Chapter 4

1009 Words
JIX "Pinapauwi na tayo ni Mommy." Jin said and pinakita niya ang phone. "It's too early, Jin. We can go bar muna, right?" I shrugged. "No way! May kasalanan pa tayo kay Mommy, remember? Kayo na lang muna pumunta, then, uuwi na ako." Sabi ko sa kanila at inayos ang table ko. Mahirap na baka palayasin na talaga kami ni Mommy. Umiling-iling naman ang dalawa sa akin, "KJ, bro! Minsan lang 'to! Come on?" "Hindi na, Jim, kayo na lang ni Jin. Sasabihin ko na lang nag-overtime kayo." Ngumisi ang dalawa. "Okay!" Nag-apiran ang dalawa at sabay na umalis kami sa company. May kanya-kanya naman na kaming mga kotse. So, why not? Pagkarating ko sa bahay, may nakita akong babaeng kausap ni Jasmine sa tabi ng swimming pool. Sino iyon? Bagong katulong o bagong yaya niya? "Kuya is here na, ate Miya!" Sigaw ng kapatid ko nang makita ako. Tumayo ito at s**t! Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel akong nakikita. "Kuya Jix, she's your nanny!" Hila niya sa aking polo at tinuro ang babaeng naglalakad papunta sa amin. "Hi, sir!" Napapikit-mata ako at inayos ang postura. "H-hello! I'm Jix! You are?" Pagtatanong ko rito. "Miya Apodar po, sir!" Miya? Tinitigan ko siya ng mabuti at fcking s**t! Nahanap na siya nila Daddy? "Oh? You here na pala Jix," nilibot ni Mommy ang tingin, "nasaan ang dalawa?" "Nasa office pa po. Overtime." Sana maniwala. Sana. "Okay. Come on, ipapakilala kita kay Miya sa loob." Bumaling siya kay Miya, "tara, Miya and Jas, nagbake ako ng cookies. Meryenda natin." Tumango sila kay Mommy at sumunod dito. "Mom, magpapalit lang ako!" Sigaw ko rito at umakyat na. Shit! Dapat malaman ng dalawa na nandito siya. "Mga gago! Umuwi na kayo, may dapat kayong makita! She's here! She's fcking here!" Agad akong nagtipa sa aking selpon at sinend sa mga ito ang good news. Napapahilamos ako rito at palakad-lakad ako. Easy lang, Jix. Relax. Inhale-exhale. Repeat. Nang kumalma na ako ay agad akong nagbihis. Nag-vibrate ang phone ko, "bro, maya na. Nagsasaya na kami rito ni Jim. Maaga pa." Napatampal na lang ako ng makita ko ang reply ni Jin. s**t! Kapag talaga babae ang usapan. Bahala sila. Basta tinext ko sila. Nasa pangalawang palapag palang ako ng hagdan ng marinig ko ang usapan nila at hagikhikan. "Sino po iyon, tita?" Boses palang niya tinitigisan na ako. "Oh? It's Jix. Coin Jix, siya ang unang lumabas sa tatlo. Iyong dalawa na nag-overtime, Casper Jim and Clark Jin. You can call them as Jim and Jin. Don't worry, Miya, may pagkakaiba ang tatlo." "Iha, si Jix pinakamatalino sa tatlong magka--" naputol ang sasabibin ni Mom at narinig ko na lang na nagsalita si Jasmine. "He's my favorite kuya among the three's!" Rinig kong sabat ni Jasmine. Tuluyan na akong bumaba ng hagdanan. Relax ka lang, Jix. Be cool, okay? "He's here na!" Lumingon silang lahat sa akin ng makitang papalapit na ako sa kanila. "Sa tatlo siya ang pinakamatalino at mabait." Ani ni Dad. Hindi ko napansin si Dad, nandito pala siya. Tumango lang siya at kumagat ng cookies. "Jin and Jim is not here. Iyong dalawang iyon ang sakit sa ulo." Dugtong ni Mommy. Napalunok ako. "Bakit po, tita?" Pagtatanong niya kay Mommy. "They are bad, Ate Miya! They are monster!" Yari talaga 'tong si Jasmine kapag narinig ng dalawa ang sinabi niya. Umupo ako sa tabi niya, kaya napatingin siya sa akin pero binalingan din agad si Jasmine. "Jix this is Miya, magiging taga-bantay niyong tatlo! Siya ang magrereport sa akin kung nasa'n kayo at anong ginagawa niyo. Naiintindihan mo? Sabihin mo rin sa dalawa na nasa bar ngayon!" Lagot. Alam ni Mommy. "O-opo, Mommy!" Natataranta kong sagot sa kanya. Paano niya nalaman? "Hi, I'm Miya!" Ngiti nito sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Pabayaan mo muna, Jix. Kumuha ako ng cookies and milk at agad na umakyat sa k'warto ko. Narinig ko pa ang huling sinabi niya, "galit po ba siya sa akin?" Oh! sweetheart, I'm not mad at you, I'm fcking shy. Kasagsagan ng masarap na tulog ko nang marinig ang malakas na sigaw ni Mommy. Sinasabi ko na nga ba, e! Pumupungas na bumangon ako at lumabas sa k'warto. Naririnig ko ang ingay sa study room nila Daddy. Nakita kong 'di nakalock ang pinto at sumilip ako sa loob. Nakita ko roon ang dalawa na sinasabon ni Mommy. Tsk. "Anong sabi ko sa inyong dalawa? Jim and Jin! Na bawal kayong mag-clubbing! Anong ginawa niyo? Sumuway kayo!" Napatingin sa akin si Dad at umiling-iling ito sa akin. "M-mommy! W-we want party and h-have f-fun!" Sabay sinok ni Jin. s**t! Lasing na lasing ang dalawa. "Party and have fun? Gusto niyo? Fudge! Hindi ko alam kung sa'n kayo nagmana!" Pinapahinahon ni Daddy si Mommy. Namumula na kasi ang mukha ni Mommy, e. At, alam naming galit na galit na siya kina Jim and Jin. "Kung hindi pa kayo sinundo ng Dad niyo, malamang nasa hospital kayo ngayon!" Nagulat ako sa sinabi ni Mommy at tinitigan ang dalawa. Hindi ko napansing may mga pasa ang dalawa. Tsk. Nakipag-away na naman siguro sila? O, may mga boyfriend ang nakuha nilang fling. Kahit kailan talaga kapag sila ang magkasama. "M-malaki naman na kami, Mommy! We're twenty-one years old! Fcking twenty-o--" lahat kami 'di naka-imik dahil sa pagsampal ni Mommy kay Jim. "Malaki na kayo? Okay!" Sabay umalis si Mommy at dire-diretsong lumabas ng study room nila Dad. Napaatras ako at tumabi sa gilid ng makita ako ni Mommy. Agad na sumunod si Dad kay Mommy at umiling sa dalawa. "I'm so disappointed sa inyong dalawa." Sabay alis din ni Daddy. Nang kami na lang tatlo ang nandito tinitigan ko ang dalawang kakambal ko at mukhang nahismasmasan na sila. "Fck! H-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya iyong sinabi ko kay Mommy." Halos bulong ni Jim. Wala na. Damage has been done. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD