Imaculate's POV:
"Imaculate, dito! Bilisan niyong tumakbo! Baka maabutan kayo!" sigaw ni Cypher at binalikan ako.
Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Hinihingal na ako dahil hinahabol pa rin kami ng dragon na iyon.
"Bakit kasi hindi na lang tayo lumipad!?" sigaw ni Cepherus.
"Oo nga, tama!" sigaw ni Xavier at nagpalabas ng kaniyang pakpak.
Nagkatinginan naman kami ni Cypher at nagpalabas na rin ng pakpak. Lumipad na rin kaming dalawa pero lalo lang kaming napasama.
Lumipad na rin ang dragon at hinabol kaming lahat. Bumubuga na rin siya ng apoy kaya naghiyawan kami.
"Magiging masaya ito!" sigaw ni Three at nagpaikot-ikot pa sa paglipad.
"Ikaw lang na gago ka! Gusto mo bang malamon ni Prawn ng buhay!? Pwes, huwag mo na kaming idamay! Mag-isa ka! Takbo na iwanan niyo na iyan!" sigaw ni Cypher at binato ang dragon ng energy ball.
"Bakit Prawn ang pangalan niya?" Tanong ko kay Cypher.
"Kasi mahilig kumain si Satanas ng prawn crackers. Ewan ko ba sa gagong iyon!" sigaw ni Cypher at bigla akong hinila.
Bumuga ng apoy si Prawn kaya napaiwas kaming lahat. Para kaming mga tutubing nagliliparan at siya naman ang malaking ibon na humuhuli sa amin.
Napakalilikot naming lumipad kaya naguguluhan si Prawn kung sino ang hahabulin niya. Sa inis ng dragon ay bumuga ulit ito ng apoy sa aming lahat at inihataw ang buntot niya sa amin. Manang-mana ito sa amo na mas malaki pa ang butas ng ilong kaysa sa pasensya. Kwento iyon sa akin ni Cypher.
Hinila ako ni Cypher kaya nakailag kami. Natamaan naman no'n si Three at Cassian kaya napamura sa sakit ang dalawa.
"Bakit niyo ba ako dinadamay sa mga away niyo!? Nananahimik ako rito!" Inis na sigaw ni Cassian.
Pinabagsak ni Cassian ang batong nasa ibabaw ni Prawn. Natamaan siya no'n at nahulog sa lupa. Mabuti na lang at naipit ng napakalaking tipak ng bato ang kaniyang buntot kaya hindi ito makalipad. Nabawasan kahit papaano ang kaba ko.
"Mas maraming bato at mas malalaki pa ang kailangan!" sigaw ni Hillary.
"Hindi natin papatayin si Prawn, alaga pa rin iyan ni Satanas! Baka mabagok ang ulo niyan at magaya sa amo niyang sintu-sinto! Ang amo na lang ang kantihin natin mamaya!" sigaw ni Cypher.
Mayabang naman na naglakad si Cepherus papalapit kay Prawn. Balewala lamang niyang iniwasan ang apoy ni Prawn hanggang sa makalipad siya sa likod nito. Kung kaya pala niya iyan eh bakit ngayon niya lang ginawa? Pabebe talaga iyan.
Ngumisi si Cepherus at biglang hinawakan si Prawn. Bigla namang hindi maipinta ang mukha niya at nagsisigaw.
"Putang ina ang init! Ackk wala kang umagahan sa susunod Prawn!" sigaw ni Cepherus kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Haynako, kapatid ko ba talaga ang gago na iyan?" kamot-ulong tanong ni Cypher.
"Baka putok sa buho," biro ko kaya tumawa kaming dalawa.
Akala ko pa naman ay matatalo niya si Prawn dahil napakayabang. Wala naman palang laban ang loko.
"Kailangan natin siyang mapatulog. Paano naman natin gagawin iyon?" Tanong naman ni Megan.
"Akong bahala," sabi ng isang malambot at mahinhin na boses.
Napatingin ako sa pinanggalingan no'n at napanganga sa taglay niyang ganda. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit. Grabe, sino kaya siya? At bakit siya nandito? Kalaban din ba siya o surprise guest?
Naglabas siya ng flute at hinipan ito. Nagpatugtog siya at parang nakakaakit at nakakadala ang musikang lumalabas dito. Parang nakakaantok.
"Magtakip kayo ng tenga," sabi ni Cassian kaya sumunod kaming lahat.
Nagtakip ako at pinagmasdan ang babaeng iyon. Nakaupo siya sa bulto ng mga kayamanan. Pagtingin ko kay Prawn ay natutulog na ang dragon.
Muli akong tumitig sa babaeng gumawa no'n. Nakasuot siya ng maong jeans at sweater pero hindi iyon nakabawas sa kaniyang ganda. Lalo pang naging malambot ang facial features niya dahil sa kaniyang kulay gintong buhok at pares ng mata.
Nang ibaba niya ang flute ay nagtanggal na kami ng takip sa tenga. Lumingon naman siya sa direksyon namin at ngumiti. Natotomboy na yata ako sa ganda niya.
"Nahuli na ba ako ng dating?" mahinhin niyang tanong.
"May boyfriend ka na ba?" rinig kong tanong ni Three na nasa likod namin kaya napalingon kami sa kaniya.
Paglingon namin ay may mga baging na sa binti si Three. Seryoso namang naglalakad si Cassian palapit doon sa babae.
Maliit lamang iyong babae kaya hanggang sa dibdib lang siya ni Cassian nang makalapit ito. Niyakap naman siya ni Cassian at nanlaki ang mata namin nang halikan niya ang babae sa labi.
"Siya nga pala si Harper, Harper Melody. Dating kabilang sa Ten Commandments na pinatalsik ni Augy," sabi ni Cassian.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, siya ang babaeng girlfriend ni Cassian? Grabe, napakaganda niya!
"Paano ka nakapunta rito? Hindi ba at prohibado ka nang pumasok sa kahit ano mang portal?" tanong ni Cepherus.
"Pasensya na, alam ko kasi ang nangyayaring alitan sa pagitan ng mga anghel at demonyo. Gusto ko sanang gumanti kay Augy sa ginawa niya sa akin, sa amin. Kahit papaano rin ay gusto ko sa inyong tumulong," sagot ni Harper at tumingin kay Cypher.
"Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari–"
"Alam ko, Niccolo. Pero para kay Tita Magdalene ang ibig kong sabihin," putol ni Harper kay Cypher at tinitigan ako.
Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay sa harap ko.
"Ako si Harper Melody, magpinsan tayong dalawa. Magkatabi kami ng bituin ni Tita Magdalene kaya nangyari iyon," sabi niya.
Napanganga naman ako dahil wala akong naintindihan. Nakipagkamay na lang ako at kay tatay ko na lang itatanong ang mga sinabi niya. Nagugulat ako dahil sa dami ng mga rebelasyong nalalaman ko.
"Hindi niya ba alam na sa bituin tayo nanggaling?" tanong ni Harper sa mga kasama ko.
"Teka, anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya at umiling. Napakahinhin ng kilos niya at napakalayo sa akin. Kung hindi lang kami magpinsan ay baka pinagselosan ko na ang pakikipagtitigan niya kanina kay Cypher. Ang possessive ko na ha, nahawa na yata ako kay Cypher.
"Wala, saka ko na ipapaliwanag ang lahat," sabi niya at tinalikuran ako.
Lumapit naman sa akin si Cypher at pinulupot ang kamay niya sa aking bewang. May ibinulong naman siya sa akin nang makalayo si Harper kaya napakunot ang noo ko.
"Huwag ka masyadong lumapit sa kaniya," bulong sa akin ni Cypher.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Mapanganib siya, maaaring mas malakas na siya sa amin ngayon ni Cepherus," sagot ni Cypher.
Tumango na lang ako at naglakad na kami. Ibig sabihin, taliwas sa maamo niyang itsura ang kaniyang kapangyarihan? Sabagay, don't judge the book by its cover.
Habang naglalakad kami ay inilabas ni Xavier ang mapa. Siya na ang naghawak dahil malilimutin si Cypher, baka maiwanan niya pa. Magkanda ligaw-ligaw pa kami rito.
"Ayon dito sa scroll, sa baba ang mismong puntod ni Satanas. Hanapin na natin at baka mainip pa iyon. Oh kaya huwag na nating siputin," biro ni Xavier.
"Loko ka talaga," saway sa kaniya ni Megan.
Close na sila Xavier at Megan sa Seven Deadly Sins. Lagi silang magkakasama lalo na ang mga boys.
Bumaba kami sa matatarik na bato. Nagtawanan naman kami nang marealize namin na nakakalipad naman kami at hindi na kailangan magpakahirap pang bumaba.
Lumipad na kami pababa at narating namin ang pinakailalim. Buhat-buhat naman ni Cassian si Harper pero hindi ko na sila pinakialaman. Buhay nila iyan, pakialam ko ba sa trip nila hindi ba?
Hindi ko alam pero parang ilusyon ang bulkang ito. Dito sa ilalim ay may dagat ng apoy. Para kaming nasa panibagong lugar, haynako ewan ko ba. Huwag na ang lugar na ito ang problemahin ko. Dadagdag pa sa marami kong problema.
Habang nakatitig ako sa dagat ng apoy ay may biglang umahon. Para siyang isang nagliliyab na bato na unti-unting naging tao. Si Satan pala ito, siya ang makakalaban ko ngayon.
Biglang pumula ang kaniyang mata at ngumisi sa akin. Napasinghap naman ako ng biglang umangat ang katawan ko sa lupa at lumapit sa kaniya.
"Paano mo ito ginagawa?" tanong ko kay Satan na may pagkamangha.
"Gawa ka sa apoy, Imaculate. Ang lahat nang uri ng apoy ay kaya kong kontrolin. Kaya ko ring lumikha, iyon ang kapangyarihan ko," nakangising sabi niya at hinapit ako sa bewang.
"Hoy Satanas, huwag mong hawakan ang girlfriend ko!" sigaw ni Cypher.
Lilingunin ko sana si Cypher ng hindi ko magawang igalaw ang leeg ko. Napasigaw naman ako ng biglang lumiyab ang buong katawan ko. Parang ginising niya ang natutulog na apoy sa aking katawan.
"Hoy gago ka!" rinig kong sigaw ni Cypher nang hilahin ako ni Satan pailalim sa dagat ng apoy.
Napasigaw na lang ako at pumikit. Napakainit nito sa pakiramdam at nakahinga lang ako nang marating namin ang kabilang dulo.
"Welcome sa teritoryo ko, Imaculate Mary Lord," sabi ni Satan at ramdam ko na lang ang pagbagsak ko sa lupa.
Pinilit kong umupo at ilibot ang paningin ko sa paligid. Katulad pa rin ito ng lugar kanina kung nasaan sila Cypher. Dinala niya ako marahil dito para kami lang dalawa ang maglaban.
"Handa ka na ba?" tanong ni Satan sa akin.
"Ano ka si Korina Sanchez– ah!" daing ko nang hatawin niya ako ng kadena.
"Ako si Satan, ang Sin of Wrath ng Seven Deadly Sins. Wala tayong oras na maglokohan Imaculate kaya seryosohin mo ang gagawin nating laban," sabi niya at nginisian ako.
Lumapit siya sa akin at muli akong lumutang. Napakalakas niya, kaya ko rin kayang gawin ang mga nagagawa niya? Paniguradong mas malakas ang apoy ko kay Satan dahil blue ito at ang kaniya ay orange.
"Labanan mo ako dahil kung hindi ka lalaban, wala kang tyansang manalo sa akin. Kontrolin mo ako kung ayaw mong makontrol, kontrolin mo ang apoy mo kung ayaw mong kontrolin ko ito," nakangisi niyang sabi at ibinalibag ako sa malayo.
Tumama ako sa isang bato kaya napaubo ako ng dugo. Pinilit ko namang tumayo pero bigla ulit akong lumutang.
"Hindi ako magpapakontrol kahit kanino, tandaan mo iyan," sabi ko at nagpalabas ng pakpak.
Sinugod ko si Satan at pinalabas ko ang aking scythe. Ito na, ang laban ng apoy sa apoy.