Imaculate's POV: "Paabot nga nung kanin. Please mabait ka naman 'di ba?" pabulong kong pasuyo kay Cypher. "Aysus, nambola pa. Kumain tayo ng marami ngayon. Mukhang stress tayo panigurado mamaya sa sasabihin nila. Kailangan na nating ihanda ang ating mga sarili lalo na ang mga sikmura. Papalapit na naman tayo sa lakbay-diet method," sabi ni Cypher at inabot sa akin ang fried rice. Nakaligo na kaming lahat at kumakain ngayon dito sa hapag. Mukha ngang hindi pa sapat ang tulog ng iba sa amin at mukhang mga lutang pa. Maging ako nga ay hindi pa rin sapat ang tulog. Lagi kaming puyat sa paglalakbay at ngayon lang ulit nagkaroon ng medyo mahaba.. Kumain na ako at dinamihan ko ang kain. Sinigurado naming lahat na ubos ang inihanda sa amin dahil sabi ni Hillary, baka ito na raw ang aming hu

