CHAPTER 2

1087 Words
TAHIMIK na umiiyak si Sab habang umaandar ang kotse na minamaneho ng best friend niyang si Benjo. Papunta sila sa bahay ng mga magulang niya sa Quezon Province. Gusto niya munang magbakasyon para makalimot sa masaklap na sinapit ng kaniyang buhay pag-ibig. Ngayon sana ang araw ng kasal nila ni Anthony subalit pinanindigan niya talaga na hindi pumunta sa simbahan, gaya ng sinabi niya rito noong huling araw na magkita sila, noong araw na nasaksihan niya ang pagtataksil nito. Hindi siya martyr o tanga para basta na lang kalimutan ang panlolokong ginawa nito sa kaniya. At isa pa, paano niyang pakakasalan ang isang lalaki na dahilan kung bakit nadudurog ngayon hindi lamang ang puso niya kundi pati na rin ang buo niyang pagkatao? Labis niyang minahal si Anthony kaya naman labis din siyang nasasaktan sa kanilang paghihiwalay. Napakahirap tanggapin na ang lalaking minahal niya nang buong puso ay siya rin palang magiging dahilan para mawasak iyon. Inabutan siya ni Benjo ng panyo. Inakbayan siya nito at hinilig ang ulo niya sa balikat nitonito. "Sige lang. Iiyak mo lang 'yan, Sab." Binuklat niya ang nakatuping panyo at tinakip iyon sa kaniyang mukha. Gusto niyang itago sa kaibigan ang masaganang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata. Si Benjo naman ay patuloy lang sa pang-aalo sa damdamin niya. Namumula na rin ang mga mata ng binata. Halatang nasasaktan din ito habang nakikitang nasasaktan ang kaibigan. Simula pa lang pagkabata ay matalik ng magkaibigan sina Sab at Benjo. Mag-bestfriends ang kanilang mga ina kaya naman gano’n na lang closeness nila isa't isa habang lumalaki sila. Dalawang taon ang tanda ni Benjo kay Sab kaya parang kuya na niya ito na laging naka-suporta sa kanya. Tulad na lamang ngayon. Nag-leave ito ng ilang araw sa trabaho para madamayan siya at ang puso niyang nagluluksa. HINDI mapakali si Anthony habang nasa loob ng simbahan kasama ang kaniyang pamilya at malalapit nilang kaibigan ni Sab. Ngayong umaga ang kasal nila ngunit mag-iisang oras ng late ang dalaga. Labis tuloy siyang kinakabahan dahil naalala niya ang sinabi ni Sab matapos siya nitong mahuling may ka-s*x na ibang babae sa condo unit niya. "Huwag mong asahan na sisipot ako sa simbahan para pakasalan ka." Tila sirang plakang nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga salitang iyon. Mangiyak-ngiyak na si Anthony dala ng matinding kaba. Paano kung totohanin nga ni Sab ang sinabi nito na hindi ito sisipot sa simbahan para pakasalan siya? Muli niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon at muling tinawagan ang kasintahan. Subalit hanggang ngayon ay can not be reach pa rin ang linya nito. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumapit kay Anthony ang driver niya. Kanina ay inutusan niya itong magpunta sa bahay ni Sab para ito na mismo ang sumundo sa kaniyang mapapangasawa. "Where is she? Kasama mo na ba siya?" agad niyang tanong nang makalapit ito. Lalo siyang kinabahan nang hindi agad ito nakasagot. Halata rin sa mukha nito ang kakaibang lungkot at pagkabalisa. "I said where is she? Where is my fianceè?" Hindi na niya napigilan pa ang pagtaas ng boses dahilan para mapatingin sa gawi nila ang mga tao. "Sorry, sir. Wala na po si Miss Sab nang makarating ako sa bahay niya. Ang sabi sa akin ng mga kapitbahay niya, kaninang madaling araw pa raw siya umalis kasama si Benjo. May dala pa nga raw silang mga maleta. Magbabakasyon daw sila sa probinsya ng ilang linggo." Natigagal siya sa narinig. Kung gano'n ay tinotoo nga talaga nito ang pagba-back out sa kasal nila. Tila nanghihinang napa-upo siya sa mahabang upuan sa harap ng simbahan kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Agad siyang nilapitan ng step brother niyang si J.M. at inakbayan siya sa balikat. "What happened? Okay ka lang, 'tol?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Tinabig niya ang kamay ng nakakatandang kapatid at pinunasan ang luha sa mga mata. "Let's call off the wedding. Hindi na siya darating." "Huh? What do you mean?" Hindi na niya nagawa pang sagutin ang tanong ng kapatid dahil pakiramdam niya ay durog na durog na ang puso't pagkatao niya. Dali-dali na siyang lumabas ng simbahan at sumakay sa kaniyang kotse. Agad niya iyong pinaharurot palayo sa simbahan kung saan dapat gaganapin ang pag-iisang dibdib nila ni Sab, ang babaeng kaniyang pinakamamahal, ang babaeng labis niyang nasaktan dahil sa kaniyang karupukan at kagaguhan. "I'm sorry, Sab," umiiyak niyang wika habang nagmamaneho. Hindi na niya mabilang pa kung ilang beses niyang nasambit ang mga katagang iyon. Nang halos wala na siyang makita dahil sa masaganang luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata ay napagpasyahan niyang ihinto muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pinagkrus niya ang mga kamay sa ibabaw ng manibela. Sinubsob niya roon ang ulo at doon pumalahaw ng iyak. Totoo pala ang kasabihan na saka mo lang malalaman ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na ito sa iyo. Ngayon ay labis na niyang pinagsisisihan ang mga panlolokong ginawa niya kay Sab. Pagkalipas ng ilang sandali ay muli na niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Nagtungo pa rin siya sa bahay ni Sab kahit na alam niyang wala na roon ang dalaga. May susi siya ng bahay ng kasintahan kaya nagawa niyang makapasok sa loob. Nagtungo siya sa loob ng kwarto nito sa pagbabaka-sakaling baka bumalik na ang dalaga at ituloy na nito ang kasal nila. Gano’n na lang pagkabigong kaniyang naramdaman nang makapasok siya sa loob ng silid at makitang walang tao roon. Napansin niya ang isang kahon na nakapatong sa ibabaw ng kama ni Sab. Nilapitan niya iyon. Gano’n na lang ang paglulumo niya nang makita ang mga laman ng kahon. Ang mga larawan nila ni Sab noong magkasintahan pa sila, ang cellphone na binigay niya rito noong huling kaarawan nito, ang mga mamahaling alahas na niregalo niya rito kasama na ang magiging wedding rings sana nila. Tila wala sa sariling napa-upo siya sa kama at sinapo ng mga palad ang mukha. Doon siya humagulgol ng iyak. "I'm sorry, Sab. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan ka," buong pagsisisi niyang wika. Subalit tulad nga ng sabi nila, laging nasa huli ang pagsisisi. Kung maibabalik niya lang ang panahon sana ay hindi niya na lang pinatulan ang pang-aakit ni Samantha. Hindi niya sana nasaktan ang damdamin ng babaeng kaniyang pinakamamahal. Hindi sana ito nag-back out sa kasal nila. At hindi rin sana siya labis na nasasaktan ngayon. Kasalanan niya ang lahat dahil mas inuna niya ang mapanuksong tawag ng laman. Kaya kung mayroon mang dapat sisihin, siya lang iyon at wala nang iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD