Part 6

1023 Words
Part 6 Matagal nang naka upo si Ricci sa loob nang kanyang opisina sa gabing iyon habang pinag mamasdan ang larawan nang namayapang nobya, madaling araw na iyon at Naka dalawang bote na siya nang beer, gusto niya lang maka tulog, ilang gabi naba siyang ganito, Hinaplos niya ang mukha nito sa larawan habang naninikip ang kanyang dibdib, muli siyang tumungga nang alak at napapakagat ang labi dahil di niya mapigilan ang pag init nang mga mata, "Cryzel..!" Bulong niya na napa buga nang hangin nang tila nahihirapang huminga ay itinaob niya ang larawan nito at tumango sa ibabaw nang mesa, tiniis niya sakit na namayani sa kanya sa loob nang tahimik na silid hanggang sa nakalimot siya, Nagising nalang siyang nangagalay, Naka idlip kasi siyang naka tango sa ibabaw nang mesa. Umayos siya nang upo at sumandal sa swivel chair saka muling natulog dahil parang may naka dagan sa mga talukap niyang mabibigat, Kundi pa nga sa masakit na sikat nang araw na tumatama sa kanyang mukha baka dipa siya nagising kinabukasan, alas nuebi na pala nang umaga, Pupungas pungas siyang tumayo na tinungo ang sariling silid, nadinig niya pang nagsisigawan sina Danica at Bart sa kabilang kwarto, itinakwil ito nang magulang matapos mapag alamang buntis kaya sakanila naka tira ang babae, ang problema niya madalas mag away ang mga ito dahil napaka selosa nang babae, Ayaw naman niyang makialam sa gusot na pinasok ni Bart, matoto itong panindigan ang nagawang kalukuhan para madala ito, Naiiling siyang nilagpasan ang kwarto nang dalawa at tumuloy sa kanyang silid upang maligo, pag labas nang banyo saktong tumatawag si Premo, isa sa mga inutusan niyang ilabas si Rupert sa kulungan. Sinagot niya kaagad iyon. "Boss hawak na namin si Rupert, " pag babalita nito sa kabilang linya, Parang nag liyab sa galit ang kanyang pakiramdam na naikuyom ang kamao at nag tagis ang kanyang mga bagang, "Itali niyong patiwarik, wag niyong hayaang makatakas hintayin niyo ako diyan," nag mamadali niyang pinatay ang linya at nag bihis, Kasunod noon ay ang halos pag lipad nang kotse ni Ricci paalis nang mansyon patungo sa lugar kung saan niya inutos sa mga taong dalhin si Rupert, doon niya rin ito balak pahirapan at patayin. Dala ang Camera ay dinalaw ni Zantha ang Puntod nang kaibigan sa araw na iyon, Pinayagan naman siya ni tita Roselda kaya malaya siyang umalis, ayaw naman niyang mag mukmuk sa loob nang malaking bahay na walang ginagawa, kahit kasi gawaing bahay ay di siya pinapayagan nito, Inilapag niya ang dalang bulaklak para kay Cryzel pag karating niya sa puntod nito saka umupo, umiiyak siyang ikinuwento ang nangyari sa mga magulang nito, kung paano nangungulila at nalolongkot sa pag mawala nang babae, Halos kalahating oras din siyang nanatili doon bago napag pasyahang tunguhin ang burol na madalas nilang pasyalang mag kaibigan, sumalampak siya nang upo sa damuhan habang inaalala kung gaano sila kasaya noong huli silang mag kasama ni Cryzel, iyon pala'y pamamaalam nasa kanya, Napaka daya nito para iwanan nalang siya nang basta -basta, Kinuha niya ang camera at pinag masdan ang huling larawan nilang mag kaibigan, ni hindi niya namalayang napapaluha na pala siya, kalaunan ay tumayo siya at kinuhanan ang magandang kinaruruunang lugar, Gusto niyang mag paalam sa lugar na iyon at baka hindi na siya bumalik pa, ang sabi kasi nang mommy ni Cryzel ay mag aaral siya kapag dumating ang pasukan, luluwas sila nang maynila at doon na titira, hindi iyon ang plano niya dahil hindi pa siya nakakapag paalam sa kanyang mga magulang baka di siya payagan, pero ito ang gusto nang kanyang kaibigan, na makapag tapos siya at ayaw niya itong biguin, pero pag iisipan niya parin, Habang kumukuha nang magagandang picture may dumaan sa kanyang harapan na malaking paru- paru, nannapakaganda nang kulay, puti na may kung anong tila kakaibang kulay sa pakpak nito, napapangiti pa siya nang dumapo ito sa isang bulaklak, kukuhanan na sana niya nang larawan ang kaso lumipad ang naturang paru paru, "Hoy teka lang naman wag mo akong iwan,!" Kakusap niya at nanakbo, Sumuot ito sa masusukal at madadamong daan pero sinundan niya ito sa pag nanais na makuhanan nang magandang larawan, para mag karoon manlang siya nang souvenir sa huling punta niya sa paboreto niyang lugar, Napa buntong hininga siya nang lumipad ito nang mas mataas, tuluyan na siyang napalayo sa burol at pakiramdam niya na sa gitna na siya nang kagubatan, Tuluyan naring nawala ang paru paru kaya nag pasya na siyang bumalik sa pinangalingan nang biglang makarinig nang malakas na sigaw sa di kalayuan mula sa kanyang kinaruruunan, Nakakakilabot na sigaw at para bang nahihirapan, pinakinggan niya ang pinag mumulan niyon at parang hinila ang kanyang mga paa patungo sa lugar kung saan halos napasigaw siya nakita, May lalaking hubot bubad na naka tali patiwarik sa isang puno at duguan na hinahambalos nang tatlong mga kalalakihan, ang isa naman ay tila nag mamando lang, "Tama na patayin niyo nalamg ako.!!" Hirap na hirap na sigaw nang lalaking hindi na makilala sa dami nang dugo na umaalpas mula sa sugat na natatamo galing sa hampas ng tatlong lalaki, Nanginginig man ang tuhod ay humakbang pa siya palapit sa mga ito at hindi niya alam kung anong nag udyok sa kanyang kuhanan nang video ang mga pangyayari, napasigaw pa siya nang malakas nang walang anu ano'y barilin nang isang lalaki ang ka awa-awang nakatali sa isang puno, takot na takot siya at di alam ang ang gagawin sa nasaksihan hanggang sa may malakas na kamay ang pumulupot sa leeg niya kasabay nang pag takip nang panyo sa kanyang ilong upang mawalan siya nang ulirat. Nagising siyang nakahiga sa malambot na kama sa loob nang isang maayos na silid., dahan dahan niyang Iginala ang kanyang paningin at ganoon nalang ang panghihilakbot nang makita ang isang lalaking naka upo sa isang silya malapit sa kinahihigaan niyang kama at naka tingin sa gawi niya na tila ba inaabangan siyang magising. "Ikaw.?" Napa balikawas siya nang bangon, may takot na biglang lumukob sa buong pag katao niya, hindi siya makapinwalang kriminal ang lalaking minahal nang kaibigan niya , Walang iba kundi si Ricci Montefalco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD