bc

HIS CRUEL INTENTION (COUGAR SERIES #65)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
6.8K
READ
revenge
possessive
family
escape while being pregnant
age gap
second chance
independent
drama
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Tatlong araw bago ang kasal ni Sab ay nahuli niya ang kaniyang fiancè na may katalik na ibang babae. Sa labis na sakit na naramdaman ay pinangako niya sa sarili na kailanman ay hindi na muling iibig pa.

Subalit dumating sa buhay niya si Matteo Madrigal, ang lalaking muling bumuhay sa puso niya.

Paano kung ang lalaking kaniyang pinakasalan at pinangakuang makasama habang buhay ay walang ibang hangad kundi ang sirain at pabagsakin siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"GOOD MORNING PO," magalang na bati ni Sab sa security guard na nakatayo sa tapat ng pinto ng bakeshop na pag-aari niya, ang Ysabella's Sweet Haven. Bukod sa pagiging pastry chef ay siya rin mismo ang namamahala sa sarili niyang bakeshop. "Good morning, Miss Sab," ganting bati nito sa papalapit na amo. Ito na mismo ang nagbukas ng sliding glass door para sa kaniya. Kumunot ang noo ng dalaga nang makapasok sa loob at makitang walang tao sa loob. "Kuya, nasa'an ang mga tao rito? Wala pa ba sila?" "Si Trisha palang po ang dumarating." "Seryoso?" hindi makapaniwala niyang tanong. 7:00 A.M. kasi ang pasok ng mga empleyado niyang naka-assign sa opening shift. Napatingin siya sa suot na wrist watch. Quarter to eight na. Fifteen minutes na lang ay magbubukas na ang bakeshop kaya gano'n na lang ang inis niya nang malamang wala pa ang mga ito. "Yes po, ma'am." Marahas siyang napabuntong hininga. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay ang nale-late ng pasok sa trabaho. Nagpaalam na siya sa guard at naglakad na patungo sa kaniyang maliit na opisina na nasa likod ng counter. Habang naglalakad ay tinatawagan ni Sab sa cellphone ang isa sa mga waitress nilang si Amber para tanungin kung nasaan na ito. Ngunit tanging operator lang ang sumagot sa tawag niya. Naiinis na pinihit niya ang pinto ng kaniyang opisina. Kasabay nang pagbukas niya ng pinto ay ang saktong pagputok ng party poppers sa magkabilang gilid niya. Sumabog at nagkalat ang mga heart shaped confetti. "Congratulations, Miss Sab!" sabay-sabay na sigaw ng mga tauhan niya na noon ay nakatayo ilang hakbang mula sa pinto. Halatang inaabangan ng mga ito ang pagdating niya.. Napahawak siya sa dibdib hindi dahil sa pagkagulat, kundi dahil na-touch siya sa ginawang sorpresa ng kaniyang mga tauhan. Lumapit sa kaniya si Amber tapos ay sinabit sa kaniya nito ang isang pink na sash na may nakasulat na bride to be gamit ang gold na glitters. Lumapit din sa kaniya si Trisha na may dalang fondant cake. Sa ibabaw niyon ay may nakatusok na kandilang hugis ari ng lalaki na 7 inches ang haba. Sa tabi ng kandila ay may nakasulat na 'To have and to hold." "Congrats, Sab. Blow your cake." Napa-iling na lamang siya nang itapat nito ang cake sa kaniyang mukha. Tila nahihiyang hinipan niya ang sindi ng kandila hanggang sa mamatay iyon. Nagpalakpakan naman ang mga tauhan niya at muli siyang binati ng mga ito. "Naloka naman ako sa cake mo." "Excited lang ako para sa kasal mo, lalong-lalo na sa honeymoon mo." "Thanks, dear." Tatlong araw kasi mula ngayon ay gaganapin ang kasal ni Sab at ng fiancè niyang si Anthony. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata nang bumaling siya sa mga tauhan. "Thank you so much, guys! Hindi ko talaga in-expect 'to. Akala ko nga late kayo. Maraming salamat talaga sa effort n'yo." "Anything for you, Miss Sab," wika naman ng isa sa mga waitress niya. "At dahil d'yan, mamaya na tayo magtrabaho. Let's have a party muna." Inutusan niya ang isa sa mga tauhan niya na tawagin ang security guard para makasali ito sa selebrasyon nila at para na rin isara muna ang bakeshop. "Tara! Kain tayo!" Naglapitan na ang mga tauhan niya sa lamesa kung saan nakapatong ang ilang pagkaing binebenta sa bakeshop niya. May spaghetti, carbonara, fried chicken, dinuguan at iba't ibang cakes at pastries na si Sab mismo ang nag-bake kahapon. "Handa ka na rin bang 'makain' after ng kasal mo?" pilyang tanong sa kaniya ni Trisha. Simula nang magbukas ang bake shop niya 8 years ago ay ito na ang chef niya. Kaya naman naging bestfriend niya na rin ito. Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ni Trisha. "Ang pilya mo talaga. Kumain na nga lang tayo." Kumapit siya sa braso nito at lumapit na sila sa lamesa para kumuha ng pagkain. "Ano nga palang balak n'yo after ng kasal?" "Naka-usap ko na si mommy. Siya muna ang magma-manage ng bakeshop habang nasa honeymoon kami ni Anthony. Magvi-video call na lang ako lagi para ma-check kayo rito." "Okay. Nga pala, mamayang hapon darating 'yong ni-recommend ko sa 'yong pastry chef. Magaling 'yon. Pang-world class ang talent." Tumango-tango siya. "Aalis kami ni Anthony after lunch para kunin 'yong souvenirs na pinagawa namin. Babalik na lang ako mamayang hapon to meet her." Natutuwang niyakap siya ni Trisha. "I'm so happy for you, friend. Finally after 4 years ikakasal na kayo ni Anthony. Maisusuko na rin sa wakas ang perlas ng sila-" Agad na tinakpan ni Sab ang bibig ng kaibigan gamit ang kaniyang palad. "Watch your mouth." Natawa ito sa ginawa niya. Old fashioned kasi si Sab. Sa loob ng apat na taong naging magkasintahan sila ni Anthony ay wala pang namamagitan sa kanila. Gusto niya kasing i-reserve ang virginity niya sa mismong gabi ng kasal niya. Ni-respeto naman ni Anthony ang desisyon niya. HABANG nagda-drive papunta sa condo unit ni Anthony ay sinusubukan niyang tawagan ang fiancè. Coding kasi ang sasakyan nito ngayong araw kaya naman susunduin niya ito. Tapos ay dederecho na sila sa isang shop upang kunin ang mga pinagawang souvenirs para sa nalalapit nilang kasal. Hindi na sila kumuha ng wedding planner. Mas gusto kasi ni Sab na siya mismo ang mag-asikaso sa sarili niyang kasal para masigurong masusunod ang lahat ng detalyeng gusto niya. On the day coordinators lang ang kinuha nila para may mag-aasikaso at gagabay sa mga guests nila mula simbahan hanggang sa reception. "Babe, I'm here!" sigaw niya nang makapasok sa loob ng unit ng kasintahan. Binigyan siya ni Anthony ng spare key para anytime na gustuhin niya ay pwede siyang magpunta sa unit nito. Walang tao sa sala at sa kusina kaya naisip niya na marahil ay nagpapahinga ang nobyo sa silid nito. Kumunot ang noo niya habang naglalakad papalapit sa silid ni Anthony. Parang may naririnig kasi siyang ungol na nagmumula sa loob niyon. Habang papalapit siya sa silid na bahagyang nakabukas ang pinto ay papalakas nang papalakas ang naririnig niyang mga ungol. Papalakas din nang papalakas ang kaba sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto. Gano’n na lang ang pagkatigagal ni Sab nang tuluyang mabuksan ang pinto ng silid at makita ang kaniyang fiancé na may kaniig sa ibabaw ng kama nito. Kapwa hubo’t hubad ang dalawa. Magkahinang ang mga labi nito habang si Anthony ay walang tigil sa pagbayo sa ibabaw ng babae. Agad na tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Sab kasabay ng pag-usbong ng matinding galit sa kaniyang dibdib. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang lalaking kaniyang pakakasalan ilang araw mula ngayon ay nahuli niyang nagtataksil at may pinapaligayang ibang babae sa mismong kama nito? "Mga hayop kayo! Ang bababoy n'yo!" histerikal niyang sigaw habang umiiyak sa kaniyang kinatatayuan. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng katawan. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Napakapit tuloy siya sa pintuan at tila roon kumuha ng suporta. Natigilan si Anthony sa ginagawa at agad na hinugot ang sandata mula sa p********e ng kaniig nito. Agad itong tumayo at dali-daling sinuot ang boxers na pinulot nito sa sahig. Ang babae naman ay kinuha ang kumot sa paanan nito at tinakip iyon sa hubad na katawan. Kilala niya ang babae. Kababata ito ni Anthony, si Samantha. Ilang beses na niya itong nakita sa mga parties na pinuntahan nila noon ng nobyo. "Sab," natatarantang wika ni Anthony habang nagbibihis. Si Samantha naman ay kampante lang na naupo sa kama at sumandal sa headboard. Nakangiti pa nga ito habang nakatingin kay Sab na tila inaasar siya. Gusto niya sanang sugurin at sabunutan si Samantha ngunit pakiramdam niya ay naubusan siya ng lakas ng mga sandaling iyon dahil sa kaniyang nasaksihan. "Sab, let me explain," wika ni Anthony nang makalapit ito sa kanya. Magkasunod na umigkas ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ng binata. Namula ang mukha nito sa sobrang lakas ng kaniyang sampal. "Go ahead! Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ka nakikipag-s*x sa ibang babae!" untag niya rito. Umiiyak man ay bakas ang matinding galit sa kaniyang tinig. "Hindi ko ginusto ang nangyari. Inakit niya lang ako," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag, tila hindi malaman ang gagawin. Tumawa siya ng pagak. "Hindi mo ginusto ang nangyari? Pero sarap na sarap ka habang nakikipag-s*x sa babaeng ‘yan. Nasa sala pa nga lang ako dinig na dinig ko na ang ungol mo." Aktong yayakapin siya ni Anthony pero tinulak niya ito papalayo. "Huwag mo akong yayakapin, Anthony. Nandidiri ako sa iyo!" "Sab, I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Please, ayusin natin ito. Mahal na mahal kita." Ginagap nito ang kaniyang mga kamay at hinalikan ang mga iyon. Pinilit niyang bawiin ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito. "Kailan n'yo pa ako pinagtataksilan?" "Matagal na. Two or three years ago," deretsahang tugon ni Samantha. Nagulat siya sa narinig. Napatingin siya kay Samantha na noon ay naka-upo pa rin sa gilid ng kama. Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi, tila ba proud pa ito sa ginawa nila ni Anthony kanina. "Totoo ba 'yon, Anthony?" Napatungo ito. "Answer me! Totoo ba ang sinabi ng babaeng 'yan?" Marahan itong tumango. Lalong nagwala ang dibdib niya sa kumpirmasyon nito. "Matagal mo na pala akong niloloko." Tuluyan na siyang napahagulgol ng iyak. "She's just my partner in bed pero ikaw talaga ang mahal ko, Sab." "Kung mahal mo ako hindi mo ‘ko lolokohin." Pakiramdam niya ay biglang naglaho ang lahat ng respeto at pagmamahal niya para sa kasintahan. “I’m really sorry. Please patawarin mo na ako. Alang-alang sa kasal natin." Umiling-iling siya tapos ay tinanggal ang engagement ring sa kaniyang daliri at pinukol iyon sa dibdib nito. "Sorry pero wala nang kasalang magaganap. Tapos na tayo, Anthony." Natigilan ito sa sinabi niya. Umiling-iling ito. "No! Baby, please don't do this to me." "Hindi ako tanga para pakasalan ka pagkatapos ng lahat nang nakita at nalaman ko ngayong araw," madiin niyang sabi. "Minahal kita, Anthony. Tapos ito lang ang igaganti mo sa 'kin?" "Sab, please 'wag kang mag-back out sa kasal natin. 'Wag mo akong iwan. I really love you. Hihintayin kita. Hindi ako aalis sa simbahan hanggang hindi ka dumarating." "Bahala ka kung anong gusto mong gawin. Pero huwag mong asahan na sisipot ako sa simbahan para pakasalan ka." Tinalikuran na niya si Anthony at patakbong tinungo ang pinto ng unit nito. Hindi niya pinansin ang paulit-ulit na pagtawag nito sa kaniyang pangalan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook