Imaculate's POV: "Tandaan mong kailangan mong makumbinsi ang mga nilalang sa Higher World. Kapag hindi mo madaan sa pakiusap, daanin mo sa ganda o kaya ay takutin mo na. Lubos nating kailangan ang tulong nila. Bagama't mahihirapan ka sa ibang lahi, panigurado namang may kusang papanig sa atin. Huwag mong kakalimutang i-maintain ang iyong pustura," bilin ni tatay. "Tay naman, papayag naman sila panigurado. Puro ka kalokohan, kung nandito lang si nanay ay piningot ka na. Hay, namimiss ko na siya. Matagal na rin mula noong nawala siya," nakangiting sabi ko kay tatay. "Sana nga ay nandito ang nanay mo, kaso wala na siya. Hilingin na lang natin na masaya siya ngayon," malungkot na sabi ni tatay at mapait na napangiti. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pa

