CHAPTER 9

1916 Words
Imaculate's POV: "Ano Imaculate? Wala ka naman palang laban sa akin. Akala ko pa naman malakas ka dahil anak ka ni Asmodeus," pagmamayabang ni Satan at sinipa ang tiyan ko. Napaubo ulit ako ng dugo at napadaing. Pinilit kong gumapang at lumayo sa kaniya. Ang brutal at ang yabang ng isang ito. Kapag ako nakalaban aahitin ko ang kilay niya. "Ako na yata ang makakatalo sa iyo? Matatanggap mo ba na ang mas mahinang apoy ay matatalo ang ancient blue fire? Isa kang malaking kahihiyan kung ganoon. Haynako, poor Imaculate," asar niya at hinila ang paa ko. "H-Hindi ako susuko. Lalaban p-pa rin ako," nanghihina kong sabi ko pilit na tumayo. Nakatayo pa naman ako at hinarap si Satan. Nakangisi siya at wala man lang galos sa katawan. Napakalakas niya, parang wala akong kalaban-laban. Kayang-kaya niya akong iangat, iwasiwas, at balian ng buto kung gugustuhin niya. Pero ngayon ay nag-eenjoy pa siyang pahirapan ako. Trip na trip nga ako ngayon na maliitin at bullyhin. "Sigurado ka ba? Sige nga, sugurin mo ako. Ni hindi mo nga ako matamaan. Duling ka nga yata eh," mayabang niyang sabi at ngumisi. Nanghihina kong inilabas ang scythe ko at kinaladkad ito. Iwinasiwas ko ito sa direksyon ni Satan pero walang kahirap-hirap niya itong naiwasan. Para na rin akong lasing kung lumaban. Pagod na ako at medyo nanghihina na. Binitawan ko ang scythe at lumipad papunta sa kaniya. Binato ko siya ng fire ball pero naiwasan niyo ulit ito. Napansin ko na hindi niya kayang kontrolin ang apoy na inilalabas ko, sapagkat ako ang may kontrol dito. Ang katawan ko ang kaya niyang kontrolin, papaano nangyari iyon? Siguro dahil simpleng apoy pa lang ito at nagiging espesyal oras na ilabas ko. Mabilis siyang gumalaw at hinawakan ang leeg ko. Walang kahirap-hirap niya akong ibinato sa dagat ng apoy. Tang ina talaga itong si Satanas! Lumubog ako rito hanggang sa ilalim. Sinubukan kong lumangoy pataas pero nanuot sa sistema ko ang sobrang init na pakiramdam. Parang sinusunog at pinakukuluan ang mga lamang loob ko. Maluha-luha akong nagtiis ng init at pinilit lumangoy pataas. Bakit ganito? Bakit naiinitan ako gayong gawa rin daw ako sa apoy? Kaya ko rin naman makapaglabas ng apoy na ikinatataka ko. Hindi kaya, hindi ko ito kailangang labanan? Kailangan ko itong tanggapin o hindi kaya ay iabsorb? Katulad ng ginagawa ni Satanas dahil napansin ko kaninang dito siya nang galing. Umangat siya kanina na parang galing sa swimming at hindi man lang napaso. Mas mainit na apoy, mas malakas. Kung hihigupin ko ang enerhiya ng apoy na nakapaligid sa akin ay maaari kong maibalik ang enerhiya ko, tama! Sa wakas gumana rin ang utak ko! Kailangan ko lang palang isipin ang mga ikinilos ni Satanas! Hinayaan kong lumutang ang katawan ko at dinama ko ang init na aking nararamdaman. Nanuot sa kalamnan ko ang nakakapasong init pero tiniis ko ito. Kailangan kong maging matatag. Nang bumalik sa dati ang lakas ko ay ako naman ang nagpalabas ng apoy. Ramdam kong mas matindi ang init ng apoy ko kaysa sa apoy na nakapaligid sa akin. Mas malaki ang asul kaysa sa pula. Ito na ba ang sinasabi ni Satan? Na talo ng ancient blue fire ang kahit anong klase ng apoy? Nang maramdaman kong mas ganado pa ako kaysa sa dati ay umahon na ako. Kita ko naman ang pagngisi ni Satan sa akin. Mukhang ito na ang gusto niya. Ang tunay na laban sa pagitan ng dalawang apoy. Biglang naging apoy ang kaniyang buong katawan. Katulad nung lalaking apoy sa Fantastic Four ang itsura niya. "Magaling, Imaculate. Naabot mo na ngayon ang dulo ng ancient blue fire mo," sabi ni Satan kaya napakunot ang noo ko. Nang mapatingin ako sa aking braso ay katulad na rin ako ni Satan. Ang aking buong katawan ay gawa sa apoy, nakakamangha. Sinadya niya ba akong ibato ro'n? Imposible. Dati napag-aapoy ko ang labas ng aking katawan, kaya ko pa iyon pero bago lamang ito. Naabot ko na nga talaga ang sukdulan. Ako ba talaga ito? Kaya ko ba talaga itong gawin? Ang astig, pakiramdam ko ay isa akong anime character. Isang makapangyarihang anime character. Napailing na lang ako at iwinaksi ang aking mga iniisip. Dapat na magfocus ako sa laban namin ni Satan. Kailangan ko siyang matalo upang makausad ako sa susunod kong Cardinal Sin na makakalaban ko. Hindi dapat akong magpadala sa mga taktika niya at dapat magfocus lamang ako. "Ngayon, alam kong may mga katanungang nabubuo sa isipan mo. Nalaman mo na ba ang mga sagot dito? Matapang na ba at malalakas ang mga rason mo at stratehiya para matalo ako?" nakangising tanong ni Satan at sinugod ako. Iwinasiwas niya ang kaniyang kadena sa akin kaya mabilis akong umiwas. Ipinalabas ko ang aking scythe ay sumugod sa kaniya. Nasangga niya ang aking atake sa pamamagitan ng kaniyang kadena. Itinutulak ko naman ito pero mas malakas talaga siya sa akin. "Mahina ka pa rin, Imaculate. Hindi mo pa rin ako kayang talunin," sabi niya kaya lalo akong nainis. Lalong nagliyab ang buong katawan ko at itinulak siya. Napaso ako nang mahawakan ko siya ngunit hindi ito kasing sakit ng dati. Mukhang hindi na nga niya nakokontrol ang katawan ko. Siya kaya, kaya kong kontrolin? Itinapat ko ang aking kamay sa kaniya at sinubukan siyang itaas. Natawa naman si Satan at sinugod ako. Pang-asar talaga siya! Naalerto ako ngunit huli na nang sinubukan kong umiwas. Nabalutan ng kadena ang buong katawan ko at natumba ako sa lupa. "Wala kang utak, hindi mo pa rin ba naiintindihan ang nangyayari?" tanong niya at inikutan ako. May panibagong kadena ang lumabas sa kaniyang kamay at inihataw niya ito sa lupa. Napapiksi ako dahil doon ngunit hindi ko ito ipinahalata. "Oras na tanggapin mo ang apoy, na iisa kayo at maabot mo ang hangganan nito, ikaw na lamang ang tanging makakakontrol dito. Walang iba, hindi ako o sino man," sabi ni Satan at hinataw ako ng kadena. Napahiyaw ako sa sakit pero agad din itong naghilom. Napansin kong mas madali na gumaling ang mga sugat ko kaysa sa dati. Nararamdaman kong mas malakas na ako, mas lumakas na ako. Naabot ko na kasi ang sukdulan ng blue ancient fire. Kung gano'n, ibig sabihin ay ang kaya lamang naming kontrolin ay iyong mga fire holder na hindi pa tinatanggap ang apoy sa pagkatao nila? Hindi ko pala siya matatalo sa pagkokontrol, kailangan talaga ay mano-mano. Lumuhod ako kaya napaatras si Satan. Lihim naman akong napangiti at nabuhayan ng loob, may takot siya sa akin. Pinag-init ko ang aking buong katawan. Para lamang akong nagpapapawis sa ginagawa ko. Hindi sa laban dahil bugbog na ako, sa pagpapainit ko ngayon. Nalusaw ang kadena kaya tumayo ako. Ipinalabas ko ang aking pakpak at ang aking scythe. Nag-apoy rin ito kaya lalo akong nabuhayan ng loob, ito na ang totoong laban. "Hindi ba, ang sabi mo ay talo ng ancient blue fire ang kahit anong uri ng apoy? Magaling kung gano'n. Sa palagay ko ay matatalo na kita ngayon," nakangising sabi ko at nagsimulang umikot sa kaniya. Napapansin kong mayayabang silang lahat na kalaban ko kaya susubukan ko ring magyabang. Sa yabang nila ako natatakot at nasisindak, gano'n din kaya sila? Nagkunwari akong aatake at kita ko naman ang mabilis na pag-iwas ni Satan. Napahalakhak naman ako bago mabilis na sumugod. Pinigil ko ang paggalaw niya gamit ang illusion of time at hiniwa ang kaniyang tagiliran gamit ang aking scythe. Mabilis akong lumipad sa ibabaw niya at bumagsak sa kaniyang harap. "Magaling ka," nakangisi niyang sabi at sinugod ako. Binato niya ako ng fire ball kaya iniwasan ko ito. Hindi ko nakitang may patibong pala siyang kadena kaya naapakan ko ito at hinila niya ang aking paa. Mautak talaga itong si Satanas. Ibinalibag niya ako kaya napadaing na lang ako. Mabilis kong nilusaw ang kadena at siya naman ang binato ko ng fire ball. Bumato rin siya kaya nagtama ang fire ball naming dalawa. Nahinto ito sa gitna ngunit nanalo ang akin kaya bumulusok ito sa kaniyang direksyon. Tinamaan siya nito sa tiyan kaya bumalik siya sa demon form. Pilit niya namang ininda ang sakit at hindi ipinakita sa akin ang panghihina. Sinugod niya ako at mabilis na sinampiga. Sa inis ko ay itinapat ko ang aking dalawang kamay sa kaniya at laking gulat ko ng may parang fire ray ang tumama sa kaniyang tiyan. Nabutas nito ang kaniyang tiyan kaya pareho kaming nanlaki ang mata. Naging mabagal ang kaniyang paggaling at bumagsak siya sa sahig. Sa lahat ng nakalaban ko ay kay Satan ako naawa. Sa kaniya kasi ako nakakita ng pag-aalinlangang saktan ako at takot. Parang sa lahat ng Cardinal Sin na nakalaban ko ay siya ang may totoong ikinikilos. Ngayon din ay ramdam kong sinadya niya talaga akong ibato sa dagat ng apoy. Bumalik ako sa normal at nawala ang apoy na bumabalot sa aking katawan. Dinaluhan ko si Satan at ginamit ang illusion of time para mapabalik sa dati ang pinsalang nagawa ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang braso ko at pinigilan ako nang unti-unting magsara ang kaniyang sugat. "Mabuting tao ka talaga, Imaculate. Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo, suko na ako! Pasabi na lang kay Cypher na huwag niya akong babalatan ng buhay pagbalik natin sa Sin Palace," nakangising sabi ni Satan at bigla siyang nagliwanag. Nawala siya sa harap ko at may naiwang isang malaking kristal sa kaniyang pwesto, ang crystal of life. Kinuha ko ito at naglakad papunta sa dagat ng apoy. "Salamat, Satan. Hindi ko ito makakalimutan," Nakangiting bulong ko at lumusong sa dagat ng apoy. Wala akong nararamdamang sakit at para lamang akong lumalangoy sa isang natural na tubig sa dagat. Pag-angat ko sa kabila ay nakita ko si Cypher na nagwawala na. "Hoy, anong ginagawa mo?" malakas na tanong ko kaya napabaling ang atensyon nila sa akin. Lumipad ako sa direksyon nila bitbit ang crystal of life. Lumipad din si Cypher at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. "May ginawa bang masama sa iyo ang gagong iyon? Hinawakan ka ba niya? May sinabi ba siya sa iyo?" tanong ni Cypher kaya napakunot ako ng noo. "Anong sasabihin niya? Wala siyang ginawang masama sa akin," sabi ko kaya nakahinga naman si Cypher nang maluwag. Magkahawak kamay kami ni Cypher na lumipad pabalik sa mga kasama namin. Nginitian naman ako ni Harper nang magkatitigan kaming dalawa. Sinabi ko sa kanila ang nangyari at natalo ko si Satan. Masaya naman sila at napagdesisyunan na naming bumalik. Inilapag ko ang crystal of life sa lupa at kiniskis. Bumukas ito at may isang malaking portal ang nabuo. Pumasok na sila at kami ni Cypher ang nahuli. Magkahawak kamay ulit kaming pumasok na wala ng bumabagabag sa aming mga isip. Nang marating namin ang kabilang dulo ng portal ay napakunot ako ng noo. Nasa Sin Palace ulit kami? Paano at anong nangyari? Nagkatinginan kaming lahat ngunit walang may naglakas loob na magsalita. Pumasok kami sa loob ng palasyo at nagulat na lang ako pagpasok namin. Nakita kong medyo tumangkad ang kapatid kong si Cepter kaya naguluhan ako. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya. "Ilang taon ka na ngayon, Cepter?" Tanong ko sa bata. "9 years old na po, ang tagal mong bumalik ate ha!" sabi niya kaya napasinghap ako sa gulat. Nagkatinginan naman kaming lahat. Ibig sabihin, matagal kaming nawala? Anong nangyari? Tapos na ba ang digmaan? Halos isang taon pala kaming nawala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD