Chapter 5

671 Words
MIYA. "Mommy! Can I swim with ate Miya later?" napalingon ako kay Jasmine ng mag-request ito sa Mommy niya. Mukhang siya nga ang inaalagaan ko kaysa roon sa tatlo pero 'di ko pa nakikita iyong dalawa. "Sure. Ate Miya will be your ate na, okay?" Napatingin ako kay Tita - she prefer na gaanon ang tawag ko sa kanya. Nakakahiya pero pinilit niya ako. Magtatampo raw siya kapag 'di ko siya tinawag na Tita. "You heard it, right, ate Miya? You may ate na! Yehey!" Napangiti ako sa kanya dahil sa kislap ng kanyang mata. Nakita kong bumaba sila Sir. Tumayo ako at napayuko sa kanila. "No need na, Miya. Huwag ka na yuyuko kapag nakikita mo kami, okay? Pamilya ka na rin namin dito." Napatango ako sa sinabi ni Mr- este Tito Carl. "Wala pa rin ba iyong tatlo?" Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung sino tinutukoy ni Tito Carlos. "Malalaki na sila diba? Pabayaan mo sila." Bakas sa boses ni Tita na galit siya. "Umupo na rin kayo diyan at makakain na kayo." Sabay lapag ni Tita sa mga niluto niya. "Aling Naring, iyong milk ni Jasmine..." Bumaling siya sa akin, "you want milk also, iha?" Umiling ako rito. "Okay lang po, Tita." Sabay ngiti ko rito. Kumakain na kami nang may bumabang tatlong binata. Ito ba iyong sinasabi ng mga kasabayan ko kahapon? Ang ganda nga ng genes pero lahat sila nagmana kina Tito Carlos and Tito Carl. "G-good morning," ani nung isang lalaki kahapon. Jix yata pangalan nito. Walang bumati sa kanila, kaya umupo na lang ang mga ito. "They are monster, ate. 'Wag kang lalapit sa kanila." Bumubulong na wika ni Jasmine sa akin. Walang umiik sa amin, maski si Tita Jewel. "Who is she, Dad?" Ani nu'ng isang lalaking naka-itim na tuxedo at naka-black slacks. "She's Miya, Jin. Taga-bantay niyo sana, pero---" Ah. Sila iyong babantay ko? Naputol ang sasabihin ni Tito Carl nang sumabat si Jasmine. "But, she's mine na! Ate ko na siya!" Sabay dila pa nito. "What? I thought... Mommy?" Lumingon si Tita kay Jix. Hindi naman sila gaanong magkahawig talaga, malalaman mo sa tatlo ang pagkakaiba ng mga ito. "What, Jix? Diba malalaki na kayo? No need na. Si Jasmine na aalagaan niya. That's the final decision!" Hindi umimik ang tatlo sa Mommy nila. Napalingon ako ng magsalita si Jas, "Come on, Ate! Let's swim na! I'm full na!!" She's jolly and cute! Tumango ako rito at tumingin kami kay Tita, "You may go na. Hindi ka tatantanan ng isang niyan, Miya." "Okay po, tita..." Bumaling ako sa kanila, "Excuse us po," at inalalayan si Jas na bumaba sa silya niya. "Ate Miya?" Lumingon ako kay Jasmine na naliligo na sa malaking pool nila. "Why you can join me here! Let's swim!" Nandito kasi ako sa gilid at nakababad lang aking mga paa. Ngumiti ako sa kanya at naligo na rin. I wore sando na kulay pink. "Malamig diba, Ate?" Tumango ako sa kanya. "Of course! Too early pa, e." Sabi ko rito. Almost nine in the morning palang. Lumapit ito sa akin dala ang salbabida niya, "'Wag na 'wag kang lalapit kina Kuya Jin and Kuya Jim. They are bad guys! Lagi nila akong inaapi at niaaway. Kuya Jix is so nice! I love kuya Jix than them!" Mukha nga. Iyong dalawa lagi niyang sinasabihan ng mga negative reactions and words. "Bakit ka naman nila inaaway?" Pagtatanong ko rito. "Kasi, I'm prettier than sa mga fling nila." Nagulat ako sa sinabi niya. "Don't say that! Masama niyon, okay." Aniya ko rito. "Huwag mong sasabihin iyon, ha? Dapat maging mabait tayo sa kapwa natin, okay?" Tumango ito sa sinabi ko, "I know ate! Kaya nga hindi ako nakikipag-friend sa mga bad people, e. Kasi they are monster." Nagkukwentuhan lang kaming dalawa ng lumabas sila Tito Carlos kasama ang triplets. Silang tatlo ay nakatingin sa akin at parang kakainin akong buhay. May nagawa ba akong kasalanan? Bakit ganoon sila makatingin sa akin? to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD