NANG matapos ang lahat ng trabaho sa kusina ay nagtungo si Sab sa kaniyang opisina para makapagpahinga. "Thank god," bulalas niya matapos maisandal ang likuran sa malambot na cushion ng kaniyang swivel chair. Chineck niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng office table. Nakagawian na niya na iniiwan ang cellphone sa loob ng opisina para walang maka-distract sa trabaho niya. Simula nang magkaro'n sila ng tensyon ni Matteo at ng business partner nito sa Antipolo ay muli siyang lumayo sa binata. Dalawang araw na niyang hindi pinapansin ang mga tawag at text messages nito. Hindi niya rin ito hinaharap sa tuwing pupunta sa bakeshop o sa bahay niya. Mayamaya ay hindi niya napigilan ang unti-unting pagsilay ng matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Ang sweet kasi ng mga mensahe ni Matt

