Chapter 36 Pagkatapos ng live interview ay agad na lumapit si Berna kay Marco at kinamayan ito bilang pasasalamat. “Sir Llanada thank you so much na napagbigyan mo ang request na maging guest namin at kung hindi kalabisan ay gusto sana kitang iinvite together with Miss Ellize for a cup of coffee diyan lang sa coffee shop sa ibaba,” alok ni Berna. Lihim na pinandidilatan ng mata ni Ellize si Berna ng marinig na inaaya nito si Marco pero tila nananadya naman ito na ayaw siyang tingnan kaya’t sumingit at hindi na inantay ang tugon ni Marco. “Sissy baka may lakad pa si Sir Marco nakakahiya,” singit ni Ellize na sinisikap iwasang magsalubong ang kanilang tingin. “Sir Marco can you join us para naman makapagkwentuhan tayo kahit sandali tutal maaga pa naman?” untag muli ni Berna. “Sa susuno

