MATTEO’S FLASHBACK Busy man sa negosyo ay nagawa pa ring magtungo ni Matteo sa kasal ng step brother niyang si Anthony. Kapatid niya ito sa ama at walong taon ang tanda nito sa kaniya. "Good morning, dad. Hi, Tita Sheryl!" bati niya sa ama at sa step mom nang magkita-kita sila sa loob ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal. "J.M., mabuti naman at nakarating ka," masayang wika ni Sheryl tapos ay bumeso sa kaniya. "Sorry. I'm late," paumanhin ng binata. Alas diyes kasi ng umaga ang kasal ngunit quarter to eleven na nang makarating siya sa simbahan. "It's okay, hijo. Hindi pa naman nagsisimula ang kasal. Nagka-problema siguro ang mapapangasawa ng kapatid mo kaya na-late siya. But I'm pretty sure she's on her way." Tumangu-tango siya. "How are you, J.M.? I missed you, son." J.M. ang

