Imaculate's POV: Nandito kami ngayon sa living room, kaniya-kaniyang pwesto at mga lutang pa sa nalaman naming balita. Hindi kami makaget-over na isang taon kaming nawala. Hindi kami makapaniwalang lahat. Parang ilang linggo lang naman kaming nawala. Ilang taon na kaya ako ngayon? 26 na ba ako o 27 na? Hay ewan, matanda na rin ako. Pero dahil nga hindi ako tao, huminto ang itsura ko sa pagtanda mula 20 years old ako noong nasa loob kami ng Pawn Games. Kaya kahit matatanda na sila Cypher ay napakabata pa rin ng itsura. Sumimsim na lamang ako ng gatas mula sa baso ko at sumandal sa balikat ni Cypher. Nakatulala lang din siya at nanonood ng TV. Hinihintay lang namin na tawagin kami ng iba pang Cardinal Sins para sa meeting. Magkakaroon kami ng pagpupulong mamaya tungkol sa mga bagay-ba

