CHAPTER 6

1909 Words
Imaculate's POV: "Mga kalahok, makinig kayong lahat! May iaanunsyo kami!" sigaw nung host kaya nabaling sa kaniya ang atensyon namin. "Fourth Wave na ba? Ayos na rin, para ngayong araw ay makaalis na tayo. Kailangan na nating umusad at masyado na tayong matagal dito," sabi ni Cypher sa akin. "Sana nga, sana rin hindi mahirap dahil last stage na eh. Baka mamaya ay kulang na lang lumamon tayo ng apoy. Huwag naman sana," bulong ko sa kaniya. "Tsk, easy lang iyan sa atin. Huwag kang kabahan. Nandito rin ako, sagot kita lagi. Ang gwapo mong boyfriend ay always to the rescue sa maganda niyang girlfriend," bulong ni Cypher at kumindat. Para na namang sinisilihan ang puso ko kay Cypher. Ang harot! Hindi ko tuloy magkagat labi at tampalin ang kaniyang dibdib. Hay, Cypher talaga. Mga isang oras lang kaming nagpahinga at tuloy na ulit ang Siren Games. Hindi na pwede ang extension. Nagbabatak sila at ganoon din kami, may hinahabol pa kaming oras. Hindi kami pwedeng easy-easy lang. Gaano katagal na kaya ang nakakalipas? Ni isa sa amin ay hindi alam. Kahit ako na kayang kumontrol sa oras ay hindi ko kayang malaman iyon. Hindi naman ako living clock. Ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa host nang magsalita siya. Mamaya na ang monologue, kailangan ko munang makinig. Mamaya ay bangag na naman ako at walang alam sa instructions. Baka mautakan pa ako ng kalaban. "Umpisa na ang ating Fourth Wave: Show Me No Mercy!" sigaw nung host at naghiyawan ang mga manonood. "s**t, ano iyon? Mukhang brutal ah. Baka mamaya ay matira matibay iyan," tanong ko sa mga kasama ko. "Hindi namin alam, ngayon lang namin narinig iyan. Mukhang bago nila ito," sagot sa akin ni Cepherus. May umangat naman mula sa ilalim na tore sa gitna. Nagkaroon din ng mabatong platform. Ano naman kaya ito? Parte ng laro or dekorasyon lang. Baka mamaya ay paakyatin kami r'yan, yawa. "Makinig kayo, ito na ang rules and mechanics! May isang grupo akong bubunutin at kung sino mang mabunot ko ang siyang magiging mga pain! Papaikot ang walong mabubunot ko sa toreng iyon habang may tali sa bewang. Susugurin naman kayo nang lahat ng mga natirang teams!" sigaw nung host. "Tang ina, sana hindi tayo ang mabunot para mabilis matapos. Paniguradong mainit ang ulo sa atin ng ibang kalahok. Baka mamaya ay mandaya pa magulpi lang tayo," bulong ni Xavier. "Mukhang lugi tayo sa larong ito kahit malaki ang puntos. Lalo na kung tayo, marami ang may galit sa atin katulad nga ng sabi ni Xavier," sabi naman ni Megan. "Ang magiging puntos sa bawat mapapatumbang pain ay 50 points! Habang sa mga susugod naman, 10 points ang bawat isa!" sigaw nung host. "s**t, hindi ito patas!" sabi ni Three. "Hayaan niyo na, sila ang may pakana nito. Wala tayong magagawa ro'n. Baka parte rin ito ng pagsubok," sabi naman ni Cypher. Nag-umpisa nang bumunot ang host mula sa kahon kaya kinabahan ako. Nang isigaw niya kung sino ang kaniyang nabunot ay napamura na lang kaming lahat. Hindi kaya dinaya niya ang bunot? Parang hindi ko matanggap. "Daredevil Academy! Pumwesto na kayo sa tore!" sigaw nung host kaya bagsak ang balikat kaming walong naglakad. Sa badtrip namin ay kami na rin ang nagkabit ng tali sa aming bewang. Naglabas naman ako agad ng armas at naghanda. Wala kaming choice kundi labanan ang lahat ng mga kalahok. Sana lamang ay walang masaktan sa amin hangga't maaari. Matatalim ang tingin sa amin ng mga kalaban. Mukhang mahihirapan kami sa kanila, mukha ring malalaki ang galit ng mga ito. s**t, ano ba ang ginawa namin sa kanila? Isa pa nga sa Siren Academy ang may atraso sa amin, isa sa lahi nila! Hindi kami na wala namang ginagawa. Palagi kasing tingin nila sa amin ay nagyayabang at nakikipag palakasan. Hay, ewan ko sa kanila. Tumunog na ang hudyat kaya nagsisuguran na sa amin ang mga kalaban. Taga-Bermudaez pa ang sumugod sa akin kaya binato ko sila ng fire ball. Umiiwas naman sila. May natamaan akong dalawa pero dalawa pa rin ang nakalapit sa akin. Mabuti na lang at nahagip ko ang hita nung isa at nahiwa siya ng aking scythe. Isa na lamang ngayon ang haharapin ko. Mabuti na lang at walang special ability iyong isang natira kaya agad ko siyang napatumba. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla akong lumipad papalayo at sumadsad sa bato. Kulang ako sa pandama! Kailangan kong maging alerto! "Ahh s**t!" daing ko. Ramdam ko pa ang mahapding braso ko na napuruhan sa aking pagsadsad. Mabilis naman itong naghilom, mabuti na lang. Kung hindi ay baka naiyak na ako sa sakit. Para akong nabangga ng kotse sa lakas ng impact at sadsad. "s**t! Imaculate ayos ka lang ba?" tanong ni Cypher na lumapit sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng may makita akong palasong tatama sa direksyon namin. Agad kong dinamba si Cypher para hindi siya matamaan. Hindi ba pwedeng taympers muna? "Bwiset na mga iyan!" sigaw ko at binato ng bolang apoy ang may gawa no'n. Agad naman akong tumayo sa ibabaw ni Cypher at binato sa mga papalapit sa aming mga kalaban ang scythe ko. Dalawa naman ang kritikal na natamaan no'n at isang nasugatan. Nakatayo na rin si Cypher kaya nagtanguhan kami at sumenyas siya. Combo pala ha? Subukan nga namin. Bumuo ako ng malaking bola ng apoy at pinakawalan iyon sa langit. Binato rin iyon ni Cypher ng energy ball niya kaya sumabog ang apoy ko at gumawa ito ng malakas na heat wave. Kinikilig tuloy ako kahit malapit na kaming mamatay. Naglabas kaming lahat ng pakpak para maproteksyunan ang aming sarili sa malakas na heat wave. Rinig naman namin ang pagsigaw at pag-inda ng mga kalaban. Nang matapos ang malakas na heat wave ay umayos na kami ng tayo. Nakita naman namin sa dulo ang mga taga-Siren Academy na pumapalakpak. Hindi yata sila sumugod. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at sila na nga lang ang natitira. Hinihila na ang ibang estudyante ng mga gwardya para dalhin sa ospital o clinic. Masyado silang napuruhan at halos mga sunog na ang balat. Lumapit naman ang walong taga-Siren Academy sa amin at pinalibutan kami. May pumalit kay Trina na isang lalaki na tumapat sa akin, kulay berde ang kaniyang mata. "Tanda mo pa ba si Trina na tinanggalan mo ng kapangyarihan? Siya ang girlfriend ko! Ngayon humanda ka sa akin dahil kahit babae ka ay pupuruhan kita! Baka mabalatan pa kita ng buhay!" sigaw niya at sinugod ako. Masyado siyang mabilis kaya huli na nang umiwas ako. May umusbong sa ilalim ng lupa na malaking matalim na bato at tumusok iyon sa tyan ko. Napahiyaw pa ako at halos mapaiyak na sa sakit nang bumulusok ako pataas dahil sa batong nakatusok sa aking tyan. Lalo pa itong lumalaki at lalo pa akong bumaon sa bato. Kailangan ba talagang ganito ang laban? Bigla ulit bumulusok naman pababa ang bato at malakas akong tumama sa lupa. Ramdam ko ang malaking butas na espasyo sa tiyan ko dahil sa ginawa nitong kasintahan ni Trina. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. Hindi pala hawak, sabunot. Gusto na akong kalbuhin. Ramdam ko naman ang unti-unting paggaling ng tiyan ko ngunit masyado itong mabagal. Naalerto ang sistema ko nang itaas niya ako at sakalin. Nakalutang ang mga paa ko sa lupa at nawawalan na ako ng hininga. Ramdam ko naman ang kusang paglabas ng aking pakpak. Kusa ring tumaas ang kamay ko at lumabas dito ang scythe. Parang kusang gumalaw ang katawan ko. Biglang may mga salitang pumasok sa isip ko kaya sinabi ko ito. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling pero parang instinct ko na ang kumikilos para sa akin. "Mors nulla est misericordiae," sabi ko at bigla akong nabitawan nitong lalaki. Nanghihina naman akong napaluhod sa sahig. Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Unti-unti siyang tumatanda at kumukulubot ang balat. Natakot ako dahil baka mapatay ko siya, jusko mamamatay talaga siya! Anong gagawin ko!? Nagsimulang maagnas ang kaniyang balat kaya tumakbo ako papunta sa kaniya kahit paika-ika. Baka mailigtas ko pa siya. Hinawakan ko siya at ginamitan ng illusion of time para bumalik siya sa dati. Sana ay tumalab ito. Napaluhod ulit ako sa sahig dahil sa panghihina nang maibalik ko siya sa dati, mabuti na lang at gumana. Natuwa naman ako dahil muntik pa akong makapatay, ang kaso ay kulay puti na ang kaniyang buhok. "H-Halimaw ka! Halimaw ka! Tulungan niya ako! Ilayo niyo ako rito!" sigaw niya at nagtatakbo palayo sa akin. Nagsimula namang tumulo ang mga luha ko. Ramdam ko namang lumuwag na ang tali sa aking bewang. Tapos na, panalo kami. Pero bakit may lungkot akong nadarama? Napahagulgol ako kasabay ng malakas na hiyawan ng mga manonood dito sa arena. Tama siya, tama iyong lalaki. I-Isa akong halimaw, muntik na naman akong makapatay. Ramdam ko namang may yumakap sa akin mula sa likod. Paglingon ko ay si Cypher pala. Pinunasan niya ang aking luha at hinalikan niya ako sa noo. Hinawakan niya ako sa balikat at ramdam ko ang pagbalik ng aking enerhiya. Mabilis na ulit gumaling ang sugat sa tiyan ko at nakatayo na ulit ako. Niyakap naman ako ni Cypher at inalo. Mabuti na lamang at lagi siyang nandito sa tabi ko. "Hindi ka halimaw, sila ang halimaw. Sila ang may ginawang masama sa atin tandaan mo 'yan. Naatasan lang tayong magparusa sa mga nagkamali, wala tayong kasalanan," bulong niya sa akin kaya napahigpit ako ng yakap sa kaniya. "Pero muntik ko na siyang mapatay, nakita mo iyon hindi ba–" "Napatay mo ba?" putol na tanong sa akin ni Cypher. "H-Hindi, naagapan ko pa naman," malungkot kong sagot. "Oh hindi naman pala eh–" "Pero kahit na, muntik pa rin. Hindi ko na kakayaning mangyari pa ulit iyon sa susunod," putol ko sa kaniya. Napangiti naman si Cypher at hinalikan ang kamay ko. Inalalayan naman niya akong maglakad at muling nagsalita. "Hindi na ulit mangyayari iyon dahil tutulungan ka namin. Magkakampi tayo hindi ba? Grupo rin tayo, nandito sila Hillary at ang Cardinals Sins. Nandito kaming lahat sa iyo, huwag kang panghinaan ng loob," nakangiting sabi ni Cypher. Umayos na ulit ang pakiramdam ko at sinsero akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam ng sinabi ni Cypher, ang sarap ng marami kang kakampi at kaibigan. Pumunta na kami sa gitna at doon kami binigyan ng tig-iisang bag. May nakalagay rin na kahon sa unahan namin. "Ano ho ito?" tanong ko. Pagbukas namin ay buo na ang puzzle na gawa sa kristal kaya nagbukas ang portal. Ibig sabihin, ito ang premyo namin? Yes! Sa wakas! Hindi na namin kailangan pang tapusin ang mapa! Nagyakapan kaming walo at sinuot ang backpack na ibinigay ni King River at Oceana. Namaalam naman kami sa lahat ng mga sirena at nagpasalamat. Dalawa-dalawa kaming pumasok sa portal at kami ni Cypher ang huli. Magkahawak kamay kaming naglakad papasok. Pagtapak namin sa loob ng portal ay mabilis kaming kinain ng liwanag. Pumikit na lamang ako at dinama ang malamig na sensasyong hatid nitong portal. Sa wakas, uusad na ako sa susunod na Cardinal Sin. Sino kaya ang makakalaban ko? Si itay kaya? Si Belle? Si Satanas o si Cypher? Sana naman kahit sino sa kanila, manalo ako. Gusto kong maging isa sa Seven Deadly Sins at ako si Imaculate, ang susunod na ika-walong nakamamatay na kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD