Chapter One
Chapter One
“Good job Llanada mukhang nakakaamoy na naman ako ng promotion ah.” Komento ng hepe ng Crime Prevention Unit na si Angelo Rivera.
“Salamat Sir dadalhin na namin ang mga ito sa presinto.” Tugon ni PO4 Marco Louis Llanada sabay saludo sa kanilang hepe.
Mabilis nang dinala ng grupo ni Marco ang limang miyembro ng sindikato pasakay sa patrol ng pulis para dalhin sa presinto halos isang buwan nilang minanmanan ang grupo para hindi makalusot sa ikakasa nilang entrapment procedure at ngayon ay nag bunga ang kanilang pinagpaguran ng mahulog sa kanilang bitag ang matinik na grupo.
“Akalain mo Sir napakatagal na sakit ng ulo ng Crime Prevention Unit ang grupong ito sa dami ng napatay nila diskarte mo lang pala iniintay para matimbog at humaplos ang mga kamay nila sa malamig na rehas.” Komento ni PO1 Gilbert Rios kahang isa isang tinitingnan ang mga mukha ng miyembro ng sindikatong nahuli.
“Nangyari ang lahat ng ito dahil sa tulong ninyo kung ako lang mag isa siyempre hindi ko naman kakayanin yun it’s a team effort.” Sagot Marco habang nakatuon ang pansin sa dinadaan ng sasakyan papuntang presinto.
“Kung nabubuhay lang si PO2 Ruben ay siguradong proud na proud yon sa napakagilas niyang anak,” muling hirit ni Rios.
Pagkabanggit sa pangalan ng ama ay hindi naiwasan na maalala ni Marco ang kanyang ama kung nabubuhay lamang ito at nakikita ang tinatakbo ng kanyang karera ay siguradong matutuwa ito tandang tanda pa niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyang panunuyo at pagpupumilit para lang payagan siyang kumuha ng kursong criminology, maging ang walang sawa niyang pakiusap sa ina na tutol na tutol din na sundan niya ang yapak ng kanyang ama ay hindi matatawaran.
“Talaga bang hindi ka mapipigilan sa kurong nais mong kunin?” tanong ni PO2 Ruben Llanada sa kanyang anak na si Marco.
“Tay alam na alam nyo naman po na maliit pa ko ay gustong gusto ko ng sundan ang yapak ninyo kaya payagan ninyo na po ako ni inay sa kursong gusto ko.” Tugon ni Marco na puno ng pagsusumamong nakikiusap sa kanyang ama.
Palihim namang sinulyapan ni SPO2 Ruben ang asawa bago nagsalita, “sadyang mahirap ang landas na gusto mong pasukin pirmis na ang buhay mo ay nasa panganib kaya’t hanggat maari ay ayaw sana namin ng iyong ina na kumuha ka ng kursong criminology pero mas mahirap naman na pilitin ka namin sa kursong hindi mo gusto baka sa halip na makatapos ka ng pag aaral ay mag asawa ka na lang o kaya ay magbulakbol.” Pahayag ni SPO2 Ruben.
“Ibig sabihin po ba niyan ay pinapayagan nyo na ko sa kursong gusto ko?” namimilog ang mga matang tanong ni Marco sa mga magulang.
“Ano pa nga ba ang magagawa namin kung hindi ang suportahan ka sa nais mo basta ipangako mo lang na lagi kang mag iingat at ako eh sagad na sa langit ang pag aalala sa ama mo sa tuwing may bagong kasong hahawakan mabuti na lang at hindi ako nagkasakit sa puso.” Sagot ni Nanay Romina habang inaayos ang mga gamit na dadalhin sa ospital na pinagtatrabahuhan nito bilang nurse.
Nang marinig ang sagot ng mga magulang ay hindi napigilang sugurin ng yakap ni Marco ang mga magulang laking pasasalamat niya na ang buong bakasyong kulitan nila ng pamilya at araw araw na dasal na pumayag ang mga ito sa kursong nais niya ay nagbunga ng maganda.
Maliit pa si Marco ay sadyang pangarap na niya ang humawak ng baril maging ang mag tanggol sa mga naaapi ay karaniwang paksa ng laro nila ng kanyang mga kaibigan lalo na nung sila ay nasa elementarya hanggang sa pagtungtong niya ng high school ay higit niyang naenjoy ang pagsali sa Citizen Army Training o CAT na kung saan ay hawak niya ang isa sa pinakamataas na ranggo.
“Salamat po tay hindi po kayo magsisi ni nanay sa pagpayag ninyo sa kursong nais ko pinapangako ko po na hindi ko kayo bibigyan ng kahihiyan, problema o sakit ng ulo bagkus karangalan ang iuuwi ko kagaya ni tatay,” masayang pangako ni Marco sa mga magulang.
“Kung ganoon ano pa ang hinihintay mo bilisan mo ng gumayak para makapag enrol ka na at baka magbago pa ang isip ko eh pakuhanin na lang kita ng vocational course,” biro ni Tatay Ruben kay Marco.
Iiling iling naman si Nanay Romina sa usapan ng kanyang mag ama hindi man siya isang daang porsiyentong kumbinsido sa naging desisyon ng asawa ay wala na siyang magawa kung hindi ang suportahan ito at ang anak na labis na iniidolo ang ama.
Agad na tumalima papunta sa kwarto si Marco para magpalit ng damit at kuhanin ang gamit na kakailangangin sa pagpapaenrol kasabay niyon ay tinawagan ang kaibigan na si Clemente para ipaalam na magtutungo na siya sa paaralan para mag-enrol at doon na lang sila magkita nito.
Walang pagsidlan ang tuwa ni Marco nang matanaw si Clemente na naghihintay sa parke ng paaralan tanaw agad niya ang malapad na ngiti nito na alam na alam niyang masaya para sa kanya.
“Mukhang umayon sa iyo ang tadhana ah ano ang ginawa mo at napapayag mo sila tito at tita?” maagap na tanong ni Clemente.
Sasagot pa lamang si Marco sa tanong nito ay muli na namang sumingit si Clemente.
“Malamang nag pavictim ka at nag-hunger strike ng ilang araw sabay na nagkulong sa kwarto para mag alala sila at mapilitang ibigay ang gusto mo.” Niligiran pa ni Clemente ang kaibigan na parang isang imbestigador habang sinasabi ang konklusyon niya sa pagpayag ng magulang ni Marco.
“Of course not! I don’t need to do such act para mapapayag si nanay at tatay.” Kontra ni Marco sa kaibigan.
“Oh siya sige paano nga aber?” Nagtataka pa ring tanong ni Clemente.
“Guess what pare?” masayang tanong ni Marco sa kaibigan.
“Guess what ka diyan sabihin mo ang dahilan o baka naman tinakot mo sila na mag aasawa ka na at nagdala ka ng girlfriend para mangamba sila na hihinto ka na sa pag aaral at magiging isang dakilang tambay sa kanto na maagang nag asawa at nagkaanak?” eksaherang tanong ni Clemente.
“Hindi ano ka ba Clemente wala sa isip ko ngayon yan masayang masaya ko kasi finally napapayag ko si nanay at tatay sa kursong gusto ko at daig ko pa ang nananaginip kurutin mo nga ako at sabihin mong totoo ang lahat ng nangyayari ngayon.” Utos ni Marco sa kaibigan.
“Wow talaga ba? sa palagay ko eh hindi na kita kailangang kurutin ako na ang mag papatunay na totoo at hindi ka nananaginip at heto ka ngayon sa paaralan para officially ay makapag enrol na ng kursong gusto mo at dahil masaya ka na natupad ang isa sa pinaka minimithi mo abay kinakailangang manlilibreka ng tanghalian.” Kantiyaw ni Clemente sa kaibigan.
Hindi naman nag dalawang salita si Clemente sapagkat inaya na siya ni Marco na pumunta sa canteen para ilibre ng tanghalian.
“Buti ka pa pare makukuha mo ang kursong gusto mo ako kahit na gustong gusto ko mukhang sa vocational course ang bagsak ko alam mo na sa dami ng maliliit ko pang kapatid na kailangang pag-aralin eh kulang na lang sabihin ni nanay na huwag na kong mag-aral at magtrabaho na rin ako para makatulong sa kanila ni tatay,” malungkot na komento ni Clemente kay Marco.
“Pwede ka rin namang mag enrol kung gugustuhin mo, hindi ba sinabi ni Mr. Tan na pwede kang mag apply ng student assistant para libre tuition mo sa kahit anong kursong gustuhin mo sa unibersidad.” Tugon ni Marco.
“Oo nga pero nakalimutan mo yung kasunod na binanggit na dapat ang marka ng mag aapply ay hindi bababa sa nubenta at kung me pasok sa banga hindi ako kung hindi ikaw alam mo naman na hindi kasing taba ng genes ng nanay at tatay mo ang genes ng erpat ko eh kung hindi pa nga ako nakakakopya sayo pag exam malamang ay may mga back subjects ako o mas malala repeater pa ko.” Komento ni Clemente nang maaalala kung paano siya tinutulungan ni Marco kapag exams.
“Sir andito na po tayo.” Wika ni Po1 Gilbert Rios na pumukaw sa atensyon ni Marco.
“Sige ipasok na sa selda ang mga yan.” Utos ni Marco sa mga tauhan na nasa loob ng presinto.
“Gagawan ko na ng report Sir para plantsado na tayo kay hepe.” Boluntaryo ni Martin kay Marco.
“Sir hindi ba tayo magse-celebrate malaking isda itong nahuli natin at nasisiguro kong aangat na naman ang ranggo mo kagaya ng sabi ni hepe kanina.” Kantiyaw ni PO1 Rios kay Marco.
“Yariin ninyo muna ang trabaho dito mamaya na kayo humirit para hindi na tayo mabutasan ni hepe sa reporting at mamaya sagot ko inumin ninyo.” Tugon ni Marco.
“Ayos! pwede ring samahan Sir ng pulutan.” Hirit ni Martin pagkarinig sa kantiyaw ni Gilbert sabay kindat dito.