Chapter 14 Pagkatapos na mag paalam si Merrel Sandoval ay diretso na sa meeting room si Ellize kung saan naroon si Berna at iba pang team pagpasok niya ay sinalubong siya ng malakas na palakpakanng grupo. “Napakahusay talaga walang kakupas kupas!” masayang bati ni Bea na agad kinamayan si Ellize. “Bakit ba? grabe sa palakpak ha para namang hindi sila part ng team,” komento ni Ellize. “Halika dito tingnan ko lang hindi ka mapatili kapag nakita mo ang rating at kung pag ilan ang programa mo na trending sa Thinker (Social Media App ),” wika ni Berna. Agad naman lumapit si Ellize para silipin ang tinutukoy ni Berna sa Ipad nito. “OMG! Totoo ba itong nakikita ko at nababasa?” hindi makapaniwalang tanong ni Ellize “My goodness gracious! Ma’am Ellize, Mamsh Berna number one ang show natin

