Ellen
Ang mainit niyang mga haplos ay tila nagmarka na iyon sa buong pagkatao ko. Hindi ko makakalimutan ang gabing inangkin niya ako--inangkin niya ang buong ako. Halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko mula sa ginawa sa akin ni Braylon. Pero hindi na iyon naulit. Hindi niya sinubukan nang makita kung paano ako naging meserable kinabukasan.
Inalagaan niya ako kahit galit siya sa akin. Galit siya sa akin nang iwanan ko siya sa loob ng tatlong taon.
Hindi na ako ulit nakabalik sa accomodation namin at kahit magpaalam sa mga kasamahan ko. Madaling naayos ni Braylon ang pag-uwi namin sa dito sa Pilipinas at hindi niya ako inuwi sa kaniyang mansyon kun'di dito sa hindi ko kilalang Isla.
Malayo kami sa kapitbahay. Sa sobrang payapa ng lugar na ito ay halos mabingi ka sa katahimikan. Tanging huni ng ibon at alon ng karagatan ang maingay sa paligid.
Bakit ako dinala rito ni Braylon? Dito ba niya ako gustong parusahan para sa mga kasalanang nagawa ko sa kaniya?
Pagkahatid kasi sa amin ng mga tauhan niya gamit ang private chopper ay iniwanan nila kami.
Payak ang pamumuhay rito. Kubo lang itong tinutuluyan namin at wala pa akong nakakausap na tao rito sa Isla.
Malalin akong bumuntong-hininga. Pinaikot ko ang mga mata sa apat na sulok ng bahay at pinagmasdan ang kung anong kagamitan sa loob.
Mabubuhay ba kami rito? Walang kuryete, walang washing machine, walang gas stove kun'di ikaw mismo ang mangunguha ng kahoy para pang-gatong.
Ganito ang buhay sa villagers sa Combodia. Mas malala pa yata itong tinutuluyan namin. Pakiramdam ko ay kapag umulan o kaya ay humangin ng malakas ay guguho sa amin itong maliit na bahay.
Pabalang kong binagsak ang hawak na sandok at lumabas ng bahay. Nakita ko si Braylon sa tabi ng dagat at may ginagawang bangka. Umirap ako sa hangin at mabilis siyang nilapitan.
"Anong pumasok sa isip mo Braylon at dito mo ako dinala ha? Nasaan ang cellphone ko? Anong lugar ba ito?" Hindi ko napigilan na magtaas ng boses.
Bored niya akong nilingon. Binaba ang hawak na martilyo at nagpunas ng kamay.
"Bakit ko sasabihin kung nasaan tayo? Para takasan mo ako ulit? Wala na ang cellphone mo Ellen, tinapon ko na."
Napaawang ang mga labi ko. Nilapitan niya ako kaya bahagya akong umatras.
"We're alone here and far from our neighbors. Gusto ko ay solo kita. Gusto ko ay pagsilbihan mo ako para mabayaran mo ang pagkakasala mo sa akin." Napalunok ako ng pasadhan niya ng tingin ang buong katawan ko.
"Wala talagang laman iyang utak mo kun'di puro pagbabayad ko ng utang at kasalanan."
"Dapat lang Ellen. Huwag kang gumaya sa pamilya mo na pagkatapos gumawa ng kasalanan ay tatakasan nila ang batas!"
Kumulo ang dugo ko. Mariin kong pinaglapat ang labi at kumuyom ang mga kamao ko.
"Huwag mong banggitin dito ang pamilya ko. They're out of topic. Ibalik mo ako sa Maynila at mag file ka ng annulment!"
He spat. Inilang hakbang niya ako at hinablot sa braso. Nanlalaki ang mga mata ko sabay ngiwi.
"Gagawin ko iyan Ellen kapag nagsawa na ako sa iyo! Gusto mo ba talaga ha?" Nag-init ang mga mata ko nang diinan niya ang kamay sa aking braso.
Hindi ako naiiyak dahil sa madiin niyang pagkakahawak sa aking braso kun'di dahil sa sinabi niyang pagkatapos akong pagsawaan ay idedespatsa niya.
"Serve me enough first Ellen De Leon then I will decided what I'm going to do with you. Hindi sapat ang isang gabing nangyari sa atin Ellen. Hindi iyon sapat sa akin."
Nanlalaki ang mga mata ko. "B-braylon!"
Pabalang niya akong binitawan. Tinalikuran niya ako at muling pinulot ang martilyo.
"Pumasok kana sa loob at magluto ng tanghalian! Huwag mo akong istorbohin dito."
Kinagat ko ang ibabang labi at masama siyang tiningnan. Mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay at dumeretso sa maliit na kusina. Humawak ako sa lababo na gawa sa kawayan at tahimik akong umiyak.
Nang kumalma ang galit kay Braylon ay nagsimula akong maghiwa ng gulay. Hindi ko alam kung makakapagluto ako rito dahil wala pa akong experience na magluto sa ganitong klasing kusina.
Hinugasan ko ng maayos ang bigas at pinatong ang kaldero sa kalan de kahoy. Iniisip ko ulit kung paano ko sisindihan itong kahoy pang gatong. Isang malaking task ito para sa akin na kay hirap gawin.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapaapoy ang pusporo. My gosh! Makisama ka naman. Bigla bigla pumapasok ang hangin sa butas ng mga dingding kawayan kaya namamatay ang apoy.
Marumi na ang mga kamay ko. Kanina pa ako naiinis at gusto kong itapon ang hawak na pusporo. Nang magtagumpay ako ay nag-sign krus ako. Malalim akong bumuntong-hininga at tumayo upang maghugas ng kamay. Ramdam ko ang pawis sa noo ko.
Nag-uumpisa na akong pahirapan ni Braylon dito palang sa pagluluto. Naggisa muna ako ng rekado bago nilagay ang hiniwa kong manok sa kaldero.
Habang hinahalo ko ang ulam namin ay naiiyak ako. Mahapdi ang mga kamay ko dahil sa pagsisindi kanina ng apoy sa pang-gatong namin. Napaso ang mga daliri ko at ngayon ko pa naramdaman.
"Okay lang iyan Ellen. Gamutin mo na lang mamaya pagkatapos mong magluto." Payo ko sa aking sarili.
Nang matapos ako magluto ay tumunganga ako sa harapan ng kalan. Hinipan ko ang mga daliri na akala mo ba ay mawawala ang hapdi.
"What happened?"
Napatalon ang puso ko nang marinig si Braylon na nagsalita. Agad akong lumingon sa pinto at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa mga kamay ko.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Binaba ko ang kamay at tinago iyon sa gilid ko. Mabilis niya akong nilapitan at agad kinuha ang kamay ko.
"Anak ng!" Hindi niya tinuloy ang sasabihin at agad siyang pumikit. Muli akong napalunok nang pagmasdan niya ng maigi ang mga daliri ko.
He sigh. Tiningnan niya ako sa mukha at nagulat na lang ako nang haplusin niya ang noo ko.
"Para kang hindi nagluto ng pagkain Ellen. Parang sarili mo ang niluto mo diyan sa kalan. May mga uling pa ang noo mo oh."
Humapas ang puso ko sa dibdib. Hindi ko alam kung matatawa ako o susuntukin na lang sa mukha si Braylon. Nakita na niyang meserable na ako ay ganiyan pa ang sasabihin.
Umiling siya. Hinawakan ako sa kamay at pinatayo. Dinala niya ako sa lababo at hinugasan ang kamay ko pati noo.
"Salamat." Bulong ko nang matapos niyang hugasan ang mga kamay ko.
Ngumisi siya. "Atleast alam mo na ngayon kung paano mo pagsisilbihan ang asawa mo Ellen. Halika ka dito at lalagyan ko ng gel iyang daliri mo."
Masama ko siyang tiningnan. He glared at me. Umawang ang mga labi mo nang gawin iyon ni Braylon. Para siyang bata! Binalikan niya ako mula sa kinatatayuan ko at hinila sa kuwarto namin.
"Tell me? Paano kaba nagsindi ng apoy kanina? Sinali mo ba itong mga daliri mo?"
Hindi ako nakatiis kaya hinampas ko siya sa braso.
"You're not helping Braylon!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
He chuckled. Marahan niyang pinahid sa mga daliri ko ang gel.
"Marami ka pang pagdadaanan sa mga kamay ko mahal ko kaya dapat mong ihanda ang sarili mo."
Hinila ko ang kamay ng matapos niyang lagyan ng gel. Umusod ako palayo sa kaniya at pinagmasdan ang mga kamay ko. Marami ng pinagdaanan itong mga kamay ko. Napailing ako. Lumapit sa akin si Braylon at dinukwang ako.
Agad ko siyang tinulak sa dibdib upang hindi madikit sa akin ang mukha niya.
"Ano ba?" asik ko.
Tinitigan niya ako. "Don't move." Mahina niyang salita.
Kumunot ang noo ko at muli siyang tinulak.
"Umalis ka nga diyan!"
"Stay. I said stay."
Tinaasan ko siya ng noo. "Gusto mong kumain 'di ba? Umalis ka diyan at ihahanda ko ang pagkain mo!"
He groaned. "I want your taste my love." At bahagya akong napapikit nang sakupin niya ang labi ko.
Madiin niya akong hinalikan sa labi na parang uhaw na uhaw. Ang mga kamay niya ay tinaas sa braso ko at pinigilan ako doon.
Ginalaw niya ang labi at hinagod ang akin. Napapikit ako at hindi makakilos nang muling ipalasap sa akin ni Braylon ang tamis ng halik niya. His lips was hot like a lava. I tasted his own saliva. Nang pakawalan niya ang labi ko ay sabay kaming hinihingal.
I licked my lips and comb my hair. Nag-iwas ako ng tingin dahil parang magnet ang mga eyeballs ni Braylon kung makatingin sa akin.
Nagbuga siya ng hininga at tumayo ng maayos.
"Ihanda mo ang pagkain ko!" utos niya.
Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto namin. Nang makapasok ako sa kusina ay humawak ako sa tapat ng dibdib. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Naguguluhan ako at ginugulo palagi ni Braylon ang buong sestima ko sa tuwing hinahalikan niya ako.
Binasa ko ang labi. Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya at lasa nito. Pinamulahan ako ng mukha at tinampa ang noo. Napailing ako at binilisan ang paghahain ng pagkain para sa asawa ko.
Ito ang unang gabi namin dito sa Isla. Para akong may naririnig na mga huni ng mababangis na hayop. Sinindihan ko lahat ng lamp sa buong bahay. Nangangapa ako at hindi sanay sa ganitong pamumuhay.
Nang lumabas ako upang hanapin si Braylon ay nakita ko ang maliliit na ilaw mula sa mga kapitbahay namin. Malayo sila sa amin na kahit sumigaw ka ay hindi nila maririnig.
Natatakot ako. Madilim ang paligid at maingay ang alon ng dagat. Nakita ko si Braylon sa tapat ng bakod at umiinom. Lumunok ako at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.
"Bakit nandito ka sa labas? Mahamog na Ellen at baka magkasakit ka. Matulog kana."
Naramdaman ko sa boses niya ang lungkot. Nagtatanong ko ang sarili ko kung nalulungkot din ba si Braylon? Palagi kasi itong nakakatakot kaya hindi mo makikitang nagkakaproblema ito sa buhay.
Pumantay ako ng tayo sa kaniya. Nilingon ko siya.
"Na-natatakot ako sa loob," mahina kong sagot.
Binaba niya ang hawak na bote. "Walang multo dito Ellen. Maraming beses na akong nagpapalipas ng gabi rito. Sa akin ka matakot kapag tinabihan kita sa kama natin."
Iniwas ko ang mga mata sa kaniya at dinidma ang kaniyang sinabi. Tumingin ako sa karagatan. Kahit madilim ay naaninag ko ang kung paano sumasayaw ang alon.
"Kailan kapa nagpupunta sa lugar na ito?"
Namaywang siya at umusod sa akin.
"Nagtatanong ka o nag-iimbestiga?"
I tsk. Hindi talaga matinong kausap ang lalaking ito. Ayaw niyang nanahimik ako tapos kapag nagtatanong naman ako ng seryosuhan ay iniiba niya ang usapan.
"Pilisopo!"
"Anong sabi mo?" Inakbayan niya ako.
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Bingi ka."
"Ano?"
"Hindi ba malinaw sa iyo ang salita ko Braylon?"
Binitiwan niya ang boteng hawak at namaywang paharap sa akin.
"Ulitin mo ang sinabi mo Maria Elena?"
Tiningnan ko siya. "Ellen ang pangalan ko. Ellen! Saan mo ba napulot ang Maria Elena na iyan?"
"Pangalan ng lola ko."
Natigilan ako. "L-lola m-mo?"
Tumango siya. Kaya pala madalas niyang tinatawag sa akin dahil pangalan ng lola niya.
Nilikod ko ang kamay at pinagkukurot.
"Nasaan na siya ngayon?"
"Patay na Ellen dahil matanda na."
"Braylon!" sigaw ko. "Nakakairita kang sumagot!"
Mahina siyang tumawa at binuhat ako. Nanlalaki ang mga mata ko sabay paikot ng mga kamay sa kaniyang leeg upang hindi ako malaglag.
"Let's go to bed my love." He whispered in my ear.
Ps: Pati ako ay nakukulangan sa mga update ko. Busy na kasi sa trabaho kaya hindi ko na nahahabaan ang narration ✌️ Thank you!♥️