya masaya kaming bumalik sa bleachers ni Megan. Niyakap naman ako ni Cypher ng mahigpit.
"Galing naman talaga," puri niya sa akin.
"Syempre walang sakit," pambabara ko naman.
"Ito na ang pinakalatest na scores ng ating mga kalahok!" sigaw nung host at may nagflash sa screen.
Latest scores:
Daredevil- 140 points
Half-bloods- 140 points
Siren- 90 points
Naghiyawan naman kami dahil tie na kami ng HB High. Konting kembot na lang panalo na kami!
Mabuti na lang ang kaisa-isa nilang panalo kanina ay draw pa, yes! Konti na lang talaga!
"Daredevil Academy!?" sigaw ni Cypher at inilagay ang kamay niya sa gitna.
Ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang kamay. Nagsunuran naman ang mga kaibigan namin at sabay-sabay kaming sumigaw.
"Daredevil Academy for the win!" sigaw naming lahat.