Part 5
Pag baba nang kotse ni Ricci pumasok na siya nang gate tutal bukas naman iyon, Pero saktong nasa may pintuan palang siya ng mapahinto sa pag lalakad nang makita ang babaeng naka talikod na nasa veranda at abala sa pag didilig nang halaman,
Si Cryzel.
Iyon ang unang pumasok sa isip niya habang nakatitig sa babae, biglang bumilis ang t***k nang puso niya habang pinag mamasdan ito, kahit gaano niya piliting itakwil sa isipan na hindi pweding si Cryzel iyon dahil patay na ang kanyang nobya ay may pananabik siyang nadama na mayakap ito.
"Zanha hija bakit ikaw ang gumagawa niyan,? Halika dito"
Nabaling sa papalabas na ginang ang kanyang mga mata. Ang ina ni cryzel,
Ang kaibigan pala iyon nang nobya na inakala niyang si Chryzel kaya napahinto siya sa pag lapit, hindi nga naman pweding maging ang kasintahan niya iyon napaka impossible siguro sobra lamang siyang na ngungulila sa nobya kaya tingin niya rito ay si Chryzel,
Tahimik siyang bumalik sa kanyang sasakyan, hindi magandang idea na bumalik pa siya sa lugar kung saan may nag papa alala sa kanyang kasintahan, lalo lamang siyang masasaktan.
Muli niya pang sinulyapan ang babae na may hawig sa kanyang nobya, halos kasing tankad ito ni Cryzel, pati tindig, kasalukuyan na nitong yakap ang ginang. Nag uusap ang dalawa at panay ang ngiti nang babae, ngayon niya lang ito napagasdan nang matagal, ito rin ang babaeng nakita niya noon sa mall, pero anong Ginagawa nito sa malaking bahay,?
Naipilig niya ang ulo upang maputol ang pag titig niya reto saka pinagana na muli ang kanyang sasakyan palayo sa lugar na iyon,
"Anak kumusta naman ang mag Asawa.?" Tanong nang ina ni Zantha nang dalawin niya ang mga ito isang hapon sa kanilang bahay,
Saktong naroon na ang kanyang ina at dalawang kapatid galing skwelahan, isinasabay kasi ito nang kanyang ina pauwi, ang ate Daphne niya ang wala pa,
Nag paalam naman siya kay tita roselda at pinasamahan pa siya sa driver nang mga ito, dama niyang kung paano minahal nang mag asawa si Chyzel ay ganoon din ang pagmamahal nang mga ito sa kanya, para siyang tunay na anak iturin.
Matapos yakapin ang dalawang kapatid na namiss din ay tumuloy siya sa kumidor nila dahil kasalukuyang nag luluto nang hapunan ang kanyang ina, may dala din siyang mga grocery galing sa mansyon, napakarami kasing stock di naman nagagalaw kaya ipinadala na sa kanya ni tita Roselda.
"Malongkot parin sila inay, pakiramdam ko nga kahit mag kakasama kami parang ako lang ang tao sa loob ng bahay. madalas ako lang ang nag sasalita." Mapait niyang saad, Gusto niyang ibalik ang dating sigla nang mag asawa pero napakahirap niyon gawin, minsan nga nadadatnan niya paring umiiyak ang ina ni Chryzel habang nag iisa, kayA pati Siya'y naiiyak narin. iyon ang gusto niyang iniiwasan ang malongkot ang ginang kaya pilit siyang nag papatawa sa mga ito kahit na imposibleng matawa sa kanya ang mag asawa,
Bumuntong hininga ang kanyang ina,
"Ganoon talaga siguro kapag nawawalan nang anak, lalo at nag iisa, kahit naman siguro sino, Pakiramdam ko nga ako itong nawalan nang anak, eh ang layo mo na samin, pero nauunawaan ko naman din ang nararamdaman nila, " Pahayag nito sa malongkot na boses. Tila maiiyak din.
"Ate doon kana ba talaga titira kina ate Cryzel.?" Singit ni marla nang lumapit sa kanila,
"Hindi ah pansamantala lang, Kapag okay na sina tita Roselda balik nanaman ako reto." Hinaplos niya ang buhok nang kapatid,
"Masarap bang matulog sa aircon.?" Inosenti nitong tanong na hinawakan siya sa kanyang makinis na braso, pinasadahan nito iyon nang palad at inamoy amoy. Siya nama'y natatawa.
"Hindi Ah, sinisikmura nga ako eh, tas nagigising ako sa hating gabi na pinupulikat."
Nag tawanan ang mga ito pati ang bunso niyang kapatid na si jamie,
Sakto namang dumating ang kanyang ama,
"Oyy ang artistahin kong anak napasyal ah," niyakap kaagad siya nang ama pag kakita sa kanya at ginulo ang mahaba niyang buhok na madalas gawin kapag naglalambing isa man sa kanilang mag kakapatid.
Nag bless kaagad siya reto sa ama,
"Akala ko kung sinong dumating at may kotse sa labas ang heridera lang pala nang pamilyang Evangelista." Boses nang kanyang ate na may pang uuyam pag kakita sa kanya. Halatang hindi siya nagustuhan, nag katinginan lang angag asawa pero di pinansin ang sinabi nang kapatid niya dahil Kasama nito si carlos na agad siyang binati,
"Hi Zantha, kumusta ka.?" Ngiti nito sa kanya,
Nginitian niya ito bilang tugon,
"Ate Daphne diba ang ganda lalo ni ate Zantha bagay sa kanya maging mayaman ang bango niya," palatak Marla kaya nakita niyang umirap ang ate niya,
"Tsss pilingera eh pansamantala lang naman."
Nag bless ito sa ama at ina, ganoon din si carlos saka hinila na ito palabas nang kumidor,
Sinundan niya nang tingin ang dalawa, Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit galit sa kanya ang kanyang ate sa kahit anong bagay na gawin niya, pero nirerespeto niya parin ito alang alang sa kanyang mga magulang. Hindi nalang niya pinapansin kahit matagal niya na itong gustong kumprontahin,
"Anak dito kana kumain nang hapunan ha sakto at paboreto mo ang ulam natin," Masayang sabi nang kanyang ina,
"Sige po inay.?" Ngiti niya,
"Eh anak kumusta naman ang mag asawang Evangelista nalaman naba ang rason kung bakit nag patiwakal si Cryzel.?" Puno nang curiosity na tanong nang kanyang ama, umupo ito sa tapat na silyang kanyang inuupuan habang ang dalawang mag kapatid ay nakikinig lang.
Napa tingin muna siya sa gawi nang kanyang ina, Palaisipan parin para sa kanya ang pag papatiwakal nang kaibigan, wala naman siyang lakas loob na itanong sa mag asawa dahil tila pribado ang tungkol sa bagay na iyon, bukod doon ayaw niya nang ungkatin pa sa mag asawa ang masakit na pag kawala nang mga anak nito.
"Eh walang sinabi sina tito at tita sa akin kaya erespeto na lang natin," Tugon niya sa ama,
Natahimik ito nag iisip,
"Bago ba kayo nag kahiwalay ni Cryzel wala ba siyang binanggit sayo.?" Muli ay tanong nito.
Napa iling siya, masayang masaya pa sila ni Cryzel noon na tila mga bata, kapag mag kasama kasi silang dalawa wala silang problemang pinag uusapan, happy lang, kaya nga sa buong mag hapon nilang mag masama noon wala siyang napansing kakaiba sa kaibigan,
"Wag nalang natin pag usapan, kalimutan nalang natin at ipag dasal na sana masaya na si Chryzel sa kabilang mundo," singit nang kanyang ina, kaya parang may dumaang angel na natahimik ang lahat,
"Ohh kaya pala nag luto si inay nang masarap ang ulam kasi nadito ang paboritong anak." Palatak nang kanyang ate habang nag hahain silang mag ina,
Walang kumibo dahil may bisita sila, nasa bahay pa kasi ang nobyo,
"Paboreto ko din naman ito ahh." Masayang sabi ni Jamie,
"Si ate Dapne talaga minsan na ngalang si ate Zantha dito sa atin nang aaway pa, pangit mong ka bonding." Di naka tiis si marla, inirapan pa nito ang panganay nila,
"Wala mag sasalita sa inyo at kakain na tayo," mabuti nga at masarap ang ulam natin at nakakahiya reto kay Carlos." Ang ina niya ang pumagitna sa usapan nang dalawang anak na naka ngiti,
Na sinagot naman din nang kanyang ama tungkol kay Carlos, napag alaman niya na di umuwi ang ate niya kagabi, napangaralan pa tuloy ang mag kasintahan, lalo at inaasahan nang kanyang magulang na makakatapos ang kanyang ate sa pag aaral,
Pasado alas otso nang gabi siya umuwi, saktong nasa sala ang mag asawa,
Nagulat pa siya nang mabilis lumapit si tita roselda sa kanya at niyakap siya nang umiiyak,
"Zantha anak akala ko di kana babalik samin" Iyak nito habang yakap siya, si tito David ay malongkot din, hinaplos haplos niya nalang ang likod nang ginang bilang pang aalo reto, Siguro sa susunod na uuwi siya ay isasama niya ito. Sa totoo lang mas mahirap ang kalagayan niya ngayon,
.