Imaculate's POV: Nag-aayos na ako ngayon ng gamit dahil ngayon na rin ang alis namin papuntang Higher World. Ito na naman ang paglalakbay. Sa Bloom Kingdom ang punta namin kung saan nakatira ang mga fairy. Doon magaganap sa pagkakaalam ko ang Enchanted Party. Isang malaking maleta lang ang dala ko dahil tinatamad na akong magbitbit ng marami. Sinabi naman sa amin na pwede kaming mamili roon ng mga damit, magaganda rin daw ang gawa ng mga fairies na damit lalo na ang mga burda. Isa nga raw sila sa mga sikat na fashion icon dito sa Higher World. Ang gown naman na pinagawa na susuotin namin ay dadalhin na lamang doon. Kailangan pa naming pakatutukan ang gagawing friendly fight na ipinatupad ng Seven Commandments, mga kalokohan nila. Hay, pati iyon ay poproblemahin pa namin. Pagkatapos

