Part 7
"Buti gising kana"
Sa halip na sumagot sa sinabi ni Ricci ay nanakbo siya papalapit sa pintuan, natatakot siya sa lalaking kasama sa silid na iyon lalo at kriminal ito, Although mukha itong mabait pero nakakatakot ang isang bahagi nang pag katao nang lalaki na ngayon niya lang natuklasan, nag kamali ang kaibigan niya sa lalaking minahal,
Pero sa kasamaang palad ay naka padlock ang pinto. Takot na nilingon niya ang lalaking komportableng naka tingin lang sa kanya.
"Palabasin mo ako dito kailangan mong pag bayaran ang ginawa mong pag patay sa isang taong walang kalaban laban, kriminal ka.!" Di niya napigilang humiyaw at pilit nilalabanan ang takot na nadarama ngayon."
Ang lakas nang kaba sa dibdib niya dahil sa matiim nitong titig sa kanya na walang kakurap kurap, at lalo pa siyang kinabahan at napa atras nang tumayo ito at marahang humakbang papalapit sa kanya. huminto ito nang isang dipa mula sa kinatatayuan niya saka ito nag salita,
"Sasama ka sakin sa maynila at mananatili sa tabi ko hanggat diko napapatunayan sayong hindi ako kriminal," seryoso ito at nakita niya ang pait na bumalatay sa mga mata,
"Sa tingin mo ba sasama ako saiyo." Galit niyang sigaw bago tinalikuran Ang lalaki at binayo ang pintuan, "Tulungan niyo ako..!!Saklolo.!!!" Sigaw niya kasabay na pag kalampag nang malakas sa pintuan sa pag babakasakaling may maka rinig sa kanya
"Tayong dalawa lang ang nandito kaya wag ka nang mag aksaya nang boses kakasigaw, hinintay lang talaga kitang magising para maka alis na tayo, hinawakan nito ang pulsuhan niyang naka hawak sa door knob kaya napapitlag siya, nanlalaki ang mga matang tumingin dito nang lagyan siya nang posas sa isang kamay at ang isang posas ay nilagay naman nito sa isang kamay nang lalaki, mahigpit ang hawak nito sa kanya kaya kahit anong palag niya di siya makawala.
"Ngayon dimo na ako matatakasan, " Seryosong sabi nito saka dinala na siya palabas nang silid na hindi binabitawan ang kanyang kamay,
Nag palinga linga siya sa paligid nang nilabasan nilang bahay, hindi niya alam kung nasaan sila ngayon, kung kriminal ang lalaking ito maaring patayin din siya katulad nang pag patay nito sa lalaki kanina dahil sila lang naman ang naroon,
"Sakay na, "Nang marating nila ang pinto nang kotse ay utos nito, hindi naman galit pero mautoridad,
Gusto niyang tumakas pero impossible, napilitan nalang siyang sumakay nang kotse sa may driver seat at umusod sa pasenger seat, hirap na hirap siya at desame time naiilang sa lalaking kriminal na kasama dahil sa pag kakadikit nang palad nila, nasubsub pa siya sa manibela dahil sa hindi makadaan nang maayos sa masikip na sasakyan, galit niya itong nilingon pero wala siyang makitang reaksyon mula reto,
"Pwedi ba tanggalin mo na to paano ka naman makakapag maneho.?" Nawala ang takot niya sa lalaking kasama kundi napalitan nang inis, ilang oras naba siyang nawawala sa bahay tiyak nag aalala na sa kanya sina tita roselda.
Walang tugon mula sa lalaki na sumakay nang kotse, napa dukwang pa siya reto nang buksan nito ang makina gamit ang kamay na may posas, wala itong pakialam kahit na nakikita siyang nahihirapan, umusod nalang siya palapit reto para hindi siya masyado mangalay
Tahimik itong nag drive na tila walang kasama, ilang beses niyang sinikap kausapin ang lalaki pero nag aalangan siya,
"Pwedi idaan mo na ako kina Tita tiyak mababaliw nanaman iyon sa pag aalala sakin, Alam mo bang dipa sila nakaka recover sa pag kamatay ni cryzel." Nang di makatiis sa wakas ay nasabi niya,
Alam naman niyang wala itong pakialam sa nobya, nailibing ngat lahat -lahat ang Bestfriend niya ay di manlang niya itong nakitang pumunta sa libing, tapos ngayon parang walang nangyari, yun pala kriminal, makatakas lang talaga siya mula reto, siya mismo ang mag papakulong sa lalaki,
Walang tugon mula sa lalaki na may kinuha sa bulsa at isinuot sa tainga,
"Hello tita its me Ricci," dinig niyang sabi ng lalaki. Tinawagan pala nito si tita roselda kaya napatingin nanaman siya sa gawi nito.
"Yes po, yeah pasensya na,, by the way kasama ko si Zantha. Dont worry about her. " Tumawa pa ito sa di niya alam na dahilan bago tinanggal ang nasa tainga at nilagay ulit sa bulsa saka siya binalingan, "So wala ka nang problema alam na ni tita mag kasama tayo," walang anumang sabi nito saka nag concentrate sa pag mamaneho,
Hindi siya tumugon sa sinabi nito bagkos ay ibinaling nalang niya ang paningin sa labas ng sasakyan, Anong gagawin niya ngayon panigurado mapipilitan siyang sumama sa lalaking ito pa maynila, biglan niyang nakapa ang sarili, saka niya lang naisip na wala sa kanya ang Camera na dala kanina, muli niyang binalingan ang lalaking katabi,
"Ang Camera ko nasayo ba.?" Galit niyang tanong, ito ang nag patulog sa kanya kaya alam niyang na kay Ricci iyon,
"Dont worry safe yun sa pinaglagyan ko," At nasiguro nga niya iyon,
"Alam mo bang regalo pa sakin ni Cryzel iyon bago siya namatay, kaya hindi pweding mawala iyon kundi parang tinapon ko narin ang pag kakaibigan namin," Hindi niya maintindihan kung bakit parang maiiyak siya,
Nahinto nito bigla ang kotse saka sinulyapan siya,
"Ganoon mo kamahal si Cryzel.?" Malongkot nitong Tanong sa kanya na inaabutan siya nang panyo, dahil totoong iyak na ang ginawa niya dahil biglang bumigat ang kanyang naramdaman,
Inabot niya ang panyo niyo at nag pahid nang luha,
"Hindi mo naitatanong higit pa sa mag kapatid ang turingan namin, " Nagawa niya pang isalaysay sa lalaking ito kung paano nag simula ang pag kakaibigan nila ni Cryzel, "
Nakita niyang napiga nito ang manibela matapos siyang makapag kwento pero maliban doon wala na siyang narinig mula reto, bagkos ay nagmaneho lang ito,
Pag dating nila sa malaking bahay sa maynila saka pa tinanggal nang lalaki ang posas sa kamay nilang dalawa. sinalubong din sila nang dalawang gwardiya at tatlong katulong, ang lahat nang mga ito ay pawang sa kanya ang tingin na tila ba sinusuri siya.
Ibinilin siya ng lalaki sa lahat na atimahin at wag na wag palalabasin kundi mananagot ang isa man sa mga ito, nasundan nalang niya ito nang tingin,
Hinatid naman kagaad siya nang isang babae sa kwarto, pinahatiram din siya nang pag kain sa loob.
Napa buntong hininga siya, Ano naman kaya ang magiging papel niya sa buhay nito.?