CHAPTER 7

1733 Words
Imaculate's POV: "Hmm..." Pagmulat ko ay ang madilim na langit ang bumungad sa akin. Sinubukan ko namang umupo at hindi nga ako nagkakamali, naglalakbay na kami. Mukhang nasa dagat na kami. Malayo na sa mundo ng mga sirena at sa mga labanan. May kakaharapin na ulit kaming bagong mga pagsubok. Sunod-sunod na rin nagising ang mga kasama ko. Gumagalaw ang alon papunta sa isla kung nasaan ang bulkan na nasa tapat namin. Mukhang doon kami papunta. Parang clue na kailangang doon mapadpad ang bangka namin. Natahimik kami sa buong byahe na papalapit kami sa bulkan dala na rin siguro ng pagod. Sa tuwing tatawid kami sa lagusan ay parang nanlalambot kami at nauubusan ng enerhiya. Ito talaga siguro ang epekto no'n. Kailangan naming tiisin dahil parte ito ng paglalakbay sa portal. Kaysa maglakad kami at maglakbay ng sobrang tagal. Hinayaan na naming dalhin kami ng alon sa bulkan dahil ayon sa mapa, ito naman ang aming susunod na destinasyon. Dito rin kami dinala ng mga kristal kaya baka rito na nga ang misyon namin. Ano naman kaya ang gagawin namin dito? Sana hindi na katulad nung sa mga sirena dahil sobrang nakakapagod iyon. Baka nga siguro eh isang Cardinal Sin na ulit ang makalaban ko. Napahikab na lang ako at napatulala. Bumalik lang ako sa ulirat nang tumama ang sinasakyan naming balsa sa may lupa. Natalsikan pa ako ng tubig sa mukha. "Nandito na pala tayo. Larga na us," sabi ko at nag-unat ng braso. "Tara na. Grabe, parang antok na antok ako ah. Nakakapagod talagang maglakbay," sabi naman ni Cypher at tumayo. Inilahad niya sa harap ko ang kaniyang kamay kaya tinanggap ko iyon. Tinulungan niya naman akong bumaba sa balsa at naglakad na kami sa may buhanginan. Pangiti-ngiti pa si loko. Napapangiti na rin tuloy ako dahil sa kaniya. Ang lalaking ito talaga, may kilig fever na bigay! "Saan naman ang punta natin ngayon?" tanong ni Xavier. "Edi sa pupuntahan," bangag na sagot ni Cepherus. Mukhang pagod na ang isang ito at may ilangan na o ewan ko ba sa pagitan niya at ni Hillary. Matatanda na sila, super tanda pa. Kala mo ay mga teenager na may problema sa love life. Pinipigilan ko na lang tuloy ang pagtawa ko. "Manahimik ka nga. Hindi kailangan opinyon mo," saway naman sa kaniya ni Hillary. Napasabi naman kaming lahat ng 'woah' dahil sa pambabara ni Hillary kay Cepherus. Siniko pa nila Three si Cepherus kaya parang bubuga na ito ng apoy. Dahil wala kaming matinong masabi ay napagdesisyunan na lang naming mamitas ng mga prutas sa mga punong madadaanan namin. Kumuha kami ng ilan at sinimulang kainin iyon. Kinuha ko naman sa likod ko ang bag na ipinadala ni Queen Oceana at King River. Naglabas ako ro'n ng tubig, may mga tinapay pala rito at mga canned goods. Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming umakyat hanggang sa pinakataas. Ang sabi ni Cypher ay ganoon naman daw lagi, nasa pinakatuktok ang mismong puntod o lungga. "Sigurado ba kayong tataas na tayo? Baka biglang pumutok ang bulkan. Mahirap na kapag inabutan tayo rito," tanong ko sa kanila. "Hindi iyan, edi sana matagal na. At saka may mga pakpak naman tayong lahat, makakatakas naman tayo at makakalipad 'no. Makakaiwas naman siguro tayo," sabi ni Three. Sumang-ayon naman sila kaya nagpatuloy kami sa pag-akyat. Ilang minuto pa lang ang nalalakad namin ng biglang humamog kaya napatigil kami sa paglalakad. Uulan ba? Bakit parang hindi maganda ang kutob ko? "Bakit parang ang init ng hamog?" tanong ni Cypher. "Ahh s**t!" Napatingin naman kami sa nagmura. Si Megan pala iyon na may tumamang bato sa gilid niya. "Takbo! Bilisan niyo takbo! Iyan na nga ba ang sinasabi!" sigaw ni Cassian kaya nagtakbuhan kaming lahat. Napamura na lang ako nang mapahiwalay ako sa kanila. Mag-isa ako rito sa daang tinatahak ko kaya nagsimula na akong kabahan. Nanikip naman ang aking dibdib dahil sa mainit na hamog. Namamawis na ako at napapagod sa pagtakbo. Mahirap lumipad at dapat naisip na namin iyon kanina! Mas mataas ay mas maraming alikabok! Napamura naman ako nang tingnan ko ang aking damit, may mga alikabok dito at mahirap makakita. Hindi pala hamog ito kanina, usok ito! Mainit pala itong usok! Napa-ubo na ako habang tumatakbo. May tunog na rin ang paghinga ko dahil parang nababarahan na ang daanan ko ng hangin sa ilong. Dapat ay nagplano muna kami bago tumaas. Napaluhod naman ako sa lupa at pinilit na habulin ang aking hinga. Nanunubig na rin ang mata ko dahil sa usok at hirap sa paghinga. Napahiga na lamang ako dahil sa panghihina. Unti-unti namang nagdilim ang aking paningin. Sabi na nga ba kaya masama ang kutob ko, patibong na naman ito. - "f**k, ang init..." Nagising ako dahil sa sobrang init. Para akong nasa impyerno, nasa impyerno na nga pala talaga ako. Hay nako. Napailing na lang ako at tumayo. Napamura naman ako nang makita kong may lava na lumalamon sa mga puno at sumusunog sa bawat madadaanan nito. Mukhang saglit lamang ako hinimatay mabuti na lang. Kung hindi ay baka abo na lamang ako ngayon. "King inang iyan naman oh!" sigaw ko at tumakbo. Tumakbo ako nang tumakbo pero parang bumabalik lang din ako sa pinanggalingan ko. Lalo nang dumarami ang nasasakop ng lava kaya kailangan ko nang makaalis. Ayaw kong matusta! Sinubukan kong lumipad ng bigla akong mauntog sa kung saan. Nanlaki naman ang mata ko pagtingin ko sa itaas dahil may barrier itong buong isla. Wala rin palang silbi kung lumipad kami kanina. Mabuti na lamang at hindi namin sinubukan. Kung hindi ay baka mga nabagok at tulog na kaming lahat. Pinagsusuntok ko ito pero walang nagiging epekto. Sinubukan ko naman itong batuhin ng fire ball pero bumalik sa akin ito kaya tumama ako pababa sa lupa. Nagmadali naman akong bumangon dahil baka maabutan pa ako ng lava. Pagtingin ko sa paligid ay parang namamalikmata na yata ako. Lumipad ulit ako para tingnan kung tama nga ang aking nakikita. s**t, totoo nga! Mula sa baba umaangat ang lava at hindi sa bulkan! Paano naman nangyari iyon!? Mabilis naman akong lumipad papunta sa bulkan. Masyado nang mahamog sa itaas kaya bumaba ako dahil baka sa paglipad ko ay bumangga ako sa isang puno. Kailangan kong maging maingat. Tumapak ako sa lupa pero sakto namang yumanig ang lupa. Napamura na lang ako at napahawak sa isang puno. "Ahh!" Napahiyaw na lang ako nang magsimulang umulan ng mga nagbabagang bato mula sa bulkan. Tumakbo ako ng mabilis para hindi ako matamaan ng mga ito. Huli na nang umiwas ako dahil may papunta na sa direksyon kong malaking bato. Napapikit na lang ako at hinintay itong tumama pero pagmulat ko, nagkapira-piraso na ang bato. Pagmulat ko ay nasa unahan ko na pala si Three. Hiniwa niya ang bato kaya nagkadurog-durog ito. "Ayos ka lang? Buti nakita kita!" hinihingal niyang sabi. "Paano tayo makakaalis dito? Mula sa baba ang lava at mukhang puputok na rin ang bulkan!" sigaw ko. "Aba, hindi ko rin alam! Ang magagawa na lang natin ay tumakbo!" sigaw ni Three at iniwanan ako. "Bwiset na ito. Sandali hintayin mo ako!" sigaw ko at hinabol siya. Tumatakbo kami paakyat sa bulkan. Hindi ko alam kung saan papunta si Three pero sinusundan ko lang siya. "Hoy! Saan ka ba pupunta!?" sigaw ko kay Three. "Dito sa bunganga ng bulkan! Baka may daan– f**k tang ina!" Biglang may malaking bato na lumabas sa bulkan kaya napaatras ako. Si Three naman ay nawalan ng balanse at nahulog sa bunganga ng bulkan. Ang tanga talaga! "Bwiset ka Three! Pahamak ka talaga!" sigaw ko at nagpatihulog. Nagbabagang dagat ng apoy ang babagsakan ni Three at mukhang nabagok ang ulo niya kanina. Wala siyang malay habang nahuhulog. Pinilit ko siyang inaabot kahit napakainit na ng paligid. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pressure pero kailangan kong sagipin si Three. Bigla namang may kulay itim na anino ang humila sa akin at kay Three. Sa isang iglap ay nasa lupa na kami at nakahiga. "Ano ba ang problema niyong dalawa!?" sigaw ni Hillary sa amin ni Three. Ngayon pa lang nagkakamalay si Three kaya binatukan ko siya. Lumapit naman ako kay Cypher na nakakunot na ang noo. "Bakit kayo ang magkasama?" tanong ni Cypher na mukhang nagseselos. "Nakita ko siya sa daan, tapos nabagok ang ulo at nahulog sa bunganga ng bulkan. Sinubukan ko pa siyang sagipin mabuti na lang at nandiyan si Hillary," paliwanag ko. Tumango naman si Cypher at hinapit ang bewang ko. Ang isang ito talaga, napakaseloso. Imbis na magalit ako ay kinilig na lang ako, Cypher naman kasi eh! Ako, si Hillary, si Cypher, si Three at si Cassian ang magkakasama. Wala rito si Megan, Xavier at si Cepherus. Nasaan naman kaya sila? Nagsimula na kaming maglakad papasok sa tunnel na nasa likod nitong platform na tinutung-tungan namin. Nasa gilid ito sa loob nitong bulkan kaya nakita kami kanina ni Hillary. Habang naglalakad kami ay parang may narinig akong mga boses na tumatawag sa amin. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Baka guni-guni ko lamang iyon. Nang marating namin ang dulo ay mayroon ditong pinto at may lever. Pipigilan sana namin si Cassian sa paghila ng lever pero huli na nang mahila niya ito. "Ahh!" "Ang sakit ng pwet ko shet!" "Tang ina mo! Pahamak ka Cassian!" Sigawan namin dahil bumukas ang inaapakan namin at nahulog kami ngayon dito sa parang tunnel na slide. Masyado ritong masikip, madilim at maliit kaya hindi ko mapipigilan ang mabilis na pagbaba ko. Napakadulas din dito kaya hindi ko magawang ituon ang mga kamay ko. Narating namin ang dulo at nagsibagsakan kami sa mga gintong kung ano. Pag-angat ko ng tingin ay mga baso, barya, baul, at alahas ang nandito. At ang nasa malayo, s**t! May tulog na dragon! "Tang ina, alam ko na kung kaninong lungga ito," mahinang sabi ni Cypher. "Kay Satan, ang Sin of Wrath," bulong ko. Natutulog ang dragon kaya dahan-dahan kaming naglakad. Napatigil na lang kami ng may sumigaw mula sa taas at bumagsak sa likod namin. "Tang ina mo naman kasi Xavier eh!" "Aba bakit ako!?" "Huwag nga kayong magtalo na dalawa!" Sigaw ni Xavier, Megan, at Cepherus kaya napatingin ulit kami sa dragon. Gising na ito at masama ang tingin sa amin. Napalunok naman ako at sabay-sabay pa kaming sumigaw! "s**t, takbo!" sigawan namin at nagtakbuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD