Chapter Two

1490 Words
Chapter Two Pag uwi sa bahay ng gabing iyon ay inabutan ni Marco si Nanay Romina na naghahain na ng hapunan sa lamesa agad siyang lumapit dito para magmano. “Mukhang nakainom ka yata.” Puna ni Nanay Romina nang maamoy ang hininga ng anak paglapit nito sa kanya. “Nainom lang ho ng kaunti at nakantiyawan ako ng grupo na magpainom.” Paliwanag ni Marco. “Bakit naman anong mayroon? maupo ka muna diyan at ng makapag kwentuhan tayo sabayan mo kong kumain kahit kaunti ipagtitimpla tuloy kita ng kape ng mawala ang epekto ng alak sayo.” Utos ni Nanay Romina. Hindi naman tumanggi si Marco at naupo itong kaharap ng kanyang ina sa lamesa saka nagsimulang mag kwento. “Naalala ninyo po ba yung nabanggit ko sa inyo nung isang buwan na hawak kong kaso? nahuli na po namin kanina sa entrampment operation kaya po masaya ang grupo.” Paliwanag ni Marco. Tahimik na nakikinig si Nanay Romina tila naninimbang sa kanyang isasagot maya maya ay hindi rin nito napigilan at nagkomento. “Anak ako ay natutuwa na nareresolba mo ang mga kasong ipinagkakatiwala sayo pero hindi maalis sa akin na mas lalong mag alala dahil habang marami kang kasong nareresolba alam kong dumarami ang nag nanais na mawala ka sa landas nila,” malungkot na komento ni Nanay Romina. “Nay huwag na po kayong masyadong mag alala isa pa hindi lang doble kung hindi  triple pa ang pag iingat na ginagawa ko bukod pa sa walang sawa ninyong pag nonovena para sa kaligtasan ko ang mabuti paho ay ibahin na natin ang topic at baka hindi na kayo makatulog sa sobrang pag aalalala.” Iwas ni Marco sa mga negatibong isipin ng kanyang ina. “Humanap ka na lang kaya ng ibang trabaho yung hindi ka nakalagay sa panganib.” Suhestiyon  pa rin ni Nanay Romina. “Mukhang masarap po itong niluto ninyo nay nagutom ako sa amoy kumain na tayo habang mainit ang kanin.” Pag iwas ni Marco sa suhestiyon ng ina. Wala ng nagawa si Nanay Romina dama niya ang pag iwas ng kanyang anak at alam niya na kahit na mag pilit pa siya na mag resign ito o maghanap ng ibang trabaho ay hindi rin siya nito susundin ganoon kalalim ang dedikasyon nito sa trabaho kaya’t ng mga oras na iyon ay mas pinili na lang niyang maging masaya na makasabay itong kumain kaysa kulitin ito na mag resign na alam naman niyang hindi niya basta basta mapapapayag o mas malamang na malabo niyang mapapayag. Mahigit ng isang taon na silang dalawa na lamang ng kanyang ina ang magkasama simula iyon ng mapatay sa engkwentro kanyang ama habang iniimbestigahan ang kasong hawak na may kinalaman sa droga at ilegal na bentahan ng armas. “May balita ka ba sa kaso ng tatay mo?” Tanong ni Nanay Romina habang nakatuon ang pansin sa pagsalin ng pagkain sa pinggan ni Marco. “Patuloy pa rin po ang imbestigasyon sa ngayon medyo wala pa rin nakukuhang lead.” Tugon ni Marco sa ina na ayaw idetalye ang sapantaha niya na malaking sindikato ang involve sa kaso ng ama kaya’t magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin gumugulong ang kaso. “Mukhang mabibilang na rin ang kaso ng ama mo sa mga unsolved crimes sa Pilipinas,” malungkot na sagot ni Nanay Romina. “Nay kinausap ko na ang hepe namin na gusto kong ako ang humawak ng kaso ni tatay hihintayin lang po namin ang order galing sa taas para opisyal na maibigay sa akin.” Pagbibigay impormasyon ni Marco sa ina. Lalong  nabahiran ng pag aalala ang mukha ng ina ni Marco ng marinig ang kanyang sinabi. “Marco hindi mo na nak kailangang gawin yan mas lalo lang akong mag aalala na baka matulad ka sa iyong ama tama na yung maagang nasawi ang ama mo hindi mo na kailangang personal na imbestigahan ang kaso baka kung pati ikaw ay malagay sa panganib ay hindi ko na kayanin.” Pigil ng ina sa plano ni Marco na personal na hawakan ang kaso. “Sige nay kung iyan po ang magbibigay kapanatagan sa inyo.” Tugon ni Marco. Matapos makakain ay nag paalam na si Marco na magtungo sa kanyang kwarto para makapag pahinga doon malaya niyang binalikan ang alala ng kanyang ama kung gaano ito iinirerespeto maging ng mga tambay sa kanilang lugar bilang isang pulis na tuwid ang bituka at madiplomasya ni minsan ay hindi ito nasangkot sa ilegal na gawain bagay na lalo niyang hinangaan sa ama lalo na ngayon na siya mismo ay nasa serbisyo at alam niya na maraming tukso sa kanilang trabaho lalo na kung malalaking kaso ang mahahawakan siguradong marami ang magtatangkang magbigay ng suhol. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon October 28, 2016. Iyon ang araw ng kanyang pagtatapos at pagtanggap ng pagkilala bilang natatanging mag-aaral ng taon. Nais niya iyong ialay sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama na nagsilbi niyang inspirasyon para paghusayan  ang kanyang pag aaral. “I would like to dedicate this award to my father who served as my inspiration to dream and work hard to serve others without expecting anything in return he is SPO2 Ruben ......” Talumpati ni Marco na hindi na natapos sapagkat dumating ang isang malungkot na balita. DEAD ON ARRIVAL SI SPO2 LLANADA mga salitang paulit ulit umaalingawngaw sa kanyang tenga. Hindi na nila tinapos mag ina ang seremonyas ng pagtatapos at mabilis na nagtungo sa ospital kung saan binanggit na dinala ang kanyang ama. Pagpasok pa lamang sa ospital ay dagli nilang itinanong kung nasaan ang kwarto ng kaniyang ama ngunit sa halip na ibigay ang room number nito ay ang dulong pasilyo ang isinenyas ng nurese kung saan naroon ang isang higaan na natatakpan ng puting kumot ang kanilang natanaw..  Pagkakita dito ng kanyang ina ay hindi nito napigilan ang maghumiyaw sa pag iyak sa kalunos lunos na dinanas ng kanyang ama na tinadtad ng baril sa katawan at sinigurong hindi mabubuhay. “Ruben bakit mo kami iniwan! napakawalanghiya niya para patayin ang isang katulad mo!” Hiyaw ng kanyang ina dala ng labis na sakit ng nararamdaman at hindi matanggap na inabot ng asawa. Mabigat man sa kalooban ay pilit na nagpakatatag si Marco sapagkat alam niya na simula sa oras na iyon ay siya  na lamang ang maaring sandalan ng kanyang ina kung kaya’t kahit na napakasakit para sa kanya na sa mismong araw ng kanyang pagtatapos ay nawala ang kanyang ama ay kailangan niyang tanggapin at magpakatatag. Sa tulong ng ilang malalapit na kamag anak ay inasikaso ni Marco burol ng kanyang ama maging ang mga proseso para sa paglilibingan nito ay siya mismo ang nag ayos sapagkat kitang kita pa rin niya sa kanyang ina ang labis na pighati hindi pa rin ito makausap ng maayos at iyak lamang ng iyak.  Sa buong panahon  ng burol ng kanyang ama ay walang humpay ang pagdating ng mga bulaklak at mga nakikiramay maging ang pagdalaw ng mga taong nasa posisyon ay masasaksihan maging ang mga kapitbahay ay tila isang buong pamilyang nagdalamhati sa pagkawala ng kanyang ama.. “Tay ipinapangako ko po sa inyo na gagawin ko ang lahat para panagutin ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ninyo.” Bulong ni Marco na tila isang pangako sa ama habang unti unti na itong inihuhulog sa hukay upang tabunan. Tok...tok...tok. Katok mula sa labas ng kwarto ang nagpaigtad sa kamalayan ni Marco at agad niya iyong nilapitan para buksan. “Dumaan si Clemente iniabot ito ang sabi ko ay pumasok muna para makausap eh sa susunod na lang daw at nagmamadaling umuwi hinihintay daw ng ama niya yung gamot na dala dala.” Paliwanag ni Nanay Romina habang inaabot ang kapirasong sulat sa anak. Tinaggap naman iyon ni Marco at agad na binasa. Boss kita tayo sa dating lugar may lead  na ko, Clemente. Pagkabasa sa sulat ay tila nasiyahan si Marco talagang maasahan ang kaibigan niyang si Clemente hindi man ito pinalad na maging pulis ay napaghusay naman nito ang career bilang informant maraming kaso siyang napagtagumpayan sa tulong ng mga impormasyong nakalap nito at ngayon ay mag katulong nilang tinatrabaho ng lihim ang kaso ng kanyang ama. “Anak ako ay natatakot sa reaksyon ng mukha mo pakiramdam ko ay araw araw na lumiliit ang mundo mo sa dami ng malalaking kasong ipinapasa sa iyo kung umuwi na lang kaya tayo sa probinsya at pagyamanin na lang natin ang lupang sakahing minana namin ng ama mo?” muling ungkat ni Nanay Romina kay Marco. “Nay tama na po ang pag aalala hindi makakabuti sa kalusugan ninyo yan ang mabuti pa ay mag pahinga na tayo pareho at isama ninyo na lang ako lagi sa mga panalangin ninyo at siguradong hindi ako pababayaan ni Lord.” Tanggi ni Marco habang iginigiya ang ina patungo sa kwarto nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD