Imaculate's POV: "Imaculate, si Cypher ito." Narinig kong kumakatok sa labas ng aking kwarto si Cypher. Kaagad naman akong tumayo rito sa kama para buksan ang pinto. Pinagbuksan ko siya at pinapasok. May dala-dala pa siyang cookies at gatas. Hmm, mukhang may sadya. "Bakit? Napadalaw ka yata," kunyaring tanong ko. "Ayaw mo ba? Busy ka na masyado, nagtatampo na ako. Wala ka ng time para sa akin. Hindi na tayo nakakapag bebe time," malungkot na sabi ni Cypher. Umiling naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap naman niya ako pabalik. Natatawa na lamang ako sa kaniya. Bebe time, sa f*******: na naman malamang niya nakuha. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at mabilis siyang hinalikan sa labi. Hinabol pa niya ang labi ko kaya mas lumalim ang aming halik. Matapos ang ilang minuto a

